Chapter 1

96 16 66
                                    


San Gabriel


"HINDI KA TAGA-RITO 'NO?" tanong ng lalaking ngayon ko lang napagtatnto na hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling.

Nagpatuloy lang ako sa pagpulot ng bato sa ilalim ng mga hita ko at pagbato nito sa malayo. Ang nasa isip ko lang ay wala nang magandang idinulot ang lugar na ito simula nang dumaong kami rito. Kung hindi aso, siraulo naman ang hahabol sa akin. Lalong-lalo na sa bahay, kung saan pinakakumulo ang dugo ko.

"You're not from around here, are you?" tanong ulit ng estranghero na ikinataas ng kilay ko.

Naupo siya sa tabi ko at hindi sa'kin ang tingin bagkus sa malayo. He's wearing faded denim shorts and a dirty white muscle tank top. Pero sobrang gutay-gutay na tila pinagtagpi-tagpi ito ng mga tigre. Inisip ko na lang na baka inaayon niya ang kasuotan niya sa init ng panahon.

"I know it's not in my business," nagsalita ulit siya, "but if you need someone to talk to, I'm here. I'll listen."

Alam ko na ang ginagawa niya. Dahil sa mapusyaw kong kuntis at golden brown na buhok, madalas akong mapagkamalang dayuhan. "Thank you for your consideration," sumbat ko, "pero nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng Filipino."

"Ayun! Mabuti naman," nauutal niyang pagkasabi. Tila siya na ang hindi marunong magsalita ngayon.

I snuck a glance at him and saw that he has a regular haircut. Actually, parang bagong gupit nga lang siya. Manipis ang gilid at may tamang kapal lamang sa tuktok. Iyon na siguro ang pinakamalinis niyang bahagi. Dahil may grasa sa mukha niya at mga braso niya, may tuyong putik din ang kanyang binti at paa.

Muntik ko na siyang mapagkamalang palaboy. Kaya nagulat ako nang magsalita siya ng Ingles na may accent pa.

Mas pinili kong magpatuloy sa pagbato ng kahit anong mapulot ko. Honestly, I'm not good with communicating - especially with sharing my feelings. I'm also not apt to push people away properly. Kaya hindi ko mapaalis itong katabi ko ngayon lalo't hindi ko naman siya kilala.

Nang wala na akong makapang bato, binunot ko ang mga damo sa lupang kinauupuan ko at iyon mismo ang itinapon ko sa hangin. Kung iisipin, nagsimula rin ang araw na ito na nagbabato ako ng mga bagay sa kawalan. Dahil sa mga bagay-bagay na gusto kong kalimutan.

HATING-GABI. Tanaw ko ang pagparte ng tubig sa paglayag ng barko mula sa balkonahe. Malamig ang hangin kaya mahapdi ang pagbulusok nito sa mukha ko. Maulap din ang langit kaya madilim ang karagatan. Ang tanging pinagmumulan lang ng liwanag ay ang mga bumbilya na nakasabit sa barko. At ang ilaw mula sa kwarto kung saan natutulog ang kapatid ko.

Nakayakap ako sa aking mga braso habang hawak-hawak ang kwintas na ninakaw ko. May pendant itong letrang N para raw sa Nico, o kaya para sa pangalan ng ibang tao.

Nakaw na ito dahil kahit binigay sakin 'yon ng dati kong kasintahan ay wala na akong balak angkinin iyon. Isa lamang kasinungalingan ang lahat. Di tunay! Peke! Hindi ko nga alam kung totoo bang ginto ang kuwintas na iyon. Hindi ko na inalam, wala na rin namang saysay.

Inilabas ko ang cellphone kong mayroong huling mensahe niya na gusto niya pang makipagkita. Pagkatapos ng anim na buwan, ngayon lang ulit siya nagparamdam. Nakakaawa. Nakakasuka. Dahil na rin siguro sa sumpunging pagduyan ng barko kaya humihilab ang tiyan ko. Pero hindi na ako nagsayang ng luha, ni isang hikbi wala akong ibinuga.

My decision was final. Na-upload ko naman na lahat ng pictures namin ni Mama sa internet. Nagpaalam na rin ako sa lahat ng mga kaibigan ko. Hindi na dapat ako magdalawang-isip sa gagawin ko.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon