LOVE quotes/sayings (tagalog)

11.8K 70 16
                                    

Di ba sinabi ko sayo noon pa na gusto kita? 

Pinaramdam ko rin sayo na kelangan kita diba? 

Isang araw tinabihan po kita at sinabing, 

"alam mo, mahal kita" pero sabi mo naman... 

"kaw talaga nagpapatawa ka ba?"

***

Sa pag ibig kailangan pumili minsan. Pipili ka ng maporma at bigla ka naman iiwan at sasaktan. Minsan makakapili ka lng ng simple lng pero Di mo alam na sa simpleng paraan nya lng pala nya ikaw sasaktan.

***

Kung talagang para sayo ang isang tao, mawala man xa sayo ng mahabang panahon magkikita pa rin kayo kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang di dapat.

***

Ang hirap maging ex lang. Di mo alam magseselos ka, kung magagalit ka. Kung magtatampo ka sa kanya. Bakit anong pakialam mo na panghimasukan ang buhay nya? Isa ka na lng nakaraan diba?

***

My friend asked me, Mahal mo p ba? 

Then I replied, Sobra 

They asked me again, Ba't di mo ipaglaban? 

I just whispered, Masaya na sya, guguluhin ko pa ba?

***

Di ba masarap magkaroom ng theme song para sa mahal mo? Di nakakasawang pakinggan. Pero nang magkahiwalay kayo and dating kantang nagbibigay buhay sayo, ang syang kantang uni unting dumudurog sa puso mo.

***

Alam mo minsan sumasagi sa isip ko kung ako nga talaga ang mahal nya kasi ang hirap paniwalaan ang taong puro salita at iyak lang. Pero intindihin ako di man lang magawa.

***

Biniro kita, ginago mo ko. Nasaktan kita, tinarantado mo ko. Sa lahat ng ginawa ko, mas matindi ang ganti mo. Kaya ngayon, tanong ko lang. Bakit di mo pinantayan ang ginawa ko nung mahalin kita ng todo-todo?

***

THE Regrets:

1. Mahal mo...Lumayo ka...Mahal ka pala...

2. Mahal ka...Manhid ka naman...

3. OK na...Sinaktan mo pa...

4. Naghiwalay kayo... biglang gumwapo / gumanda

5. Mahal mo na...Ayaw na nya...

6. Mahal ka naman... Takot ka lang...

7. Ready ka na... iba na mahal nya...

8. Masyado pakipot...umayaw tuloy...

9. Masyado torpe...nakuha na ng iba...

***

Sana, noon ko pa sinabi na mahal kita, 

Sana ngayon ay kasama na kita. 

Sana noon pa ay tayo na 

Dahil masakit tanggapin na sabihin mo na, 

"Mahal din kita, pero sana noon pa, 

Noong wala pa akong iba"

***

Hindi ko masasabing hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. 

Kasi nabuhay na ako bago pa man kita makilala. 

Siguro mas magandang sabihin na ayaw kong mawala ka. 

Kasi masayang mabuhay ng kasama ka..

***

Huwag kang bumitaw hangga't binibigyan ka nya ng dahilan para kumapit. Pero kung hindi ka naman nya hinahawakan ng mahigpit, mas okay na yung malalaglag ka at masaktan kesa iwanan kang nag-iisa nang nakalutang.

***

Malalaman mo lang na mahalaga ang PISO kapag nagkulang ang PAMASAHE mo. 

Same as.. 

Malalaman mo lang na MAHALAGA ako sayo kapag wala nako sa BUHAY MO.

***

Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. 

Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. 

Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.

*** 

Hindi kita nakikita pero okay lang.. 

hindi kita nakakausap pero okay pa rin.. 

masaya ko kahit wala ka sa tabi ko, pero gusto kong malaman mo na.. 

kulang ang buhay ko kahit okay ako

*** 

Alam mo ba na sa tuwing maiisip kong malungkot siya, 

gusto ko siyang lapitan, yakapin nang sobrang higpit at sabihing nandito lang ako 

kaso hindi ko magawa kasi ang alam ko, 

di naman ako ang kailangan niya..

*** 

Alam mo kung ano ang pinaka-masakit na nararamdaman ko kapag namimiss kita? 

Yung tipong kahit na napakaraming taong nkapaligid sakin, 

Ikaw at ikaw parin talaga yung unang una kong hahanapin.

assorted ba 'to? o sadyang trip-trip lang?Where stories live. Discover now