Chapter 49

5.5K 89 6
                                    

HAYA'S POV

Sa loob ng isang linggo ay maraming mga nangyari at napapansin ko ang mga kakaibang ikinikilos ni Kendrick. Habang tumatagal ang relasyon namin ay mas nagiging possessive at clingy siya sa akin. Hindi niya na rin ako pinapayagang lumabas kahit man lang makabonding ang mga kaibigan kong sila Camille, TJ, at Yuie. Nagtalo pa kami kahapon at sa huli ay siya na naman ang nanalo sa aming dalawa.

Hindi ko gusto ang mga pagbabago ni Kendrick dahil pakiramdam ko ay wala na siyang tiwala sa akin simula nang hindi ko siya masagot kung may gusto ba ako kay Jason. Wala akong gusto kay Jason dahil si Kendrick ang mahal ko. Naaalala ko na ang kaunting memories ko sa tulong ng therapy at mga gamot na iniinom ko. Tama ang sinabi ng doktor sa akin na kusang babalik ang mga alaala ko huwag ko lang raw bibiglain ang sarili ko.

And I was shocked to the news I heard, Duke is in coma at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising sa ospital. His life is 50/50 na mas lalo kong ikinabahala. Alam kong malungkot si Camille sa nangyari sa kuya niya at kailangan niya ako to comfort her pero paano ko siya mapupuntahan kung ayaw naman akong paalisin nang mag-isa ni Kendrick?

Ang akala ko nga ay magugulat at malulungkot si Kendrick sa nangyari kay Duke dahil naging kaibigan rin naman niya si Duke pero hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya noong oras na iyon, mukha siyang galit at hindi nakapagsalita. When I also opened about kung pwede naming puntahan si Duke sa ospital ay kaagad siyang tumanggi at sinabing siya na lang ang bibisita.

Something is wrong with him at nagdududa na ako.

"Thank you for taking care of our daughter, Kendrick. Kahit alam naming busy ka sa pagpapatakbo ng kompanya n'yo ay may time ka pa ring dalawin si Haya dito sa bahay," Mom said while smiling at Kendrick.

Nandito kami sa dining area habang kumakain kasama sila Mom, Dad, Ate Tricia with her boyfriend, Kuya Dennis, at si Kuya Riley. I see Kuya Riley's good change at natutuwa ako dahil maganda na ang pakikitungo niya sa akin. He said sorry to me last week dahil sa hindi niya magandang pagtrato sa akin simula noong mga bata pa kami at sa pagtulak niya sa akin para kay Duke.

He regretted what he had done to me kaya kaagad ko siyang pinatawad. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Ate Arissa pero sa tingin ko ay mas naging better and stronger lalo si Kuya Riley nang dahil doon.

"No problem, Tita Ana. I just want to make sure kung ayos lang ba si Haya. Baka kasi maulit po 'yung mga nangyari noon kaya binabantayan ko ng maigi." sabi ni Kendrick at hinawakan ang isang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Ngumiti na lang ako ng pilit at nagpatuloy sa pagkain. Ngayon lang ako naging ganito katakot kay Kendrick sa hindi ko malamang dahilan. Para kasing nag-iba ang ugali niya kaysa noong una ko siyang makilala. Sa totoo lang ay mas gusto ko pa 'yung dating siya na hindi masyadong possessive at clingy, at kaya akong intindihin sa lahat ng bagay.

"Napakabait mo talaga, hijo kaya botong-boto ako sa'yo para sa anak namin. You were just like your Mom and Dad," Dad said.

"Thank you po, Tito Alex." sabi ni Kendrick.

Kasundong-kasundo na nina Mom at Dad si Kendrick. Si Kendrick daw kasi ang naging katulong nila sa paghahanap sa akin nang dalawang taon kaya sobra silang nagtitiwala sa kanya.

"Duke is still in comatose. Ang sabi ng mga pulis ay naaksidente raw siya pero bakit sa tingin ko ay sinadya talagang gawin sa kanya 'yon nang kung sinumang may galit sa kanya? The police said that there's some holes and missing parts in Duke's car at mukhang sinadya 'yon para maaksidente siya." biglang pag open-up ni Ate Tricia sa topic na iyon.

Napahinto ako sa sinabi ni Ate Tricia. Ang ibig sabihin ba nun ay may taong nagtangka sa buhay ni Duke? Alam kong may hindi siya magandang ugali at baka ginagantihan siya ng may atraso sa kanya kaya hindi imposibleng mangyari iyon.

You're Mine, Little GirlWhere stories live. Discover now