Chapter 19

197 10 1
                                    


View



Nakakamay kaming kumain ngayon sa harap ng hapag. Lahat kami nakapaikot sa isang mahabang mesa. Nagkaroon kasi kami ng boodle fight kanina. Sa sobrang dami ng pagkain inabot na 'yon hanggang sa pananghalian namin.





Nanliit ang mata ko ng mapansing nag-uusap sina David and Galen sa hindi kalayuan. Natapos na siguro silang kumain kaya nagdaldalan na.





Ano naman kayang pinag-uusapan nila?





"Malulusaw yan katititig."





Napatingin ako kay Marlon na kumuha ng longganisa sa harap ko. "Hindi ako tumititig." bwelta ko.


"Hmm. Okay, sabi mo eh."





Hindi naman talaga. Dalawa silang tinitignan ko 'no. Hindi lang si Galen, at bakit ko naman tititigan si Galen, aber?





Nang maubos na namin ang pagkain nagtulong-tulong kaming ligpitin ang mga 'yon upang hindi mag-iwan ng dumi. Inilagay namin ang mga kalat sa garbage bag at saka naupo sa tabi ng dagat upang magpahinga.







Napakasarap ng simoy ng hangin. Napakamaaliwalas. Hindi tulad ng sa siyudad. Kulang nalang langhapin mo ang lahat ng polusyon na mula sa madudumong usok ng sasakyan.






Isinuot ko sa aking ulo ang headphone na kanina pa na nasa leeg ko. Pinakinggan ko ang musika na mula rito at ipinikit ang aking mga mata.






Naidilat ko lamang ang mata 'ko ng biglang may tumalsik na tubig sa aking braso.




"Galen?"



He shrugged. Hindi ko naman siya sinisisi pero siya kasi yung nasa harap ko't nakababad sa tubig. "What are you doing?"




"Wala, tumatambay lang."




I sarcastically smiled. "At talagang sa mismong harap ko?"




He nodded. "Ang ganda kasi ng view."




Napakunot ang noo ko't napairap. Paanong maganda ang view e tinatalikuran niya nga ang dagat at nakaharap sa'kin. Tumayo na ko't nagpagpag sa buhangin sa'king binti.




"Oh, sa'n ka pupunta?"






Tinaasan ko siya ng kilay. "It's none of your business." finally! naibalik ko din ang mga salitang 'yon sa kanya.








Tinalikuran ko na siya. Bakit ba niya 'ko kinukulit? Kinulang ba siya sa pansin? Hindi ba siya binibigyan ng atensyon ng boyfriend niya?






Napailing ako't kumuha ng mga bato sa white sand. Lumapit muli ako sa tabing dagat ngunit malayo na sa kinaroroonan ni Galen. Pinagbabato ko ang mga bato sa dagat. Inilabas ko lahat ng inis ko roon hanggang sa maubos ang hawak kong bato.





"Why so mad about? Miss Married?"





Nilingon ko ang pinagmulan ng boses na 'yon. He's familiar. Pinakatitigan ko siya upang maalala ang pangalan niya. "Duke?" hindi siguradong wika ko.





"Yes, miss Married. I've never thought na makikita kita ulit dito."






Tumango ako. "Nagbabakasyon lang ulit."




Kumuha siya ng mga bato't nagbabato sa dagat. "I'm Erish." pagpapakilala ko, iba kasi ang dating ng tawag niya lalo't hindi naman na 'ko kasal pa.




Napaharap siya sa'kin at ngumiti. "Erish, nice name." tipid akong ngumiti. "You're not wearing your ring." naitago ko bigla ang kaliwa kong kamay sa aking likod.




"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.



Tumayo siya't bumato ng malayo. "Same with you. Bakasyon din kasama pa rin ang mga pinsan ko."



Tumango ako. "Pinsan mo pala sila." kaya pala magkakamukha.






"Yup."






Naglakad-lakad kami kalaunan sa tabi ng dagat. Tahimik lang ako habang nakasabay sa kanya. "Baka naman pwede nating maulit yung pagsusurf? Natuwa sa'yo mga pinsan ko. Napakagaling mo daw. Para ngang 'di ko sila pinsan eh."






Natawa ako. "Well, madalas kasi talaga ako sa dagat kaya naging hobby ko na din ang surfing."








He nodded. "That's why ang galing mo."




"Hmm,"





Natigilan ako sa paglalakad ng makita ang bulto ni Galen na nakaharang sa daraanan namin. "May kailangan ka?"





Malamig niya 'kong tinignan. "Our parents are waiting for us, kakain na daw." at basta nalang niya hinila ang pulsuhan ko.




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Where stories live. Discover now