C23

85 7 0
                                    

PLEASE, SAY YES.


Konti nalang ang mga tao na nasa mga rides dahil na rin lunch na ata, pero ko gusto pa sumakay.

Isinasawalang bahala ko ang tunog ng aking tiyan dahil baka hindi ko masakyan ang ibang mga rides mamaya lalo na't mabilis ang oras.

Naglalakad na kami papuntang ibang rides nang bigla nalang akong  hawakan ni Laurent sa braso at iniharap sa kaniya.

"Let's go lunch baby." Baritonong aniya.

Napatigil ako at natulala sa kaniya."H-ha?"

"I said lunch." Pag uulit niya.

Sabi niya baby.. baka mali lang ang rinig ko dahil sa gutom..

Iwinaksi ko ang nasa isip ko at umiling iling.

"What do you want for lunch? My treat."

"Gusto ko ng ice cream at menudo."  

"Okay." Tumatango tangong aniya saka kinuha ang wallet niya sa likod niyang bulsa.

"Cookies and cream ha!" Pagpapaalala ko sa kaniya dahil baka iba ang bilhin nito.

"Yeah.. I know." Narinig ko pa ang mahina niyang tawa saka tumingin sa ibang direksyon.

Nagsimula na ulit siyang mag lakad kaya sinundan ko siya. Ang lapad ng likod niya. Parang ang sarap matulog ro'n.

"Maghanap ka na ng table natin. ako na bibili." Aniya saka bahagyang lumingon ulit sa akin.

Tumango nalang ako sa kaniya at handa na sanang umalis sa harap niya dahil maghahanap pa ako ng upuan, nang bahagya niya nanamang hawakan ang kamay ko kaya inangat ko ang tingin sa kaniya.

Nakatitig lang siya ng ilang segundo sakin. Nangangalay na ang leeg ko pero wala parin siyang binabanggit. Ang mga mata niya ay parang nakalock sa mga mata ko dahil hindi niya iyon inaalis.

May sasabihin ba siya?

Ngalay na ngalay na ang leeg ko kaya sinapak ko na ang dibdib niya na nasa harap ko."Hoy! tangina mo gising! Nakatulala ka! Gandang ganda ka sa akin no!?"

Nakatitig parin siya sakin. "A-ah.. oo.." Parang wala sa wisyong aniya na ikinagulat ko.

"H-ha!? Gandang ganda ka sakin!? Sus maliit na bagay Laurent!" Pagbibiro ko para mapagtakpan ang emosyon ko. Kinikilig ako.

"Ha?" Lumayo siya sa akin ng konti Saka umiwas ng tingin.

Shuta naka drugs ba 'to!

"Bili ka na nga! Para kang bobo!" Asik ko sa kaniya pero umiwas lang siya ng tingin.

Tinignan ko siya ng nagtataka saka tumango tango nalang sa kawalan bago umalis sa harap niya dahil  maghahanap pa ako mauupuan namin.

Baliw talaga..

Medyo nahirapan pa ako dahil sa dami ng tao pero nakahanap rin naman ako.

Agad na akong umupo sa nahanap kong table saka nagmuni muni habang wala pa si Laurent.

Dinala niya rin kaya dito si Sheena?

Sana hindi dahil magwawala talaga ako.

Shuta gutom na gutom na ako.

Ang tagal bumili tangina.

Ilang minuto pa akong naghintay sa kaniya hanggang sa namataan ko siya sa malayo na naglalakad patungo sakin.

Sa dala dala niya agad ako napatingin dahil gutom na talaga ako. May dala siyang isang ice cream na isang maliit box at mga ulam na nasa nasa transparent sa tupperware.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now