00

1.1K 97 21
                                    



Jeffrey, Clinic Security

Text Message
Thursday 10:21 PM


Jeffrey:
Doc, nakauwi na po kayo?

Shiloah:
Oo, kuya, kakapark lang sa bahay

Bakit?

Jeffrey:
Doc, may dumating po kasi ditong pasyente

May dala-dalang pusa, magcloclose na sana ako ng gate

Shiloah:
Ah, pakisabi na lang kuya close na tayo

Bukas pa ang clinic hours natin, 9am-7pm

Jeffrey:
Yun nga po, doc

Ayaw po umalis, umiiyak eh

Saka po, nahihirapan ako makipag-usap

Nag-eenglish po kasi hehe

Shiloah:
Close na tayo, kuya and I can't go back there anymore

30 minutes yung byahe

Then yung ibang staff, nakauwi na rin

Jeffrey:
Opo, sinabi ko rin po

Pero po doc, hehe

Sabi niya, babayaran daw niya tayo ng 5000 dollars para lang daw macheck-up yung pusa niya

Doc, kinonvert ko sa pesos

Doc, 280,000 pesos

Tinanggap ko po

Doc, nasa loob na sila ng clinic

Shiloah:
Kuya???

Jeffrey:
Ikaw na lang hinihintay namin, hehe

Doc, may 280,000 pesos na tayo

Sent 10:35 PM

Sweeter Than FictionWhere stories live. Discover now