Chua-Scott

439 35 4
                                    

KYLINE'S POV


"Good morning, love. Happy Father's Day." I hugged Leo from behind and gave him a quick kiss on the cheek.

Nilingon niya ako saka siya ngumiti. "Good morning, Mimy." He pouted, and I grinned before giving him a quick kiss on the lips. "I love you."

"'Punta tayo kina Uncle Bobby ngayon?" tanong ko, pinanonood siyang magluto ng breakfast namin habang yakap siya sa likod.

"Yeah. Tapos dadaan tayo kina Tita Tess. Nandoon daw sina Clark ngayon, naghahanap ng kalaro si Luan."

Tita Liz invited us today to celebrate Father's Day kung wala raw kaming plan to have our own celebration. May gathering daw kasi kaya nag-invite pa rin, in case lang na free kami.

Uncle Bobby is Leo's second father. As much as I wanted to persuade Leo to talk to Coach Wally, ayoko ring pilitan siya to reunite with his dad. Masyado na raw toxic para ipagsiksikan pa niya ang sarili sa taong ayaw sa kanya.

I've never heard any apology from Coach Wally or even reached out kay Leo kahit noon pang kasal namin. It was sad, but we couldn't do about it if hindi na talaga nila kayang magkasundo pa ulit.

"Sayang, nasa Macau ngayon si Daddy," sabi ko na lang.

"Binati mo na ba?"

"Yes, kanina nag-video call kami paggising niya."

"Good."

Tinapos na ni Leo ang pagluluto ng breakfast. I prepared the table at tinawag na ang mga anak namin.

"Good morning, Mimy!" Eugene hugged me and kissed me on the cheeks. He then shifted to Leo for a hug. "Happy Father's Day, Dada!"

Eugene is the sweetest kahit halos mag-abot na ang taas nila ng daddy niya. Ang laki na ng baby ko, literally. But still, sobrang baby pa rin niya.

He's already sixteen, but he's still calling Leo 'Dada' kahit na sinabihan na siyang 'daddy' or a much formal term na ang itawag sa daddy niya.

Kapag nagtatabi sila ni Leo, para na lang silang magkapatid, to think na hindi na nagkakalayo ang taas nilang dalawa.

"Ma! Aalis tayo today?" Luan asked.

"Yes, we're going kina Mommy Liz."

"How about Ninong Clark?"

"He's there din. Miss mo na si Ninong Clark?"

"He promised me a book kasi! Sabi niya, ngayon niya ibibigay."

Nalipat ang tingin ko kay Leo na nagkibit-balikat na lang. Kaya pala hinahanap ni Luan ang ninong niya. Napangakuan na naman.

"I-greet mo si Dada," utos ko kay Luan. "Father's Day today."

Sumimangot agad si Luan nang tingnan ang daddy niya, ayaw pa yatang gawin ang utos ko.

"Luan," sermon ko na.

"Ew!"

Luan is a seven-year-old headache na hindi ko ine-expect. Not sure if Leo wanted his kid to be like this or it was just Luan and his "rebel" days kahit sobrang bata pa niya. And he talked like his Dada. Lagi tuloy siyang nasasaway ng mga lolo at lola niya.

"Igi-greet mo lang si Dada," dagdag ko pa sa sermon sa kanya.

"Dad's okay with it. Di ba, Daddy?"

Luan's the only one calling me Mama and Leo as Daddy. No one asked him to do that. Ang inutusan lang namin ay si Eugene kasi malaki na nga. But Luan did what we told his kuya.

AGS Sides: Father's Day SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon