CHAPTER 34

805 24 10
                                    

“THAT'S ALL FOR TODAY GENTLEMAN, THANK YOU FOR COMING.”

The moment I heard the speaker closing the meeting I directly stood up.

I'm sorry to admit but I don't understand any of what he said, ang isip ko ay kasama ni billy sa pag uwi sa mansion namin dito sa Spain.

“Thiago, relax. Kanina ka pa sa conference." saway sa akin ni dad, mabilis ang hakbang ko palabas ng exit door ng building.

“Dad, I'm in a hurry. Please take care of my father in law. I have to go ahead.” mabilis na pagsasalita ko at agad sumakay sa kotse na nakaabang sa labas ng building.

Habang nasa biyahe ay dinukot ko ang dala dala kong small box. Buntong hininga akong tumitig dito at tumingin sa labas ng kotse.

Hindi ko na alam kung okay pa ba ako. I guess I'm not, masyado akong kinakabahan, maraming mga bagay na naglalaro sa isipan ko. Mga bagay na kinatatakutan ko.

Paano kung mahal lang ako ngayon ni Billy dahil hindi naman talaga niya naalala ang matabang batang Thiago noon? paano kung madismaya siya, paano…

Maraming paano, maraming tanong na gumugulo sa isip ko kanina pa. Hindi ko ito naisip noon or baka indenial lang ako na pwede itong mangyari.

PAGDATING ko sa mansion ay agad akong sinalubong ni mommy na nakangiti.

“Where's Billy mom?" agad na tanong ko sa kanyang nagmamadali.

"he is in the—

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, hindi ko narin siya nagawang halikan dahil hindi ko maiwasan na tumingala sa second floor ng bahay namin. Nakabukas ang kwarto ko kaya halos lumuwa ang puso ko sa kaba at mabilis na pumunta doon.

Pagdating ko sa bungad ng pinto ng kwarto ko ay humugot ako ng lakas ng loob para ihakbang ang mga paa ko para pumasok.

Tahimik akong pumasok habang hinahanap ng mga mata ko si Billy at ng makita ko siyang nakatayong nakatalikod sa akin ay hinayaan ko lang.

He was standing in front of my study table, where my memories of when we were kids were displayed.

Nakita ko pang may kinuha siya sa mga yun at nilagay niya sa kanyang bulsa.

Maingat kong isinara ang pinto pero narinig pa rin niya ang tunog ng lock nito kaya mabilis niyang nabitawan ang hawak hawak niya. Mabuti at may carpet ang sahig at hindi nabasag ang frame na bumagsak.

Mabilis siyang lumingon sa direksyon ko at walang dalawang isip na tumakbo at itinapon ang sarili sa akin.

Nakangiti akong yumakap sa kanya ng mahigpit, pakiramdam ko lahat ng pag alala ko ay nabura ng isang mahigpit niyang yakap.


“I'M SO SORRY”

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng naririnig mula sa kanya ang salitang ito mula pa  kanina.

Nakaupo na kami sa mahabang sofa dito sa kwarto ko, nakasandal ako sa sandalan ng sofa dahil nakayakap siya sa akin at nakaupo sa kandungan ko. Para siyang batang umiiyak.

Walang tigil ang pag aalo ko sa kanya, may hahalikan ko siya, may tapikin ko ang likod niya, punasan ang luha niya at kung ano pang pwedeng gawin para lang tumigil siya sa pag iyak.

Pasimple kong tiningnan ang phone ko na kanina pa nag be-beep. It's good that he is busy crying because he didn't notice me doing monkey business with my phone.

Dahil sa tingin ko ay hindi talaga siya titigil sa pag iyak ay inilabas ko na ang box na dala dala ko kanina pa.

inangat ko siya ng konti sa pagkakayakap sa akin para ayusin siya pag upo sa kandungan ko.

HIS CHOSEN GROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon