CHAPTER 2

16 0 0
                                    


Steps

"Okay, ulitin natin 'tong step na 'to. Medyo hindi siya tumugma sa poppings kanina." Anunsyo ni Devin habang nag-eexamine sa buong paligid ng studio. Grabe naman 'to. Wala bang breaktime diyan kahit mga 15 minutes lang? Balak ata nito pahirapan kami sa mga trainings namin dito ah. Maya maya pa ay may biglang umaray sa sakit. Okay na sana kung nagkacramps siya eh, ang siste, nag-iinarte lang siya para mapansin siya ni sunbaenim. Hay nako.

"Bestie, water break muna tayo, please?" Bida bidang sabi ni Tiffany. Chill ka lang Tahiti. Hindi nakakaganda ang pumatol sa isang ogre na katulad niya.

"Bakit Tiffany? Pwede ka namang mag water break mag-isa ng hindi kasama si Devin eh. Tutal wala namang "kayo" Kelangan ba pati sa pag-inom ng tubig,by partner? Parang wala naman sa vocabulary ni Devin na magbest friends kayo. Mapa-loob or labas man, kelangan mo pa rin siyang respetuhin dahil mentor siya at trainee ka lang din naman dito." Nanggagalaiting singhal ni Clarence. Actually may point naman si Clarence about that eh. Itong Tiffany na to ang feeling best friend sa boyfriend ko. Hear that? Boyfriend ko si Devin. Walang sayo.

"Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin Rence?" Nagtatampong tanong ni Tiffany. Saka Rence? Bakit naman siya nakikitawag dun ng ganun kay sunbaenim? Hindi naman sila close eh. Ambisyosa talaga nitong babaeng to.

"Pfft. Rence? Wait, close ba tayo para tawagin mo ko sa palayaw na yan? Sa pagkakaalala ko, parang si Tahiti, Devin,Asher at close family + relatives ko lang ang pwedeng tumawag saken niyan eh. That's Clarence only for you. Pero hanggang dun na lang yun. Don't cross my limits dahil hindi mo magugustuhan pag ako ang nagalit Tiffany, makikita mo." Pagbabanta ni Clarence sa balisang si Tiffany. Ano ka ngayon? Bibida bida ka pa ha. Kukuha lang kasi ng tubig, gagawa pa talaga ng eksena sa loob ng dance studio para masermonan. Ayan tuloy, maling biyaya tuloy natanggap mo.

"Ano Tahiti? Masaya ka na lagi akong nasesermonan dito? Kasalanan mo naman talaga to eh. Kung hindi ka sana tumapak dito sa dance studio 7 years ago, edi sana boyfriend ko na si Devin ngayon. Sana ako yung nandyan sa pwesto mo!" Nanggagalaiting sabi ni Tahiti. Tinawanan ko lang siya.

"Are you still desperate Tiffany? Akala ko ba graduate ka na sa pagiging delusional major mo? Try mo kayang mag apply bilang teacher sa Jak Roberto Anti-Selos University, baka need nila ng isang bitchesang professor na kagaya mo na hindi kayang makapag move-on sa boyfriend ko." I challenged her. Kelangan pa talagang ichallenge tong si Tiffany para magtino eh. Wala pala tong babaeng to eh. Uhaw na uhaw sa atensyon ang hanep.

"Baka ikaw yata ang kailangan mag enroll dun. Tutal kumakapit ka lang sa mga best friends ko." Tiffany shot back.

"Best friend mo pala kami Tiffany? Wow, di kami informed na may best friend kaming cheater." Pabalang na sagot ni Asher na kanina pa palang nakikinig sa mga daily rants nitong Tiffany na to. Umiyak ito ng tahimik. Akala ko ba matapang ka,Tiffany? bat parang nagiging maamong tupa ka na agad? Kala ko ba di titiklop tong gagang to?

"Bakit laging sa akin ang sisi everytime na inaaway ako ni Tahiti? May kasalanan din naman siya eh" Paninisi niya sabay duro sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Bakit nga ba ikaw sinisisi namin dito? Tangina Tiff, hindi ka naman ganito dati eh. Ewan ko ba sayo kung bakit ka nagkakaganyan. Even the smallest details about Tahiti parang triggered na triggered ka. Kung makabakod ka kay Devin akala mo legal na girlfriend. Well maybe oo, ex girlfriend ka lang pero that doesn't mean na it will serve as a passport for you to hate Tahiti na parang batang kalye na hindi pa naliligo" Asher confronted her. Yan kasi, dada pa kasi ng dada, sa akin nanaman tuloy ang huling halakhak.

"Hindi, hindi yan totoo. Pinapaikot lang niya ulo niyong tatlo para malayo lang kayo saken" Pagsusumamo niya. Psh, luma na yang acting skills mo Tiffany. Nakakabagot minsan yang ugali nitong babaeng to. Bagsak na agad ang character development niya. Kaya walang nagkakagusto sa kanya eh.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Oct 07, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

The Strict Dance Mentor (Temptation Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora