Chapter 1

5 1 0
                                    

"Ms. Alvero, you're late," gusto ko na lang mag-sapo ng noo nang hindi ko magawang makaabot sa tamang oras bago mag-umpisa ang klase.

"Pasensya na po, Ma'am," pormal akong tumayo at tumingin kay Ma'am Ong.

"You're a smart student, but I don't tolerate this kind of act. Ilang beses ka nang nahuhuli sa klase ko, and I know your reason is still the same... I understand because you're on duty as a working student, but you have to understand too that you're still responsible for your study!" Kalma pero alam na alam kong naiirita na siya sa akin. Wala naman akong magawa kundi ang itikom na lang ang bibig dahil ayaw ko na rin na sumabat pa.

"Go to your seat," tumalikod ito at nagpatuloy sa pagtuturo.

Tumungo na din ako sa upuan ko, at ng makaupo ay nilapit ni Heaven ang upuan niya sa akin para magkalapit ang aming agwat.

"Bruhang 'yan, eh 7 minutes ka lang naman na late, eh," kunot-noo ng bulong nito sa akin na ikinangisi ko.

5 minutes kasi.

Hindi ko na iyon pinansin at nakinig na ako sa klase ni Ma'am Ong sa harapan.

Nang matapos ang klase namin ng mga alas-dos ng hapon, niyaya ako ni Heaven na manood ng basketball game sa Department ng Engineering. Pumayag naman ako kasi mula pa last week, niyayaya na ako ni Kino na manood ng finals, since kasama siya sa paglalaro, hindi lang ako nakapag-oo na manood dahil masyado akong busy kaya paniguradong matutuwa ang mokong pag nalaman na nandoon ako.

Nang makarating kami doon, hindi madaling makapasok sa gymnasium kasi maraming mga college students ang manonood, kaya panay paypay kami ni Heaven dahil sa init. Mataas pa ang araw dahil 2:30 pa lang ng hapon.

Kaya ang ginawa ko ay itinali ko ang kolot na di kahabaan 'kong buhok dahil alam 'kong pawis na pawis na ang batok ko dahil sa init.

"Meron ka pa?" Tanong sa akin ni Heaven ng makitang natali ko na sa ponytail ang buhok ko. Tumango naman ako at kumuha ng isa 'pang tali sa bulsa ng bag at binigay sa kanya.

Lumipas ang limang minuto ay nakapasok na kami. Di ko ini-expect na ganito ka dami ang manonood. Nakita ko din agad yung mga grupo ni Kino sa gilid na nag hahanda sa laro, hanggang sa mag tama ang mga mata naming dalawa. Napangiti ito ng malaki at nag paalam sa mga kasamahan at tumakbo papalapit sa amin ng kaibigan ko.

"Baliw na kolot 'to! Ang sabi mo busy ka?" Tumawa ito at ginulo ang buhok ko. Kunot-noo 'kong hinawi ang kamay nya. Mas lumakas pa ang tawa nito ng makita ang itsura ko.

"Sira! Timing lang yung pag-aaya nitong si Heaven dahil wala naman na akong gagawin," sabat ko.

"Ahh ganon ba?" Tumatawa pa din ito.

"Huy! Ayusin mo sa paglalaro at pumusta ako sa inyo ha!" Biglang singit ni Heaven.

"Kalma ka lang. Paniguradong panalo to," mayabang na sabi ng mokong habang pinapakita ang biceps nito.

"Siraulo talaga," Tawa ko sabayan din ni Heaven. Napakamot naman ng ulo si Kino at tumingin-tingin sa mga bleachers na para 'bang may hinahanap.

"Tara," aniya kaya sumunod naman kaming dalawa sa kanya.

"Usog po kayo konti, please," kinilig naman yung mga freshman students ng makausap sila nitong si Kino.

"Sure koya," sabat pa 'nong isa at nag bigay ng malaking space.

"Thank you," Jusko, they even squeal.

Tahimik na lang akong tumawa, hindi naman kasi mapagkakaila na gwapo itong si Kino. Matangkad din, kaya perfect maging basketball player. But for me, hindi lang sa ganyan ang nakikita ko sa kaibigan kundi na rin sa may mabuting puso na mayroon sya. He was my childhood friend after all kaya malapit talaga kami sa isa't isa.

Selfless SereinaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin