Chapter 01

363 9 0
                                    


Fairytales




Napabuga ako ng hangin habang ang aking mga mata'y nakatitig sa mga ulap. Tama ng ang sabi nila. Hindi pala talaga totoo ang fairytales. Noong bata ako iniisip kong kapag nagkagusto ako sa isang tao makaktuluyan ko ito hanggang sa maglaroon kami ng happy ending.






Tila nawalan ng hangin ang aking dibdib ng maalalang hindi naging maganda ang simula ng aming tinatawag na fairytale. Hindi pa man nagsisimula ngunit parang wala ng happy ending sa dulo.




It's been a week since kinasal kami ni Galen pero dinaig ko pa ang pagiging stranger sa kanya. Hindi niya 'ko pinapansin. Tila para kaming hangin sa isa't isa dito sa malaking mansiyon na binili ng mga magulang ko para sa'min.





"Galen anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi?"




He sighed. "I'm a working student what do you expect? Magliwaliw ako dito sa malaking mansiyon na 'to?" bakas sa kanyamg tinig ang pag-kairita gayun din ang pagod.





Ngunit nakangiti pa rin akong lumapit sa kanya at marahang hinimas ang kanyang braso. "Pasensiya na. Hindi pa rin ako sanay na gabi ka umuuwi."






Marahan niyang inagaw ang braso. "I want to rest pagod ako."





Tumango ako't ngumiti. "Sige, pahinga ka na."






Kinaumagahan inihanda ko na ang almusal na kakainin ni Galen bago pumasok sa kanyang skwela. Isang egg omelet, dalawang egg at limang slice ng bacon. Sa totoo lang hindi ako maalam sa pagluluto kaya ito lang ang naisip kong gawin dahil simple lang at hindi complicated.




Nang matanawan ko siya sa pinto ng kusina kusang umangat ang dalawang sulok ng aking labi. Sa tingin ko ngayon handa na siyang sumabay sa akin sa oagkain.


"Sabay na tayo." ani ko. Tipid siyang tumango.







Naupo ako sa tabi niya dahil ang layo ng pinili niyang upuan sa akin kaya ako na ang nag-adjust. Walang salitaang kumain kaming dalawa tanging tunog lamang ng kubyertos ang pinagmumulan ng ingay. Nabibingi ako sa sobrang katahimikan ngunit wala naman akong magagawa kung ayaw niya 'kong kausapin.





Hindi na din ako nakatanggap pa ng pagpapaalam mula sa kanya ng magpasiya siyang umalis. Lumiban na lamang siya bigla nang wala man lang paalam. Ngunit kahit na ganun alam kong sa akin pa rin naman siya babalik.






Bumalik na 'ko sa pagkakaupo upang tapusin ang naiwan kong pagkain. Napabuga ako ng hangin habang iniisip ang mga naging desisyon ko. May mali ba sa naging desisyon ko? Ang gusto ko lang naman ay ang matulungan sila ng pamilya niya.








Nangyari itong kasal sa pagitan namin dahil sa malaking halaga ng salapi. Sa pamamagitan ng kasal na ito magkakaroon ng bahagi ang pamilya ni Galen mula sa'min, at alam kong malaking tulong iyon para sa mga foundation na ipinatayo ng kanyang mga magulang, at para na rin sa mismong kumpanya nila.








Nahihirapan na kasi silang maghanap ng investors dahil nalulugi na ang kanilang kumpanya kaya nagmabuting loob ang mga magulang ko, and ako ang nag-suggest na ikasal kami ni Galen para sa kontrata.






Napapayag ko sila ngunit mukhang hindi sumasang-ayon si Galen. Sa kabila ng kanyang hindi paggusto nauwi pa rin kami sa kasalang ito dahil wala na siyang magagawa pa. Kumpanya na mismo nila ang humihingi ng pabor sa amin. 






Inubos ko n ang aking pagkain at iniligpit na 'yon. Nagtungo na din ako sa aking kwarto upang magbihis. Nag-aaral pa rin ako ngayon. Fourth-year college student, parehas kami ni Galen. Magkaiba nga lang kami ng university na pinapasukan.







Sa pagdating ko sa campus nagtungo kaagad ako sa classroom namin at sakto magsisimula na ang klase. Naupo na 'ko sa likod at inilabas ang aking ipad para pang-notes.





Hindi na din ako tumambay pa sa campus pagkatapos ng klase diretso uwi kaagad ako ng matapos. Nag-luto kaagad ako ng panghapunan naming dalawa. Isang simpleng tinolang manok lang naman.






I started waiting for him at six in the evening. Naupo ako't nanood muna ng Netflix sa sala. Inaliw ang sarili aa iba't ibang teleserye. Alas syete ng gabi ng makarinig ako ng iaang busina ng isang kotse. Agad akong lumabas upang tignan kung si Galen na ba iyon pero 'yon pala kapitbahay lang namin kaya bagsak balikat akong naglakad pabalik sa sala.






Alas nuebe na hinihintay ko pa din siya. Hindi pa din ako kumakain kasi gusto ko siyang kasabay. Sa simpleng sabay na kain kasi doon ko lang nararamdaman na mag-asawa kaming dalawa.




Ngunit alas onse na wala pa din talaga siya. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom wala na 'kong choice kundi ang kumain mag-isa.







Nagtungo ako sa kusina't kumain na pagkatapos kumain napayuko nalang ako sa mesa dahil sa antok. Hindi ko na namalayang nakatulog na 'ko. Nagising nalang akong nakahiga sa malambot na kama, at isang tao kaagad ang pumasok sa isipan ko na ikinangiti ko.







Si Galen.






Kusang naging magana ang umaga ko ng araw na iyon. Madalang lang kaming magkaroon ng komunikasyon ngunit ramdam kong may pagpapahalaga pa rin naman siya sa'kin. Sapat na 'yon para panghawakan ko pa din ang nararamdaman ko para sa kanya.




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Where stories live. Discover now