Kabanata 2

469 35 15
                                    

IRIS' POV:

Tatlong araw ang lumipas mula nang iabot ko kay Mommy ang sulat. I can't take that news on my own for so long. Ayaw kong patagalin iyon sa'kin dahil hindi ko kayang kunsintihin si Dad.

"GOOD MORNING!! AGA NATIN, ARCHITECT AH?!" Bungad ni Gio nang maka-pasok ako sa office. Kasama ko pa rin sila ni Kleo sa iisang room at dumagdag naman last month si Madz dito.

Sa ngayon ay kami palang ni Gio ang nandito sa opisina namin. Wala pa si Kleo at Madz. Balita ko ay mag-kasama silang dalawa kagabi dahil nakita ko sa IG story ni Kleo, but in a lowkey picture. Hindi mafi-figure kung sino ang babaeng kasama nya sa litrato pero alam kong si Madz 'yon.

"Kumain kana, Archi Rain?" Tanong ni Gio habang pinapa-ikot-ikot ang sarili sa swivel chair.

"Nag-coffee lang." Sagot ko habang inaayos ang sketch ko.

"Paki ko?" Awtomatiko ko syang binato ng nilukot kong papel. Magta-tanong tapos wala pala syang paki!

Maya maya pa ay sabay na dumating si Kleo at Madz. Halos couple outfit pa sila ngayon dahil same colors lang ang damit nila. Brown ang black.

"Wow, lovers!" Komento ni Gio.

Bumeso naman sa'kin si Madz at tinitigan pa 'ko kaya hinampas ko sya. "Aray, mapanakit ha!" Sambit nya.

Hindi pa man nakaka-upo si Madz ay dere-deretsong pumasok si Cali sa opisina namin.

"Infrastructures management, present all your plans within the day." Tila tumigil ang mundo ko sa sinabi nya. I don't care if it's Cali, I only care about what he just said.

"Bakit ngayon? Wala naman syang sinabi ah?" Agad na sambit ni Madz nang lumabas si Cali.

"Yan ang good morning! Literal na ginulat tayo ni Boss!" Komento muli ni Gio.

Tatlong araw akong hindi pumasok sa trabaho at hindi ko rin nai-present sa mga engineers ang plano kaya kargo ko lahat ng problema ngayon.

"Present mo nalang sa'min ngayon until 11:00pm para kahit papa'no may idea kami." Sambit ni Madz at tinapik-tapik ang balikat ko.

Hindi pa 'ko nakaka-balik sa tamang huwisyo nang biglang may kumatok. "Architect, pinapa-tawag po kayo ni Sir Cali sa taas..." Sambit ng isa sa mga empleyado rito.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Bakit?! Ayoko! "Bakit daw?" Tanong ni Madz.

"Aalis po yata si Sir Cali at Architect para tignan ang area sa Bulacan." Sagot ng empleyado.

"Huh?! Di pa nga napre-present yung isang project, may gusto na naman syang patayuan?!" Gulat na sambit ni Madz. "Alam mo, pinagi-initan kana nyang ex mo eh!" Dagdag nya pa kaya lihim ko syang kinurot sa likod para manahimik dahil may iba kaming kasama.

Sumunod nalang agad ako at dumeretso sa opisina ni Cali kung saan sya lang mag-isa. Nang makarating ako ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan nya.

"Good morning, Sir." Sambit ko nang buksan nya ang pinto.

"Do you see that table?" Tanong nya na ikina-kaba ko. Parang alam ko na ang kasunod. "That will be your new table, and this is your new office.. I need the Architect near me all the time so you can change whatever I want and you will add whatever I'll say." Tila hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nya habang nakatayo sya sa harapan ko at naka-titig sa mga mata ko.

"You can just call me if you need to say something or you have suggestions for the project... Sir." Naga-alangan kong sambit.

"I said what I've said, Architect Araneta..  I'll give you 5 minutes to get your things.. We will going to Bulacan and you have to see the area's." He said with authority.

MARIA IMELDA TRIO (season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon