Chapter 31

8 2 0
                                    

CHAPTER 31: KEEPING AN EYE, AND I

He should be grieving over his partner's departure from his life and yet, Megumi was absorbed by the guy named Yoshiko Alvarez, whom he just knew and in an uncounted circumstances, he was confessed by the said young man.

“Hey, Megumi, what are you looking at?” tanong ng isa sa kaibigan ni Megumi nang mapansing kanina pa nawawala ang isipan ng binata sa kanilang presensya.

They were discussing about their next project and yet, Megumi's mind seemed to wander somewhere else.

“Hey, Megumi~ Are you with us?” maarteng tanong ni Justin.

Silence.

Kahit na naiinis sila ay wala silang nagawa kun' 'di ang magkibit-balikat at dungawin na rin kung ano man ang nasa labas ng bintana na siyang pilit umaagaw ng atensyon ng kanilang kaibigang si Megumi.

Nang makita nila ang kanina pang pinagmamasdan ng kaibigan ay agad silang napatingin sa isa't isa at iisang ngiti lamang ang ngumuhit sa kanilang mga labi.

Through the window, a group of young men were playing volleyball at the open field. It must be a warm-up game, they were only four in the field excluding the other one at the sideline, scoring them.

“So, sino riyan ang type mo?” Justin asked.

“Teka. Parang kilala ko 'yong nasa gilid, 'yong pretty boy manager nila!” sagot ni Ashley at taas-baba ang kilay na nilingon si Justin.

“Oh! Stanley, right? He's cute, but I prefer their captain!” Justin squealed.

“So, sino ang type mo, Megumi? I thought you prefer older than you, and bitch, may boyfriend ka hindi ba?”

“We broke up last night,” kaswal na sagot ni Megumi nang hindi man lang lumilingon sa mga kaibigan ngunit nang rumehistro sa kanyang ang mga pangyayari ay halos lumuwa ang mga mata nitong nilingon ang kanyang gilid.

Sinusubukang pigilin ni Justin ang sariling tumawa ngunit nang tuluyang sumabog ang mala-demonyong pagtawa ni Ashley ay hindi na rin niya ito napigilan at sinabayan itong tumawa.

“We better celebrate, Ash!”

“Like, bakit ngayon lang kayo naghiwalay, Megumey? But, seriously? Break na kayo? Condolence po sa naging investment mo sa lalaking 'yo—”

“Shut up!” inis na sigaw ni Megumi, “Hindi niyo ba alam na nasa process of mourning pa ako? Grabe kayo, guys,” sarkastikong dagdag ni Megumi dahilan upang muling bumunghalit nang tawa ang dalawang kaibigan.

Bumuntonghinga si Megumi at muling dumungaw sa may bintana. Agad dumapo ang kanyang paningin kay Yoshiko Alvarez — ang binatang bigla na lang nag-confess sa kanya.

“He likes Lianne,” bulong ni Megumi na hindi pinalampas ng matatalas na tainga ng dalawa.

“Lianne? Your ex? Tangina naman, Megumi. We need detailed details!” Justin protested which then, completely ignored by Megumi.

Hindi iyon inaasahan ni Megumi kaya kahit na sobrang lasing siya kahapon ay bigla siyang nahulasan. Apparently, Yoshiko mistook Megumi for someone else's — and coincidentally it was his ex-girlfriend, all because of an encounter and a handkerchief.

“He's cute, though,” Megumi blurted out, “But, not my type,” he added.

“Hindi raw type, pero tingnan mo 'to, manonood daw ng practice match nila off campus!” pang-aasar ni Justin habang pinanonood ang kaibigang imisin ang mga gamit.

Nag-angat ng tingin si Megumi at sarkastikong tumawa sa kaibigan, “I'm meeting Lianne, and, debut match kaya ng kapatid ko!”

“Excuses.”

Hindi na lamang pinansin ni Megumi ang pang-aasar nina Justin at dali-daling lumabas ng campus kung saan naghihintay ang isang puting van na kanilang sasakyan patungo sa Libero High — it was a van owned by Stanley Salvarez's cheering squad, Megumi tagged in by pretending that he also like the latter.

He's a spectator.

Sa ilang linggong pag-uusap nina Megumi at Yoshiko online, at sa hindi malamang dahilan namalayan na lamang ni Megumi ang sariling lihim na minamasdan ang binata sa tuwing pagkakataon ay hahayaan silang magtagpo, kahit na ilang kilometro ang layo ay sapat na upang makita niya ang binata at ang kanyang mga ngiti.

Sa ilang nakaw na mga tingin at mga palitan nila ng replies through messenger online, may ilang napansin si Megumi na kahit anong gawin niya ay hindi niya maaaring baliwalain.

“Stanley has feelings for Yoshiko,” deklara niya at pinagmasdan ang mga bagong usbong na mga rosas sa kanilang hardin.

Katabi niya ang dalagang si Lianne — still in her uniform.

She sighed in defeat and kicked the stone on the ground.

“Megs, pinapunta mo ako rito para lang diyan? And who's this Stanley? At ano namang pake mo kung may gusto itong si Stanley kay Yoshiko? Hindi ba't ikaw 'tong nagsabing friends lang kayo ni Yoshiko dahil mahal mo pa rin si Yoshino?”

“Stanley is his best friend, they even live together.”

Lianne chuckled, “Oh, they're childhood friends? Hm, why do you care? Hm, don't tell me, gusto mo na si Yoshiko? And he's not even your type. Tsk, I feel bad for the guy.”

Megumi pouted, “I don't even know it myself! It's magic, Yan!”

It's truly a magic.

Hindi alam ni Megumi kung kailan nagsimula, ang alam niya lang ay may kung anong humihila sa kanya patungo kay Yoshiko. At kahit anong pagkukumbinsi niya sa sariling hindi maaari dahil nasisiguro niyang straight si Yoshiko, at ganoon lamang ang pakikitungo nito sa kanya dahil akala nito ay babae si Megumi, akala ni Yoshiko ay siya ang babaeng gusto niya — Lianne.

Walang pag-asa.

“But, looking at it, it's hopeless. Ugh, just looking at how he brushed off Stanley's advances, I knew it. Besides, I am decieving him by assuming your identity, that I am a woman named Megumi.”

Lianne sighed.

Hinarap niya si Megumi at mariing pinisil ang pisngi nito.

“Isang tanong, isang sagot lang, Megs, okay? Do you like him or not?”

Natigilan si Megumi ngunit agad ding bumawi. He pinched her cheeks like some kind of balloon and laughed, maniacally.

“What if I am? Are you jealou—”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Megumi nang mapansin ang isang pigura sa kanyang peripheral vision. Hindi na dapat niya ito papansinin ngunit tuluyan siyang napalingon din nang biglang kumilos ang taong iyon.

Hindi niya alam kung anong ekspresyon ang dapat niyang ipakita. Kahit na hindi naman mahilig sa kape si Megumi ay panay ang pag-palpitate ng kanyang dibdib. Wala rin siyang problema sa baga ngunit parang hindi siya makahinga.

It was a student peeking at them. May hawak itong rosas na malamang ay kinuha niya sa hardin, mahigpit ang hawak nito sa bulaklak, may mga tinik pa ito.

Nakatayo lamang siya't nakatingin kina Megumi at Lianne, nangingilid ang kanyang luha.

It was Yoshiko.

“Hey, Yokkun, wait!”

***


A/N: One week pala ko walang update rito, haha pero dapat inuuna ko 'yong entry ko para sa halloween, haha.

When The Flower Bloom ✔Where stories live. Discover now