1ST ONE - 155.

7 2 0
                                    

1ST ONE - 155.

Sa isang private beach resort sa Cavite ay doon magaganap ang kasal nina Alpha at Yhena. Ika nga ni Aya, sa resort na iyon unang nagkita ang dalawa. Naging parte ng kanilang namuong pag-iibigan ang lugar na iyon. Ngumiti ang dalaga nang maalala kung gaano kasaya ang mukha ng kaniyang kaibigan nang ikwento nito kung paano sila nagsimula ni Alpha sa kanilang relasyon.

Kasalukuyan siyang abala sa finishing touches ng kasal. Nakaayos na ang arko na mayroong puting kurtina sa magkabilang gilid kung saan pupwesro ang ikakasal. Nakaayos na din ang maliit na entablado sa harapan. Maging ang paring magkakasal ay narooon na't naghahanda. Ang mga lamesa't upuan ay natatakpan ng magkahalong light green at light blue na tela. Sa bawat lamesa ay mayroong flower vase na naglalaman ng ilang bulaklak na magkakaiba ang kulay. Sa gitna ng venue ay mayroong red carpet at sa unahan niyon ay mayroong isa pang arko na  napapalamutian ng maliliit na bulaklak na magkakaiba ang kulay. May mga bungkos ng pinagsamang white at red roses sa magkabilang dulo niyon.

Sa gawing kanan ay naroon ang piano at dalawang microphone na mayroong stand na gagamitin para sa pagkanta. Mayroong speaker sa di kalayuan at may dalawang mataas na upuan na naroon. Sa gawing kaliwa naman ay naroon ang dalawang mahabang lamesa na mayroong kahel na tela at naroon ang mga lalagyan na nakabaligtad at mga takip para sa buffet pagkatapos ng kasal. Mayroong dinner plates, dinner spoons and forks, bowls maging wine glasses. Mayroong water at iba pang drinking dispenser na nasa gilid. May ilan pang mahalagang gamit sa tabi niyon. Abala ang mga tauhan ng resort sa pag-aayos kasama ni Aya kaya naman ay wala na siyang ginawa sa sandaling iyon kung hindi ang tingnan ang mga ginagawa at magsabi ng mga kailangan at dapat na baguhin o ayusin.

Ilang dipa mula sa wedding at reception area ay naroon ang mga kaibigan niya na may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Sa likod ng dalawang baitang ng mahaba at mataas na tabla kung saan nakaupo ang ilan ay mayroong dalawang changing area. Sa katabi niyon ay naron ang vanity area. Naroon ang ilang upuan, dalawang body mirror at mga gagamitin para sa pagme-makeup.

"Tingin ko babaita, ikaw ang unang-una na maagang gumising." Nang umupo siya katabi ni Briana ay iyon agad ang kaniyang narinig. Tumawa naman siya. "06:00 am lang pala? Akala ko 08:00 am na, e! Ang liwanag na agad!"

"Gano'n talaga. Excited ako para sa kasal nila Yhena." Ngumiti siya. "Nagdala ka ng beach attire mo? Saktong-sakto oh, ang lapit natin sa dagat."

"Haha, oo naman! Meron akong dala. Ako pa ba?" Tumawa ito kaya tumawa din siya. "Hands on ka talaga sa paghahanda, 'no?"

"Syempre, gano'n dapat. Para saan pa at nag-volunteer ako dito? Gusto ko naman ang ginagawa ko e kaya walang kaso."

"Sige, diyan ka na muna. Gusto ko ng coffee. Inaantok pa talaga ako."

"Oh e bakit gumising ka agad?"

"Excited e!"

"Hahaha! Ikaw talaga. Sige na, magkape ka muna."

"Gusto mo ba?"

"Mamaya na lang."

Tinapik ni Briana ang balikat ni Aya bago tuluyang umalis. Naroon sina Venus at Jayson na kumakain ng tinapay.

"Nag-breakfast ka na?" Tumabi si Jayson sa kaliwa ni Aya. "Kumain ka, oh."

"It has a chocolate spread." Tumabi naman si Venus sa kaniyang kanan. "You want?"

"Sige na nga." Dahil inilapit ng pinsan sa kaniyang mukha ang tinapay ay kumagat siya at ngumiti. "'Uy, Nutella? Na-miss ko 'yan."

"Really? Great! Kumain ka pa."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin