Prologue

12 1 0
                                    

"Sweldo mo ganda," nagdadalawang isip akong kunin ang pera sa kamay ni Ma'am Audrey kaya ng mapansin niyang hindi ko pa kinukuha iyon ay napaangat ang tingin sa akin. "Sige na, tanggapin mo na. Bonus mo 'yan kasi marami tayong benta kapag ikaw ang nagbabantay dito."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ma'am Audrey. Hindi na rin ako nakipagtanggi at kinuha na ang sweldo ko sa kanya. Agad na din akong nag-ayos ng sarili dahil kailangan ko nang umuwi; malapit ng gumabi.

Paglabas ko sa shop, napahinga ako ng malalim. Kulang na lang ay matumba ako dahil sa pagod at kakulangan sa tulog. Pero kahit pagod, malaki ang ngiti ko nang tumingin sa napakagandang langit. Hapon na at maganda ang kulay kahel na langit, ang moment ng buhay ko na laging kong ini-enjoy kapag tinitingnan ang langit.

Matapos ang mahaba-habang araw, sumakay na ako ng jeep para makauwi. Malapit lang ang university na pinapasukan ko, kaya't hindi na gaanong mahirap ang biyahe.

Pagdating sa bahay, si Kevin, ang nakababatang kapatid ko, ang bumungad sa akin. Busy ito sa pagpapakain sa aming mga alagang aso.

"Si Nanay?" tanong ko sa kanya.

"Nasa kwarto na, ate," lumapit ito sa akin at kinuha ang backpack ko. Binigay ko ito sa kanya, at tumango siya.

Maaga talaga natutulog si Nanay, lalo na't alam kong pagod na pagod siya mula sa trabaho niya sa barangay.

Pumasok na kami ng bahay, at agad naman akong tumungo sa kwarto ni Nanay para magmano. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto, nakita ko si Nanay na nakaupo sa kama at nagtatrabaho sa kanyang maliit na notebook, na tiyak kong tungkol sa mga bayarin at utang namin.

Pagkakita niya sa akin, binigyan niya ako ng isang pagod na ngiti. Lumapit ako at nagmano.

Umupo ako sa tabi ni Nanay habang siya ay nagpapatuloy sa kanyang gawain. "Ang sabi ni Kino, hindi ka raw pumasok sa klase n'yo kanina," napagtanto ni Nanay habang sinusulat.

Hindi iyon tanong mula sa kanya, at dahil doon ay tumigil si Nanay sa pagsusulat at tumingin sa akin. May halong pag-aalala at lungkot sa kanyang mga mata, na nagpapakita ng pasanin at alalahanin niya para sa akin.

"Anak naman, kaya nga nagtatrabaho si Nanay para ako na mismo ang bahala sa gastosin mo sa pag-aaral n'yo, pero bakit naman..."

Pinutol ko si Nanay. "Nay, isang oras lang naman ang klase ko kanina, at minor subject lang naman iyon," ngumiti ako upang tiyakin sa kanya na okay lang iyon.

"Ikaw talaga..." napailing si Nanay, at umiling naman ako.

Nagpatuloy si Nanay sa kanyang gawain, at ako naman ay napansin ang pera sa bulsa ng pantalon ko. Pinauna ko ito kay Nanay.

"Dagdag pambayad po iyan sa mga utang natin, Nay," ani ko, at nagpatuloy si Nanay sa pagbabalik ng pera sa kamay ko. Hindi na siya nagreklamo.

"Reina, anak, kaya nga ako pumayag sa part-time job mo para may pandagdag ka sa baon mo sa kolehiyo. Hindi mo responsibilidad na pati sa mga utang ko ikaw pa ang tutustos," wika ni Nanay, pero umiling lang ako at ngumiti ng kaunti.

"Nay, kaya tayo may utang dahil sa pagpapagamot kay Kevin at pati na din sa iniwang problema ni Tatay sa atin... sayo," paalala ko sa kanya, na Ikinatahimik ni Nanay. Simula pa nung bata ako, masakitin na si Kevin dahil sa kanyang asthma. Palagi namin siyang iniingatan para hindi lumala ang kanyang sakit. Dagdag pa rito, noong naghiwalay sina Nanay at Tatay, iniwan sa kanya ang mga utang na dapat sana ay kay Tatay.

Nagpatuloy si Nanay, "Reina, anak, kaya nga ako pumayag sa part-time job mo para may pandagdag ka sa baon mo sa kolehiyo. Hindi mo responsibilidad na pati sa mga utang ko ikaw pa ang tutustos," wika ni Nanay, ngunit umiling lang ako sa kanya at ngumiti ng kaunti.

"Nay, kaya tayo may utang dahil sa pagpapagamot kay Kevin at pati na din sa iniwang problema ni Tatay sa atin... sayo," paalala ko sa kanya, na ikinatahimik niya.

Matapos ang mahabang gabi, nakahinga ako ng maluwag dahil nabawasan kahit paano ang aming mga utang. Wala na akong mahihiling pa basta't magkasama kami ni Kevin at si Nanay. Wala man kami sa kagandahang buhay, masaya na akong kasama ang pamilya ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Nagluto ako para sa aming agahan. Si Kevin, na nasa unang taon sa high school, ay agad nang bumangon para makapag-ayos, lalo na't sya ang may hawak ng susi ng kanilang classroom bilang presidente.

Matapos kumain, agad na nag-ayos si Nanay para pumasok sa barangay. Ako naman, nag-umpisa nang maglinis ng bahay. Isang malaking responsibilidad, pero ito'y isang paraan para makatulong sa Nanay.

Nang makaraan ang ilang oras, natapos ko na ang paglilinis at agad naman nag-ayos para sa pagpasok sa unibersidad.

Malapit lang ang university, kaya't madali ang biyahe. Pagdating sa campus, si Kino, ang aking kaibigan, ay agad na naghihintay.

"Tara na," sabi niya, at sumakay na kami sa tricycle patungo sa unibersidad.

"Hay, akala mo ha, 15 lang ang score ko sa out of 50. Ang bobo ko talaga kapag situational. Bakit kasi Educ kinuha ko," matamlay na sabi ni Heaven, isa pang kaibigan, nang mag-lunch kami sa cafeteria ng kampus.

Mabilis ang oras, kaya't matapos kaming mag-lunch, pinauna ko na si Heaven na bumalik sa kanilang building. Ako naman ay dumeretso sa aklatan dahil kailangan kong manghiram ng libro para sagutin ang isang lesson na hindi ko masyadong naiintindihan.

Nang makapasok ako sa aklatan, agad akong nagtungo sa mga seksyon ng Science. Agad kong natagpuan ang libro na kailangan ko, ngunit nasa itaas ito, hindi ko maabot. Habang iniisip kung paano ko ito maaabot, may kakaibang amoy ng pabango ang biglang sumalubong sa akin.

Hininto ko ang aking ginagawa nang mapansin ang lalaki na kumuha ng libro. Agad niyang ibinigay ito sa akin, at ngumiti.

"Uhh..excuse me," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya, at nagtungo na sana ako para kunin ang upuan nang bigla siyang mag-salita.

"Here," aniya, inaalok sa akin ang libro. "Uhh.. I saw you struggling to get this, so I helped you out."

Ang boses niya, ang sarap pakinggan. Pero bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin na hindi siya umaalis at nakatutok ang tingin sa akin.

"Nakakahiya naman," sabi ko, at aalis na sana nang bigla siyang magsalita.

"Sereina..."

Naku! Bakit niya alam ang pangalan ko?


C j a y x z

Selfless SereinaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz