Rosenthal-Dardenne

459 41 2
                                    


JAESIE's POV


When Rico told me na ayaw niyang magka-baby, I thought na unfair 'yon for me kasi gusto ko nang magkaanak.

But ever since ipinanganak ko si Connor, mas naintindihan ko na kung bakit ayaw niyang magka-baby.

"Daddy, I like this one," sabi ni Coco, tinuturo ang damit na hinatak niya sa closet.

"Why?" Rico questioned.

"Because it's my shirt."

"Apart from that. Of course, it's your shirt, obviously."

"I want this shirt!"

"Mainit. You're gonna complain na naman mamaya na you're sweating again."

"But I like this one!"

"I don't like that one. Mag-wear ka ng T-shirt. Yung comfortable."

"But I want this one, e!"

"You're makulit na. Mommy, ano'ng isusuot ni Coco today? Itong sweater o T-shirt lang?"

Not sure if maku-cute-tan ako sa kanila or what. Nakasuot na ng casual black polo and white pants si Rico. Naka-briefs lang ang anak namin at namimili pa ng isusuot.

Rico was crossing his arms, ganoon din si Connor, ginagaya siya. And they were arguing about Connor's attire for today. Nakalatag sa kama ang blue sweater na inilabas ni Connor mula sa closet. Pero ini-ready na kasi roon ni Rico ang T-shirt at jumper na isusuot dapat ng anak niya.

I wanted to remind Connor that it's Father's Day today and he should talk to his dad in a proper way, but the kid was as hard-headed as his dad. Mana-mana na lang talaga.

"Let him wear the sweater na lang, then baunin na lang natin ang T-shirt," sabi ko at tinapos na ang pag-aayos ng bag na dadalhin namin.

"Bleh!" Connor teased his dad even more kasi mas kinampihan ko siya. Ang sama tuloy ng tingin sa akin ng asawa ko.

Kinuha ko na ang T-shirt na handa ni Rico at itinupi para ilagay na rin sa bag, just in case magreklamo na naman ang anak niyang mainit nga.

Well, Rico was just thinking in advanced kaya nga alam niyang magrereklamo ang anak niya sa sweater kasi sobrang init nga naman ng panahon. But Connor has a different opinion, and Rico was taking his dose of medicine gaya sa tuwing nakikipagsagutan siya kay Mum.

Father's Day today. I greeted Rico as early as five in the morning habang nagluluto siya. I was planning na batiin na lang siya ni Connor pagdating sa mansiyon kasabay nina Daddy. Iiwan din kasi namin doon ang anak ko para makabisita kami sa daddy ko sa sementeryo bago kami umuwi mamaya.

Ayokong isama si Connor sa sementeryo kasi ang daming tanong. Nahihiya ako sa mga guard, hindi kasi maawat.

Nauna nang lumabas si Connor kasi excited nga raw siyang makita si Carlisle, baby nina Sabrina at Clark.

Carlisle is literally Rico's mini-me, and I hated that fact. Parang gusto ko tuloy makipag-trade ng anak kasi ang behave niya compared kay Connor. Inisip ko pa nga na baka walang magkakamaling hindi ko pala anak si Carlisle kasi kamukhang-kamukha ng tito niya. Si Connor kasi, si Daddy Ric ang kamukha. Ang guwapo pa naman ng lolo. 'Yon lang, si Mum kasi ang kamukha nina Rico kaya himalang may naligaw na genes si Daddy sa mga apo niya.

Bitbit ko ang duffel bag ng mga gamit namin ni Connor nang maabutan ko siya sa labas na nakahiga sa pathway.

"Coco!" Namaywang agad ako kasi dumoon talaga siya sa dumihan! "Bakit ka nakahiga diyan?"

AGS Sides: Father's Day SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon