Chapter 1

7 0 0
                                    

"Napaka-bagal mo namang kumilos, Friscky! Pag tayo wala sa magandang puwesto sa unahan mamaya, sasakalin talaga kita." Pagbabanta ko sakanya dahil kanina pa kami nasa labas ng bahay nila ni Summer.

"Ayan na nga! Palibhasa kasi hindi kayo naliligo ni Kuya kaya agad kayong nakakagayak!" Sagot nito sa'kin habang naglalakad papalapit sa sasakyan.

"Kaya nga mas bagay kami lalo diba, bunso?" Tanong naman ni Summer sakanya.

"Alam mo Kuya, bagay na bagay talaga sayo 'yang pangalan mo. Tirik na tirik yung araw pati 'yang kahibangan mo." Galit na usal ni Frisc sa kuya niya.

Sasagot pa sana si Summer pero pinigil ko na silang dalawa dahil mala-late na kami at baka hindi ko pa makita ang asawa kong si Adele.

"Pag tayo hindi nakahanap ng magandang puwesto mamaya, isasampal ko sainyong dalawa 'tong ticket natin na SVIP." Pagtataray ko sa kanilang dalawa at sumakay na sa kotse nila.

Nakita ko naman ang pagmamadali nila at agad namang nagmaneho si Summer papunta sa arena. Alas-siyete pa naman ang simula ng concert pero 1pm palang ay umalis na kami dahil alam kong traffic at magiging mahaba ang pila nito mamaya. Feeling ko nga ay malalate pa rin kami.

Habang nasa biyahe ay pinatugtog ko muna ang isa sa mga kanta ni Adele na nasa playlist ko, busy si Frisc sa phone niya at eto namang si Summer ay busy rin sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay napapansin ko ang pagsulyap niya sa'kin.

When the rain is blowing in your face
And the whole world is on your case
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love

Mula sa rear-view mirror ay nakikita ko ang mukha ni Frisc na seryosong seryoso sa phone niya, hindi ko maiwasan isipin kung ano ba yung pinagkaka-abalahan niya.

When the evening shadows and the stars appear
And there is no one there to dry your tears
I could hold you for a million years
To make you feel my love

I know you haven't made your mind up yet
But I will never do you wrong
I've known it from the moment that we met
No doubt in my mind where you belong

Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan habang mahinang sinasabayan ang kanta ni Adele.

"Bagay pala sakin 'yang kanta na yan e." Singit ni Summer kaya napalingon ako sakanya at napansin ko rin na nawala na ang atensyon ni Frisc sa phone niya at nalipat naman sa Kuya niya na parang inaabangan din nito ang sasabihin niya.

I'd go hungry, I'd go black and blue
I'd go crawling down the avenue
No, there's nothing that I wouldn't do
To make you feel my love

Hinihintay namin kung may sasabihin pa siya ngunit sumabay lang siya sa pagkanta kaya naman hindi ko na 'to pinansin. Nilingon ko nalang mula sa likod si Frisc pero nagtinginan lang din kami hanggang sa ako nalang din yung umiwas.

"Para kang abno diyan, Kuya." Sabi ni Frisc at pumikit. Ngumiti lang si Summer at nagpatuloy sa pagsabay sa kanta hanggang matapos ito.

The storms are raging on the rolling sea
And on the highway of regret
The winds of change are blowing wild and free
You ain't seen nothing like me yetI could make you happy, make your dreams come true
Nothing that I wouldn't do
Go to the ends of the Earth for you
To make you feel my love
To make you feel my love


"Mga disney princess, gising na. Nandito na tayo" Dinig kong sabi ni Summer na sinamahan pa niya ng marahang pagyugyog sa balikat ko.

Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako. Agad kong chineck kung meron akong tulo laway na agad naman atang napansin ni Summer.

"Huwag kang mag-alala, wala naman. Maganda ka pa rin pag tulog, mas mabait tignan at mukhang hindi masungit." Sagot nito sakin habang ginigising si Frisc.

"Talagang maganda 'ko." Yun na lamang ang nasabi ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga pasimpleng banat niya sa'kin.

Matapos naming mag-ayos ay bumaba na kami ng sasakyan at agad na pumila.

"Beshy" Tawag niya sakin.

"Bakit?"

"Pwede raw ba na sumama satin si Sam? Nandito na rin kasi ata siya tapos yung mga friends daw niya e nasa loob na, wala raw siyang kasabay." Nag-aalinlangang sabi niya sakin.

"Oo naman para makilala ko na rin yang crush mo." Nagulat ako sa sinabi ni Summer, usually kasi ayaw niya na may ibang lalaki kaming nakakasama bukod sakanya. Protective siya kay Frisc pero bakit ngayon nag-agree siya?

Tumingin naman sakin si Frisc na parang inaantay niya ang magiging sagot ko. Tumango nalang ako dahil ayoko namang hadlangan ang gusto niya.

"Yey! Thank you beshy!" Sabi nito sakin sabay side hug. Hindi ko naman iyon pinansin at uminom nalang ng binili naming lemon juice kanina.

Maya-maya lang ay dumating na si Sam, naka-white shirt lang siya at gray na trouser pants. Halos lahat ng nadaanan niya ay napatingin sakanya.

"Hi, Frisc at Autumn." Nakangiting bati nito sa amin.

"Hi, Sam. Si Kuya Summer nga pala." Pakilala ni Frisc sa katabi ko.

"Nice to meet you po, Kuya" Sabay offer ng kamay nito kay Summer. Agad naman itong tinanggap ni Summer.

"Drop the "po at Kuya", tol. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin." Biro nito kaya naman napangisi nalang kami ni Frisc. Actually dalawang taon lang naman talaga ang tanda ni Summer sa amin kaya halos hindi ko na rin siya ginagalang. Noong unang beses ko siyang na-meet ay noong graduation namin ni Frisc nung Senior High. That time, kuya pa ang tawag ko sakanya and as time passed by naging casual nalang ito.

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinag-uusapan nila at nagsimula na akong pumasok sa arena, kasabay ko si Frisc habang nasa likod naman namin si Sam at Summer.

"Okay ka lang, beshy?" Tanong sakin ng katabi ko kaya naman napalingon ako sakanya.

"Oo naman after so many years makikita at mapapanood ko nang live si Adele." Simpleng sagot ko sakanya.

"What I mean is, tayo, okay lang ba tayo? You seem so quiet kasi simula nung dumating si Sam. Are you uncomfortable ba?" Paninigurado niya.

"Of course we're good, silly. Nire-reserve ko lang talaga yung energy ko later for my wife. Alam mo naman." Pabiro kong sabi sakanya so that mawala na sa isip niya yung bumabagabag sa kanya. But if being honest? Na-off lang ako kasi I really wanted na maging memorable 'to sakin kasama siya but dahil nga may epal, siguro e-enjoyin ko nalang din dahil ang mahal kaya ng ticket.

All I AskUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum