Chapter 37

7 2 0
                                    

CHAPTER 37: TIME TO ATTACK

“Great work, guys! Yoshiko! Stan! Hey, Captain!”

“Whoa, bakit nandito si Ate Stell?” gulat na tanong ni Yoshiko nang makita sa audience ang kapatid ni Stanley, may hawak siyang dalawang pompom.

“Well, Stanley commissioned her to invite her college cheerleader squad,” bulong ni Captain Scien habang nakayuko sa harapan ng kanilang audience.

They won the first preliminary matches against Libero High and Blythe High. At dahil sa kanilang pagkapanalo ay kasama na sila sa representative playoffs na gaganapin naman after one month.

“Good work for today, team,” bungad ni Coach Lucas habang hinihintay ang kanilang order sa maliit na restong pag-aari ng mga magulang ni Coach Lucas.

“Thank you for your guidance, Coach!” magiliw na sagot ni Captain Scien na agad sinegundahan ng team kahit na ang mga mata nila ay nakapokus na sa paparating na waiter dala ang ilang tray ng pagkain.

“Well, after this, rest. Matulog kayo nang maaga dahil may pasok pa kayo bukas hindi ba? Wala munang practice after class until your finals, mag-review dahil kung bumagsak kayo sa exams niyo, huwag niyo ng balaking bumalik ha?”

Parang may bumara sa kanilang mga lalamunan at hindi nila nagawang kumibo. Masyado silang invested sa tournament at tiyak na nakalimutan nila ang finals exam next week.

“Negativity! Begone!”

It was Stanley.

He clapped his hands, “Guys, we're celebrating, where are your smiles and laughter? Exam lang 'yan, marami pang araw para mag-review, for now, let's enjoy the meal!” pangungumbinsi pa ni Stanley kahit na isa rin siyang palaging alanganin ang grades.

“R-Right! Thanks for the meal!” Captain added, “Let's eat!”

Nang matapos silang kumain ay sabay-sabay rin silang umuwi hanggang sa humiwalay na sina Stanley at Yoshiko dahil iba ang kanilang rutang uuwian.

Hindi na sumabay si Stell dahil may importanteng pupuntahan daw ito na nasisiguro nina Yoshiko na makikipagkita lamang ito sa kanyang boyfriend.

“Ingat!” pahabol ng kanilang Captain bago tuluyang umandar ang jeep habang kumakaway naman ang ibang miyembro ng team dahil ang karamihan sa kanila ay nagkakayayaan ng gumala kahit na malinaw ang bilin ng kanilang coach na dapat ay magpahinga sila.

Sa kabilang banda ay tahimik sina Yoshiko at Stanley, magkaharap sila sa upuan ng jeep at pigil ang kanilang hininga. Siksikan at halos magkapalitan na sila ng mukha ng mga pasahero — sinungaling ang driver nang sinabi niyang kasya pa ang lima.

Labin-limang minuto ang lumipas nang tuluyan silang makababa at makalanghap ng sariwang hangin. Pareho silang napatawa.

“Nakakahilo ang amoy ng pabango ng katabi ko kanina, ang tapang,” komento ni Yoshiko habang sila'y magkapanabay na naglalakad papasok sa eskinita tungo sa kanilang bahay.

“At dahil binanggit mo na rin ang salitang tapang, gusto mo bang puntahan natin bukas si Megumi?”

Natutop si Yoshiko. Marinig lamang niya ang pangalan ng binata ay agad nang kumabog ang kanyang dibdib, hanggang umabot ang ito sa kanyang mukha, his cheeks reddened.

Nang mapansin ni Stanley ang itsura ng kaibigan ay hindi niya napigilang tumawa. It was a genuine laugh, seeing his best friend's expression; how he blushed, and obviously loose his composure made Stanley really happy, even though he really wished, it was because of him, but he knew, it will never be.

“So, we now commence the search for this legendary pokemon called Megumin! A four eyed tall dude with grey hair! His special attack, uh, confessing their love and then running away making his target confuse as fu—” Stanley's mouth was spiked by Yoshiko's trembling hand as soon as he spotted the approaching figure of a threat! — His father!

“Oh! Tito! Saan punta niyo?” agad na tanong ni Stanley at sinalubong ang ginoo at kinuha ang kamay nito upang magmano, ginawa rin ito ni Yoshiko.

“Hm, I heard you won the fight? Good work,” bati ng ama ni Yoshiko, “Oh, nagpapasundo ang Ate Stell niyo sa presinto.”

“What?!”

“Ha?!”

“Don't worry, binasag lang naman ng ate niyo ang side mirror ng isang mamahaling kotse, nothing worry to about,” sarkastikong paliwanag ni Tito James at ngumiti dahilan upang unti-unting humakbang palayo ang dalawa at tumango.

“Safe trip po!”


***


A/N: And, we're entering the pokemon hunt! Saan kaya mahahanap ng ating Gym Leaders na sina Stanley at Yoshiko ang legendary pokemon na si Megumin? Abangan!

When The Flower Bloom ✔Where stories live. Discover now