XXXXVI (narrative)

23 3 0
                                    



Jenna was catching her breath from running. She didn't realize that Alexis caught up with her and gently patted her on the back. She didn't answer and nodded. Kasalukuyang nasa hospital sila kung saan dinala si Apollo sa pinangyarihan ng aksidente.

"Nurse, nasaan po si Jose Apollo Chu?" hapong hapo niyang tanong.

"Kaano-ano po ba kayo ng pasyente?"

"Kasamahan niya po sa banda." sagot ni Alexis sa nurse.

Sinamahan sila ng nurse kung saan ang private room ni Apollo. Wala silang kibuan ni Alexis habang sinusundan ang nurse kung nasaan naroon si Apollo.

Nang makita niya si Apollo sa hospital bed na na mahimbing na natutulog. Mukhang nasa maayos naman itong kalagayan maliban sa mga pasa at sugat na impact ng pagbagsak nito sa motor.

Nakahinga siya ng maluwag pero hindi pa rin napigilan na umiyak habang pinagmamasdan ito. Hindi mawala ang takot sa dibdib niya nang tinawagan sila ni Apollo habang dinadala ito sa hospital. Kung hindi lang ito nagbilin na huwag mag cancel out sa music festival dumiretso na sila kanina pa.

Knowing Apollo he didn't like to worry too much.

"Jenna, he's okay. Let me wipe away those tears. Baka isipin niya pinaglalamayan mo siya."

Sinuntok niya ito sa braso. "Nakuha mo pang magbiro."

Alexis wipes away the tears in her eyes.

"You know, how Apollo doesn't like to fuss too much about him.."

"I know, I couldn't help it." Hindi niya na pigilan ang sarili mapa hikbi. Apollo meant so much to her hindi lang bilang crush naging kaibigan niya rin ito. She always looks up to him. Apollo has that certain air of confidence that he can withstand whatever comes his way.

"Alam ko, I'll go get us some coffee. Maiwan ka muna dito." paalam ni Alexis sa kanya at lumabas na ito ng silid.

Kaya hangang-hanga siya dito. He's the one that inspired her to go fight for her dreams. It may seem trivial but it held deeper meaning and purpose for who she is now.

Lumapit siya kay Apollo at naupo sa tabi nito habang pinagmamasdan nitong natutulog. Nararamdaman na naman niya mga naglulundagang mga daga sa dibdib niya.

"Chill, self. Kita mo na ngang naaksidente ang tao kung ano-anu pa ang sa isip mo." bulong niya sarili. Huminga siya ng malalim at pina kalma iyong sarili. Hindi siya pwede madatnan ni Alexis na mukhang timang sa presensya ni Apollo o ni Apollo mismo. 


*********************************************


Hindi niya namalayan na kanina pang tumatawag ang mga kabanda nila at kapatid niya. Kaya nag text na siya ng updates sa kalagayan ni Apollo sa mga kabanda niya.

"Hello Kuya, how's Kuya Apollo?" tanong ng kapatid ni Astrid.

Tatawag palang siya sana kay Astrid tumawag ito ulit. "Apollo's is okay. Nagkaroon lang siya ng mga pasa,sugat sa katawan at sprain sa paa. Kailangan niya lang magpahinga ng ilang linggo makaka recover din siya. If not for Apollo, posibleng nasa critical na condition ang batang muntik masagasaan kanina." Kwento niya.

"Mabuti na lang pala. It's a shame na nasira ang plano niyo for the festival. Ang tagal niyo ring pinaghandaan iyon, Kuya. How's Ate Jenna?"

"She's okay. Nasa kwarto siya kasama si Apollo."

Hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Jenna ng mabasa niya ang balita kakatapos lang ng setlist nito noong umugong ang balita sa aksidente ni Apollo.

Kaibigan naman ni Jenna si Apollo pero nakaramdam siya ng kirot sa puso. Hindi lang kaibigan ang pagtingin ng kababata niya sa bestfriend niya. Hindi siya sigurado kung magkakaroon pa ng tsansa sa kanila dalawa. Meron pa nga ba?

Why was he even here? Bakit pa nga siya kumakapit sa bagay na matagal ng wala? Wala na ba talaga?

Naglalakad na siya pabalik ng assigned room ni Apollo habang hawak ang kape na binili niya. Napatigil siya sa tapat ng pinto. Nakatayo lang siya doon habang pinagmamasdan niya si Jenna nakasandal ang ulo sa higaan ni Apollo habang hawak-hawak nito ang kamay.

"Kuya, are you still with me?"

"Huh?"

"Ok ka lang ba, Kuya?"

"No, I'm okay."

"I know, you're not but I won't force you to tell me anything. I'll be praying for Kuya Apollo's fast recovery. Kuya, kung mabigat na talaga. You can step back and let go."

"Astrid, you worry too much. I'm fine. I'll tell Apollo that you called." mabilis niya tugon.

"Kuya..."

"Astrid. Ok ako. Tawagan na lang kita ulit. Bye " binaba niya na ang phone. 


Pumasok siya sa kwarto at inilapag ang kape na para kay Jenna. Mukhang hindi na kinaya ang antok dahil pagod din ito galing sa festival.

Tinanggal ni Alexis ang jacket niya para ikumot sa balikat ni Jenna. Lumabas siya ng silid at doon na lang siya naglagi sa lobby.

Napapapikit pikit na rin siya dala ng antok at pagod galing pa sila ng music festival para mag-perform. Hindi niya nga maalala kung paano nila naraos iyon. Ramdam nila pag-iba ng mood ng crowd ng napansin wala si Apollo. Gusto man niya i-cancel ang performance dahil kulang sila iba pa rin pag nandoon ang bestfriend niya at handa siya akuin ang magiging penalties pero ayaw ni Apollo i cancel. Nanghihinayang ito sa mga fans na nag effort na nandoon na para panoorin sila.

"Kuya Alexis!" naalimpungatan siya sa tinis ng boses ng kanyang kapatid. Kasama ni Astrid ang Kuya Arthur nila. Kinusot niya ang mata niya at napatingin sa kanyang mga kapatid.

"Bakit kayo nandito?"

"I'm worried, Kuya. I know you said not to worry but I can't help it. Kaya kinulit ko na si Kuya Art na samahan ako."

"You don't really have too. I'm fine. Pagod pero ok lang ako." mariin niyang sabi sabay hilot ng kanyang sentido.

"Hindi ka ok. Huwag mong masyadong pag-aalalahin itong bunso natin. Pag nalaman to ni Enzo masesermonan ka noon. Ayaw na ayaw niyang na stress si Astrid."

"I'm sorry bunso. Your Kuya won't do it again. You should rest instead of going here." malumanay niyang sabi at hinaplos ang ulo nito.

"Apology accepted, Kuya. Nagdala kami ng food. Punta tayo ng cafeteria kainin to. Nagdala kami ng extra for Ate Jenna at nagdala din kami ng damit mo na pampalit."

Hindi na siya tumanggi sa mga kapatid. Kilala niya ang mga ito kapag nag hindi siya sa mga ito hahaba lang ang usapan. Kaya pumunta silang tatlo sa cafeteria para kumain. 


Everyone's Hypegirl !Where stories live. Discover now