Chapter 20

766 19 0
                                    

"AYUSIN MO ANG TRABAHO MO!" mataray na bigkas ni Leilani sa babaeng kaharap, maarte itong nakaupo na para bang hindi man lang nasisindak sa matapang niyang awra, nakatayo siya sa harap nito at nakapamewang.

Ngumisi ito ng nakakaloko bago mataray na tumayo at naglakad paikot ikot sa dalaga.

"Don't ya worry may Plano na ako sa mga pictures." nakangiting huminto ito sa harap niya.

"Ayusin mong hindi masisira ang reputasyon ni kuya Thiago, bilang isang boxer."

"ipapadala ko na lang din sayo ang picture namin kaninang lumabas ng kompanya." dagdag niya.

"Ang galing!" pumalakpak ang babae sa sinabi niya.

"Gustong gusto ko na talagang makita si Billy na umiiyak dahil durog na durog." dagdag pa nitong may malawak na ngiti sa mga labi at bumalik sa pag upo.

"Jenny." tawag niya dito.

"Anong kapalit ng pagtulong mo?" aniya

"Close ka sa dad ni Yuki right? tutal magaling ka mag manipula, please tell him na alisin si Jimmy dito." seryoso nakatitig ito sa kanya.

"Jimmy?"

"Billy's Best friend, salot talaga 'yung dalawa sa buhay natin."

"Thiago will be yours, sigurado yon." panigurado nito sa kanya.

"I know." aniya sa nagmamayabang na boses, full of confidence in her voice.

"Simula ng bata pa ako alam kong si Thiago na ang papakasalan ko, hindi siya pwedeng mawala sa buhay ko."

"Magaling, that's my girl!" masayang bulalas nito at may kasama pang pagpalakpak.

"galingan mo lang ang pag papanggap, you know, madaling ma fall ang mga lalaki dahil sa awa."

"actually dyan nagsisimula ang pagmamahal, sa awa."

"I have to go, baka hinahanap na ako ni Thiago." paalam niya dito.

"at ng asawa niya?" may pang aasar sa tono ni Jenny ng sabihin yon.

"Shut up! asawa lang niya dahil pinilit siya, lalaki pa rin yon." galit na singhal niya.

Tumawa ng malakas si Jenny.

"nag sesex sila, nag hahalikan, nagyayakapan, siya ang kayakap– awhh!" binato niya ito ng kung anong nahawakan niya.

"Ang sakit nun hah! hindi lang kita kaibigan baka kanina pa kita sinabunutan." Singhal nito sa kanya.

"Talaga? eh wala ka ngang nagawa noong sinampal ka ng billy na yun sa ballet room." pang aasar na balik niya dito.

"lumayas ka na nga!" pagtaboy sa kanya nito kaya siya naman ngayon ang natawa.

"bye jenny, don't worry bff siguraduhin kong sasabog ang baklang 'yon sa galit sa mga susunod na gagawin ko." nakangiting paalam niya dito.

Mabilis siyang umalis sa tagong lugar kung saan sila laging nagkikita ni Jenny. Pagkalabas niya ng silid ay nagbuntong hininga siya.

Gumugulo sa utak niya ang sinabi ng kaibigan kanina.

No he is mine. Matigas na kumbinsi niya sa sarili.

Nag beep ang phone niya kaya mabilis niya itong tiningnan.

My Boyfriend:

Where are you? we're waiting here in the lobby.

Si Thiago ang nag message, napangiti siya bago nag tipa ng mensahe pabalik.

HIS CHOSEN GROOMWhere stories live. Discover now