Prologue

0 0 0
                                    

"Hay salamat may train na rin" sambit ko sa sarili. Kanina pa ako dito kakahintay sa train "Aray!"

Wala nang pakialam ang mga tao dito, makasakay at makauwi lang. Sa ilang oras na paghihintay ay nakauwi rin ako galing eskwelahan

"Oh, bakit ngayon ka lang? May nangyari ba?" Pagaalalang tanong ni mama. Lagi siyang ganito

"Wala ma, traffic kasi kaya nag train ako, kaso pag dating ko sa abangan ang daming naghihintay. Maaga pa sana kami pinauwi ngayon" Pagkekwento ko at napanguso

"Okay lang 'yan, ligtas ka namang nakauwi" Sambit ni mama at ngumiti

"Nagaalala nga ako sa 'yo, baka mamaya atakihin ka tapos wala ako" saad ko at bakas ang pag aalala "Si kuya?"

"Naghanap ng trabaho, alam mo naman 'yon gusto niyang mag aral ulit" saad ni Mama. Oo nga naman, huminto siya ng pagaaral nang mawala si papa at siya ang nag trabaho samin saglit, kaso nga lang nagka aberya yung pinapasukan niya kaya lahat sila nawalan ng trabaho. Engineer ang kurso niya, 2nd year college siya nung huminto siya, ayaw niya sa call center dahil nahihirapan daw siya mag English.

"Oo nga pala ma, binilhan kita yung paborito mong Suman!! Medyo naganto na siya dahil sa traffic kanina. Sorry, ma" saad ko, paborito niya 'to. Dahil sa suman kaya nagkakilala si Mama at Papa

"Salamat, Na-" naputol dahil sa ubo niya

"Malala yata ubo mo ma? May masakit ba? Nilalagnat ka ba?" Pagtatanong ko sa kanya. Umiling naman siya

"Wala to, simpleng ubo lang" saad niya at ngumiti. Umubo ulit siya sa panyong hawak niya, nagulat ako sa dugong nakabakas sa panyo

"Dugo ba 'yan?" Umiling naman si Mama, kinuha ko yung panyo at agad nag alala. "Ma, may TB ka ba? Tara nga sa Hospital"

Nang mapilit ko siya sa Hospital ay nagpacheck up kaming agad. At kinagulat ko nang may mga test na gagawin kay Mama sabi ng doctor na

"Maaaring mayroon siyang TB at maaaring Pneumonia, hindi ko pa po ito maisisigurado" saad ng Doctor, hindi ko maiwasang mag alala para kay Mama

Mga ilang oras lang din ay nakauwi na kami, saktong nakauwi na rin si kuya

"San kayo galing? Kanina pa ako dito, kanina ko pa kayo hinahanap. Nagalala tuloy ako kay Mama" saad ni kuya, bakas din sa kanyang mukha ang pagaalala kay Mama. Mayroong sakit sa puso si Mama, hindi namin alam kung kailan ito maaring umatake, ayaw niya naman sa Hospital.

"Bakit namumutla ka, ma?" Pagaalalang tanong ulit ni kuya. Umubo ulit si Mama "Ang sama ng ubo mo. Anong masakit sayo, Ma?"

"Kuya....." Saad ko. Agad naman niya akong tinignan at tinaasan ng isang kilay. "Pwedeng ikaw sumama kay Mama bukas sa Hospital? May pasok kasi ako"

"Ano bang meron? Ano bang nangyari?" Nagtatakang tanong ni Kuya. "May TB ba si Mama"

"Hindi pa raw alam, Kuya. May test pa raw na gagawin" Saad ko habang nakahawak sa noo at nagalala

"Sige sige, ako sasama kay Mama bukas." Saad naman ni Kuya. "Okay ka lang ba ma?"

******

hi, it's me Jal!
Note: don't stress yourself too much, don't pressure yourself too much. Keep fighting! Goodluck and take a rest, enjoyin lang ang buhay! Iloveu, i'm so proud of you!!!

Live, Laugh, Love HimWhere stories live. Discover now