Chapter 17

6K 139 4
                                    

HAYA'S POV

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko sa isang sulok ng pader sina King at Evelyn na naghahalikan. Medyo nagulat ako dahil mukhang nasa in a relationship thing na sila. Mas mabuti na iyon kaysa naman pareho nila akong guluhin at sirain palagi ang araw ko.

Dahil no choice ako at nasa daanan nila ang classroom namin ay alam kong makikita nila ako kapag dumaan ako. Bakit kasi dito pa nila naisipang maghalikan? Eh pwede namang sa banyo, sa likod ng school, o hindi kaya'y sa field.

I sighed at unti-unting naglakad sa daanan not minding them na napahinto sa paghahalikan nang makita ako.

"Hi, Haya!" nakangiting bati ni King na magulo pa ang buhok at nakabukas ang iilang butones ng suot niyang uniform ganoon rin si Evelyn na nakatitig na sa akin ng masama.

"Hi din. Nakakaistorbo yata ako. Sige ituloy niyo lang 'yang ginagawa niyo, don't mind me hehe," sabi ko at iniwas ulit ang tingin sa kanila at maglalakad na sana paalis nang nilapitan ako ni King at hinawakan ang isang braso ko para patigilin ako.

"Wait, I just want to say sorry sa mga nagawa ko sa'yo, Haya. Evelyn is now my girlfriend and you said before that she likes me, right? So I give a shot to us." he said na mukhang ikinagulat ni Evelyn.

Hindi ba alam ni Evelyn na sinabi ko kay King na may gusto siya sa kanya at dapat siya ang pagtuunan nito ng pansin at hindi ako?

Tumango ako at ngumiti. "I'm happy for the both of you." I glanced at Evelyn na nakatingin sa akin. "Goodluck sa inyo." sabi ko at bumaling ulit kay King.

Malungkot namang ngumiti si King. "I'm sorry again for what I've done to you, Haya. I hope we can be friends after all." seryoso niyang sabi.

Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang ay matatanggap na ni King Argonza na kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan. Mas bagay sila ni Evelyn at alam kong mamahalin siya ng buong puso ni Evelyn.

"Oo naman. Sige, pupunta na ako sa klase namin." huling sabi ko at naglakad na papaalis.

Nang makalayo na ako sa kanila ay narinig ko ang sigaw ni Evelyn.

"Thank you, Haya!"

Napangiti ako hanggang sa makarating na ako sa classroom namin. As usual, wala pa sina TJ at Camille at nalaman ko ngang nasa ligawan stage na sila. Si Yuie lang ang nadatnan ko na natutulog sa desk niya at mukhang puyat na puyat.

Nang umupo ako sa upuan ko ay bigla siyang nagising at sinuot ang eyeglasses niyang hindi na naayos ang pagkakalagay. Ngumiti siya sa akin at inabot ang lunch box sa loob ng bag niya na may lamang pagkain na ginawa niya para sa akin. Nagpasalamat ako at binuksan ang laman ng lunch box. It's spaghetti with cheese and two velvet cupcakes.

"Medyo napuyat lang ako kagabi. 11:00 pm na natapos ang duty ko sa restaurant tapos medyo maingay pa si Mama sa bahay dahil lasing na naman." paliwanag niya.

Hindi na talaga nagbago ang Mama niya. Palagi nalang umiinom at binibigyan ng mabigat na responsibilidad si Yuie.

"Naiintindihan ko, Yuie. Ikaw na gumagawa lahat ng responsibilad sa pamilya niyo. Sana marealize na ng Mama mo na masyado na kayong nahihirapan sa sitwasyon niyong magkakapatid." sabi ko at inumpisahang kainin ang spaghetti na niluto niya. It taste good.

Yuie shrugged his shoulders. "Hindi na ako umaasa, Haya. Sanay na ako sa sitwasyon namin pero sa oras na saktan pa niya ulit kaming magkakapatid ay hindi na ako magdadalawang-isip na bumukod kami." hinilot nito ang sentido niya at kinuha ang attendance book sa loob ng bag niya.

"I can help you, Yuie. Pwede namang-"

"I can handle it, Haya. Ayoko nang makaistorbo sa'yo so you don't need to worry about us." nakangiti na niyang sabi.

You're Mine, Little GirlWhere stories live. Discover now