Part 1

1 0 0
                                    

TITLE : NICE TO MEET YOU

"Bakit parang di ka mapakali diyan?" Tanong ni Vanessa, kaibigan ko.

"Si Mama kasi, nag pa check up kami kahapon dahil masama yung ubo niya. Nagaalala lang ako" Saad ko naman sa kanila

"Wag kang mag alala diyan, okay lang ang mama mo. Isipin mo na lang na ayos lang siya at nasa mabuting lagay. Tapos wag mo munang estressin yang sarili mo, basta okay yan si Tita, yun pa e ang lakas lakas non" saad naman ni Vanessa na nagpagaan sa loob ko. Oo nga, sana okay lang si Mama

"Kumusta pala yung kuya mo? May trabaho na ba?" Pagtatanong ni Katherine, kaibigan ko rin pero ang pagkakaiba lang ex siya ni kuya

"Ayon, naghahanap pa rin ng trabaho, minsan may pinasukan siya o nag papa extra" saad ko naman sa kanila. Tumuloy na lang kami sa pagkain

"Huy ano! Oo nga pala, yung tito ko naghahanap ng papasok sa kaniya, taga sahod lang, umalis na kasi yung dati niyang tauhan. Baka gusto ng kuya mo" Saad ni Vanessa habang kumakain ng burger

"Itanong ko kay Kuya mamaya pag uwi" saad ko naman sa kanya

"Wag na kamo mag alala sa sahod, madaling kausap yung tito ko na yon at isa pa ah, galante rin" saad naman ni Vanessa

"Maliit o malaki yung sahod okay na yan para kay kuya, ang importante mag ka trabaho siya" saad ko sa kanila

"Sabagay, kailangan niyo rin ng pera ngayon. Lalo na kay tita" saad ni Vanessa, nagalala nanaman ulit ako kay Mama. "Oh bakit ka tumahimik? Wag ka na mag alala sa Mama mo, okay lang siya, kasama niya naman ang kuya mo"

"Siya nga pala. Yuna, may mga damit ka pa ba diyan? Ang gaganda kasi ng mga damit na binili ko sayo last week, nagustuhan ng tita ko kaya nagpabili na rin, meron pa ba?" Pagtatanong ni Katherine. Pagtitinda ng damit ang isa sa mga ginagawa ko pang tustos sa bahay

Nilabas ko naman ang bag ko at nilabas ang mga damit na binili ko kahapon bago umuwi, mas marami ang nabili ko dahil bagsak presyo na. Namili si Vanessa at Katherine ng mga gusto nilang damit

"Nandito ang mga estudyante para mag aral, hindi para magtinda ng mga pangit na damit na yan" saad ng school officer. Niligpit ko na lang ito at binalik sa bag, maraming taong napatingin sa gawi namin dahil sa lakas ng boses ng school officer namin.

"Ganyan ba talaga pag inggit, Shandy?" Saad ng isang lalaki, pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya sa panaginip ko o sa kung saan, hindi ko maalala

"Kaleb...." saad ni Shandy. "Anong ginagawa mo dito?"

"Malamang nandito ako, school officer ako. Ikaw? Bakit ka gumagawa ng sarili mong batas? Wala namang sinabing bawal ang magbenta ng damit sa school ah?" Saad niya kay Shandy.

Bagay na bagay sa kanya ang school uniform at lalong bumagay ang vest na nakapatong dito para sa School Officer’s Uniform, ang linis niyang tignan. Mayroon din siyang relo at parang napaka daldal niyang taong tignan.

"Ahm.....Kasi....Diba.....Ano kasi.." putol putol na saad ni Shandy. Bakit takot na takot si Shandy sa lalaking ito? Sino ba ito? "Pres, Sorry."

Pres? Ibig sabihin siya ang president ng aming school? Siya ang school officer president??

"Tapos na yung duty mo, gawin mo na lahat ng gusto mo. At kayo." Saad niya sabay tumingin sa amin ng masama. "Iwasan niyo ang ganyan, hindi pinagbabawal pero huwag niyong hintayin. Nice to meet you three."

Umalis na siya. Siya si Kaleb, natatandaan ko ang pangalan niya, hindi na maalis sa utak ko

"Ang pogi!" Sigaw ni Vanessa

"Hindi naman, sakto lang" saad ko naman sa kanya

"Grabe naman maka titig si kuya sayo Yuna ah, ganda kasi teh eh, e no. Tapos tinulungan ka pa niya sa Shandy na yon, may tama yata yon sayo te" saad ni Katherine

"Hindi naman siguro, President siya sa school e, siguro ginagampanan niya lang yung tungkulin niya dito." Saad ko naman

"Nako te, basta ako iba ang kutob ko. Ganda kasi netong bessy natin e" saad ni Vanessa

"Hindi lang basta ganda lang, may big brain pa. Nako! Tirhan mo naman kami te" saad naman ni Katherine at tumawa.

FF

Nakauwi na ako galing school, ganon pa rin. Traffic walang pinagbago kaya anong oras na ako nakauwi.

"Kuya, anong balita kay Mama?" Bungad ko agad pagka uwi

"May gagawin pa raw, ako na yung sasama dahil araw yon ng pasok mo. Kumain ka na at magpaghinga, niluto yan ni Mama para sayo" saad ni kuya

"Ikaw kuya? Tapos ka na kumain?" Pagtatanong ko pabalik

"Ikaw muna, mamaya na lang ako pagkatapos mo" saad ni kuya at sinamaan ko siya ng tingin

"Sabay na tayo, tara na" saad ko sa kanya

Sabay kaming kumain at kinwento ko sa kanya yung tungkol sa trabaho na inaalok ni Vanessa

"Kausapin ko si Vanessa kuya, tanungin ko kung kailan libre yung tito niya para kayo yung makapag usap" saad ko naman sa kanya

"Si Kath? Kasama mo ba siya kanina?" Pagtatanong ni kuya, pabiro ko siyang tinignan dahil binanggit niya ang pangalan ni ate Katherine. "Hoy! Ano nanaman yang tingin na yan, nagtatanong lang ako wag kang ma issue"

"Ikaw ah, hinahanap mo siya ah" pabiro ko siyang tinignan at inaasar asar

"Kumain ka na nga lang diyan, tong taong to, ang issue" saad niya at tumawa ng kaunti.

*****

Sabi nga nila, walang nagsisimula sa itaas na hindi nagsisimula sa ibaba, kaya itutuloy ko itong story na ito with/without readers!!

Note: hii!! Goodluck sa 'yo, i'm so proud of you!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Live, Laugh, Love HimWhere stories live. Discover now