C25

63 8 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

Nandito na kami sa kotse ni Laurent at walang nagmamatapang na magsalita kahit isa sa amin. Kitang kita ko rin ang mukha ni Kuya George na mukhang nagtataka sa katahimikan namin pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin.

Tangina lang naman kasi. Sinong hindi ma-e-speechless sa sinabi ng mokong na ito.

Kahit ako ay hindi na alam kung ano itong nararamdaman ko.

Kinakabahan na kinikilig.

Tangina umamin lang naman 'tong pogi na katabi ko. Umamin ng nararamdaman niya sakin.

**

"D-derna.. I like you." He said sincerely.

I know that it's not a joke because the way I see his eyes. There's no spoof.

Wala akong maramdaman na pang-iinis o pagbibiro sa boses niya ngayon.

Ramdam na ramdam ko ang kaba at sinsiridad sa kaniya.

Napapikit at nalunok ako ng ilang beses dahil walang gustong lumabas na mga salita mula sa aking bibig.

"Ahm...." Aaminin ko din ba ang nararamdaman ko para sa kanya?

Gusto ko pero 'di ako makapag-salita.

"I f-feel calm when I'm with you.. even you're always doing an idiot and stupid things.. you're still making me laugh.."

"L-laurent.."

"Y-you d-don't need to answer me Derna.. because what I said is not a question.. I-i just want to say what I felt.. m-my feelings for you.." umiwas siya ng tingin bago hinawakan ang pintuan at nauna ng bumaba at iniwan ako sa loob dahil tumigil na din iyong Ferris wheel.

**

Nakatulala lang akong nakatingin sa labas at pilit prinoproseso ang mga nangyari kanina lang.

When did I make an stupid things? Ang alam ko lagi akong matalino sa mga pinag-gagagawa ko..

Napabuntong hininga nalang ako at pinanood ang mga ilaw sa labas na parang mga bituin na kumikinang.

Buong byahe akong tahimik.

Even you're doing an idiot and stupid things..

Hindi maalis sa isip ko ang mga linyang iyan. Dahil hindi ko mapagtanto kung may ginawa ba akong katangahan o wala.

Napabuntong hininga nalang ako nang tumigil ang kotse sa harap ng bahay namin. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Laurent ng pintuan. Walang imik at lingon akong lumabas.

Narinig kong bumukas ang kabilang pinto at alam kong si Laurent 'yon kaya agad na akong humarap sa kaniya.

Naglakad siya papunta sa harap ko at walang Iwas na tingin niya akong tinititigan kaya ako na ang kusang umiwas ng tingin.

Gustong gusto kong labanan ang mga titig niya pero wala akong kalakas lakas at kapal ng mukha ngayon.

Lalo na't kanina lang ay nagpropose siya ng nararamdaman niya at sinabing may ginagawa akong katangahan.

Bago pa niya ako malapitan ay nagsalita na ako para hindi niya maituloy kung ano man ang gusto niyang sabihin

Nakakaiyak ang rebelasyon niya shuta! Lalo na yung may ginagawa raw akong katangahan.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now