KABANATA 39 : Scandal

23 0 0
                                    

Nadia

Inaantok pa ako pero need ko ng pumasok dahil first day of school and congrats dahil huling taon ko na ito sa kolehiyo, nakakasawa narin mag aral!

"Nads!" Bigla namang may tumatakbo palapit sakin habang naglalakad sa hallway, hinahanap ko kasi yung classroom ko.. Si Serin lang pala! Matagal din kaming hindi nagkita.

"Oh kamusta naman?" Tanong ko sakanya

"Eto nakakapagod buong akala ko late na ako eh! Nakakapagod pala mag work tapos kinabukasan papasok ka."

"Sinabi mo pa!" Pumasok na kami sa classroom dahil pareho lang naman pala kami ng subject at schedule.

"Kamusta naman ang bakasyon?" Nakisingit naman si Sean at umupo sa katabi kong upuan.

"Ayos lang. Nakakapagod!" Napa face palm na sabi ni Serin

"Mukhang di kayo nag enjoy ha?" Natatawang sabi ni Sean.

"Ano ba kasing nakaka enjoy sa bahay trabaho?" Sabi ko naman at humikab pa.

"Manood tayo ng Virtual graduation mamaya nila Eiffel, Nigel at Glenn!!" Yaya nito.

"H-ha mamaya naba yun?" Gulat na sabi ko. Graduate na si Eiffel? Well congrats sakanya! Nakakainggit lang!

"Oo sa may auditorium!"

After ng dalawang major subject namin ay agad kaming nagtungo sa auditorium upang manood ng Virtual Graduation. Naabutan kong nagtitilian ang mga estudyante. Graduation picture ni Eiffel ang nasa screen.

"Kyahh apaka gwapo talaga!"

"With honors pa! Ang swerte talaga ng fiance niya no?"

"Sino? Si Nadia Fajardo?"

"Tangeks! si Keila Alcantara yung anak ng  may ari ng Amelia Residences Condominium sa Makati!"

"Hindi ba si Nadia ang dine-date niya?"
"Paanong siya? Duh! Katulong lang nila yun!"

Ang tatabil ng dila ng mga to ah! Tumingin sakin si Serin, malamang dahil narinig niya rin ang usap usapan na iyon ng iilang estudyante tapos lumingon pa sila sakin. Halatang ako ang pinagtsi-tsismisan nila.

Naglakad na kaming hallway ni Seri at Sean.

"Is that true Nads? Ikakasal na si Eiffel?"

"Hay nako! Fix marriage lang naman yan! Mukang di naman matutuloy kasi si Eiffel patay na patay kay Nadia! Parang di mo naman alam! Nagbakasyon lang na brainwash kana ng mga tsismis!" Humalukipkip si Serin at umirap kay Sean ako naman tahimik parin. Naiinis ako mula pa kanina.

"Sino ba kasi yang Keila Alcantara nayan? Sabi nila galing din daw sa business family. Kilala mo ba Nads?"

"Oo! C-College friend ko." Diretsang sagod ko, kaya natigilan silang dalawa at napahinto sa paglalakad.

"What?!" Sigaw ni Serin. "Paano?"

"Basta magkaibigan kami." Kinagat ko ang labi ko. Natawa nalang si Sean.

Speaking of Keila. Pauwi na ako ng biglang tumigil ang sasakyan niyang Ford sa tapat ng gate ng school. Luminga linga ako sa paligid habang bumababa siya sa kotse. May iilang estudyante ang nakatingin sa amin. Natuwa ako nang makita siya, baka ito na ang chance ko para sabihin sakanya pero hindi dito sa lugar na ito.

"Naddy!" Naka pink siyang tank top at naka fitted na skirt na itim. Bumaba din don ang isang lalaki. Niyakap ako ni Keila at bumeso. Napawi ang ngiti ko nang makita si Nikko, hindi siya magisa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

At my WorstWhere stories live. Discover now