Kabanata 24

29 0 0
                                    

Pader

Nadia

Aligaga kami ngayon ni manang sa paghahanda at paglilinis dahil ngayon na ang uwi ni Madam Melinda.

"Nadia pagtapos mong maghugas diyan, ituloy mo yung labada dun ah!"

"Ahh okay po." Sagot ko

"Andiyan na siya!!"sigaw ng isang katulong nagkatinginan at agad kaming nagtungo dun.

"Well come back Madame." Tinanggal nito ang kanyang shades at ngumiti.

"Maayos naman ba ang lahat habang wala ako? Where's my son?" Inikot nito ang mga mata sa buong mansyon

"Opo Madam." Sagot ni Madam

"Si Eiffel, Kamusta siya?" Tumaas ang kilay niya.

"Ayos naman din Madam." Sagot ni Manang

"Good! Marami akong pinamili pakiayos nalang to manang!" Iniabot niya kay manang ang mga paper bags na sobrang dami saka siya nagtungo sa dining at sumalubong si Eiffel sakanya.

"Mom? Welcome back." Walang ekspresyon ang mukha niyang sabi na parang nagtaka pa na nandito na ang ina.

"My son namiss kita." Niyakap siya ng Madame siya naman nakatingin sakin ganun din ako nagkatinginan lang kami.

"May pasalubong ako sayo."
May iniabot itong isang paper bag.

"Thanks for this." Siniko ako ni manang kung hindi niya pa ginawa yun di ko pa malalamang matagal na pala akong nakatitig kay Eiffel.

Shit!

Nagtungo ako sa likod ng kusina dun sa may Wash room para labhan ang mga maruruming damit.

Back to reality na Nadia! Pinaandar ko na yung washing machine na may mga lamang de kolor na damit nang biglang may tumakip ng mga mata ko,  tinanggal ko ang kamay na iyon saka tumingin sa likuran, si Eiffel. Napakurap ako ng mga mata.

"A-ano.. b-bat k-ka nandito?" Naka kunot ang noo kong tanong.

"Well... Nothing I just miss you." Straightforward niyang sabi sabay ngisi sakin pinamulahan ako ng pisngi dahil langya namiss ko rin yata siya? kahit nasa isang lugar lang naman kami. Feeling ko ang oa namin.

"Hindi ka pwede rito mga katulong lang ang pwede rito! kaya umalis kana!" Tinulak tulak ko siya palabas ng wash room

"Bakit di ako pwede rito? parte parin ito ng teritoryo ko. It's still Vergara's property." Tumatawa niyang sabi.

"Alam ko pero bawal ka dito! baka makita ka ng mama mo." Tumingin tingin ako sa pintuan.

"Tss.." Nag pout siya, lintek ang gwapo naman ng kurimaw nato! umagang umaga.

"Katulong lang ang napunta rito hindi ka bagay dito kaya choooh alis na!" Paguulit ko.

"Bakit mo ba ako nililimitahan Nadia?" seryoso ang kanyang mukha. "Lalo na pagdating sayo feeling ko naglalagay ka ng malaking pader sa ating dalawa." malungkot ang kanyang tinig.

Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating kaya pagod na napatitig lang ako sakanya lumapit siya sakin kaya napaatras ako at nagbawi ng tingin.

"Malaking pader na para bang sinasabi mong malaki ang pagkakaiba natin.." Hinuhuli niya ang mga mata kong kanina pa umiiwas.

"Sa estado ng buhay magkaiba naman talaga." Mariin kong sagot.

"Kaya ba ayaw mo sa akin? Masyado ba kong mataas para sayo? kaya ba umiiwas ka? Tell me Nadia.. I want to know." Malungkot ang mga mata niya ngayon, napalunok ako nang wala nakong maatrasan dahil kanina pa siya lapit ng lapit kung kanina'y isang ruler ang layo namin ngayon parang isang dangkal nalang at pader na ang nasa likod ko.

At my WorstOù les histoires vivent. Découvrez maintenant