Pangatlo: Kulang pa ba lahat?

0 0 0
                                    


Alas diez na ng gabi ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pagod ako sa trabaho at sa pagwowork out ngunit di ko maramdaman ang antok upang makapagpahinga ako. Nakahiga ako sa may living room sa may sofa, naghihintay kasi ako na kumalma ang sarili ko sa inis na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

Minu-minuto kong tinitingnan ang phone ko kung may message ba ang boyfriend ko at narealize na niya ang bagay na kinagalit ko kanina, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Paulit ulit siyang tumatawag ngunit hindi ko iyon sinasagot dahil nandito pa rin sa dibdib ko yung inis at galit magmula pa kaninang alas siete ng gabi. Hindi pa ako nakain ng hapunan, ang usapan kasi namin sabay kami which is palagi namin ginagawa. Ngunit nawalan na ako ng gana kumain dahil sa nararamdaman ko.

Dapat kanina pa siya nakauwi bandang alas siete ngunit pasado alas nueve siya nakarating sa kanila. Ako ang klase ng tao na mabilis makaramdam ng sakit sa dibdib, maliit man o malaking bagay. Mabilis ako maiyak sa mga bagay na napapa overthink ako.

Habang nag i-scroll sa tiktok app ay muli na naman siyang tumawag. Hindi ko iyon sinagot sa halip ay nagchat na bukas na kami mag usap dail sa tuwing nakikita ko ang notification niya ay mas lalo ako nasasaktan dahil wala siya idea sa nararamdaman ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko, nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago subukan siyang tawagan. Lumipas ang magkakasunod na ring ay walang sumagot sa tawag ko, isa lang ang ibig sabihin nun nakatulog siya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko hanggang sa may pumatak na luha na nagmula sa magkabila kong mata.
Bakit nararamdaman ko na naman ang ganitong klase ng sakit? Hindi ito ang klase ng relasyon na pinapangarap ko, hindi ganitong klase ng relasyon ang inakala ko matapos ang sinapit kong treatment sa ex ko. Pero bakit tila bumabalik na naman ang ganitong klase ng sakit?

Napahagulhol na lang ako sa mga sandaling iyon. Gusto ko sumigaw, gusto ko umiyak ng may tunog ngunit dahil malalim na ang gabi ay pinigilan ko ang sarili ko na mangyari iyon.

Maiintindihan ko kung galing siya sa school kaya nakatulog agad dahil sa pagod ngunit hindi, tumambay lang sila sa bahay ng kaklase niya kaya ano rason bakit nauna pa siya nakatulog kaysa sa akin? Ito ang ayaw ko maramdaman, ang bagay na nakakasakit sa puso't damdamin ko. Ang pag ooverthink sa isang bagay hanggang sa mapaluha na lang ako sa di ko maintindihan na feelings.

Renna Sales is the name, fresh graduate and now working at the office. Currently employed as an accounting staff, I'm still waiting for an update from my boyfriend ngunit mukhang hindi na iyon mangyayari.

.

.

.

Kinabukasan, Linggo kaya medyo busy ako para maka attend ng simba. Isinantabi ko muna ang problema ko at nagprepare para makapagsimba. Maayos naman ang araw ng linggo dahil walang stress at hindi hassle sa kung ano. Ayos na din kami ng boyfriend ko, nagkaayos na kami kahit labag sa loob ko. Well, mahal ko siya kaya no need patagalin ang problema.
Ngunit tila may pag-aawayan na naman kami na di ko magugustuhan. Bukas kasi, Lunes ay holiday. Meaning wala akong trabaho, at may time ako para sa sarili ko. Nagpaalam ako sa kanya na maglalaro dahil gusto ko muna maglibang. Ngunit mali yata na maglaro ako, pinag-awayan namin ang isang bagay na di naman dapat pag-awayan, yes nag-away na naman kami dahil sa online games. Kasalanan ko na naman ulit ang kakalabasan ng away na ito. Ako na naman ang mali.

Maaga siyang natulog ng Linggo ng gabi, hanggang sa di na kami nagkausap. Nandun na naman yung sakit, na sa tingin ko hindi na mawawala. Nandun na naman yung kirot sa dibdib ko na paulit ulit kong nararamdaman. Hindi niya ako kinausap hanggang sa natulog na rin ako.

.

.

.

Kinabukasan, pagkagising ay maaga ako nag-asikaso upang makapag-linis ng bahay. Ayoko isipin ang nangyari kagabi, ayaw ko na-istress sa ganito kaagang araw. Tiniis kong di siya kausapin kahit gustong gusto ko na, need ko mag-asikaso dito sa bahay dahil hindi ito magiging maayos kung magmumukmok ako maghapon.


Makalipas ang ilang oras hindi pa rin kami nagkakaayos, I tried to talk to him at makipag-ayos but I think this is a bad idea. Mas lalo lang nagkakainit ang usapan namin.
Tinapos ko na ang labahin ko dahil nagugutom na rin ako, kahit naman magpagutom ako walang mangyayari sakin kundi magkasakit.

After ko sa gawaing bahay ay nagpahinga muna ako, pagkuway ay nag open ng phone. Hinihintay ko ang reply niya ngunit mukhang hindi talaga kami magkakaayos. Mas pinili ko na lang maglaro ng video game kaysa makipagbangayan sa kanya. Ngunit mukhang mas nadagdagan ang kasalanan namin sa isa't-isa.

Maya maya pa, napansin kong nakadeact na siya. May kirot sa puso ko, dahil ang akala ko na magkakaayos kami ay hindi pala, mas lumala pa. I tried to text him ngunit mas lumala. Until he said something that makes me cry so hard.

Biglang pumatak ang luha ko sa magkabilang mata.

"Wag mo isipin na may jowa ka😊." Iyan lang naman ang reply niya sa akin after our argument. Mas napaiyak ako ng sabihin niyang hindi na siya manglilimos ng oras. Napaisip ako, ano bang kulang? Sa lahat ng ginawa ko may kulang pa rin pala. Akala ko sapat na yung mga ginawa ko, lahat ng ginawa ko ay kulang pa pala.

Tumungo ako sa kuwarto at humiga, pagkatapos ay napahagulhol sa mga sandaling iyon.

Bakit ganun? Binigay ko naman lahat, lahat ng meron ako, time, gift, memories, I even gave up my dream for him. Pero parang mali yata ako. May di pa ba ako nagagawa? May nakakalimutan ba akong gawin at ibigay sa kanya? Kulang pa ba lahat? Kulang pa ba lahat ng mga iyon? Patuloy sa pagluha ang magkabila kong mata sa bawat sandaling tinatanong ko ang sarili ko.

Oo may mali ako, pero bakit ganun? Bakit kailangan sabihin na di ko siya binibigyan ng oras? Kahit araw araw naman kami magkausap. Bakit need sabihin na pinagdadamutan ko siya ng time? Ako pa rin ang mali, palagi na lang ako ang mali. Nagkukulang pa rin pala ako sa mga effort na ginagawa ko. Nagkukulang pa rin pala ako sa mga time na inispent ko with him. Nagkukulang pa rin pala ako sa mga bagay for him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Collection I (TEAR'S)Where stories live. Discover now