Leslie Alegria Pov.
Hindi ako hinayaang maka-uwi ni senyora ng walang masasakyan. Ipinahatid niya ako sa kanyang driver upang hindi na ako maabala pang mamasahe.
Nasa akin pa rin ang pera ni akhiro dahil nga inutusan niya akong bumili ng mga pagkain namin na dadalhin bukas sa burol. Napag-isip ko rin habang nasa biyahe ako, bakit kailangan pang bumili ng pagkain kung napakarami namang prutas at pagkain sa kanila?
Iniisip ko rin kung anong gagawin niya sa lugar na iyon gayong hindi naman gaanong dinadayo ang burol.
"Dito na lang po, kuya." huminto ang kotse sa hindi kalayuan ng aming bahay. Ayoko kasing doon mismo huminto ang kotse dahil tiyak na pag-uusapan lamang ako ng mga taong makakakita sakin. "Salamat po sa paghatid." tumango lang ang lalake bago tuluyang lumisan sa lugar namin.
Natitiyak kong nasa alas dos pa lang ngayon dahil matindi pa rin ang sikat ng araw. Mamaya pa ang uwi nila inang dahil alas singko sila nagsasara, si amang naman ay alas sais na umuuwi mula sa pamamasada ng Jeep. Kaya halos ako lang din ang mag-isa sa bahay kung naroon ako, pero ngayon. Baka wala ng maiiwan doon dahil mula sa lunes ay mag-aaral na ako.
"Leslie." nahinto ako sa paglalakad dahil narinig ko ang pagtawag sa akin ng kaibigan kong si glenda. "Saan ka nanggaling?"
Hinintay ko siya makalapit sa akin bago ko ito tuluyang sagutin. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, glenda." nangunot ang noo niya, natatawa ngunit mas pinili niyang mag-usisa.
"Bakit naman hindi ako maniniwala, aber? May nangyari bang himala?"
Tumango ako. "Himala nga iyon, glenda. Biruin mo ba, ang dati kong pangarap na makapasok sa hacienda ng mga Del Vega ay natupad na." nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.
"Paano naman nangyari 'yon? Nag-apply ka ba? Ang daya mo ha, hindi mo man lang ako isinama." umiling ako.
"Hindi, nagkrus kasi ang landas namin ni senyora flora. Sa palengke noong isang araw, may nangyari kasing hindi maganda. Nagawa ko siyang tulungan kaya't binigyan niya ako ng hindi matanggihan na pabuya." namilog ang mata nito dahil sa sinabi kong iyon.
"Sinasabi mo bang binigyan ka ng isang milyon ng senyora?" nagsalubong ang kilay ko.
"Hindi, glenda. Hindi ko naman tatanggapin ang ganoong kalaking halaga, may ibang inalok sa akin ang senyora. At iyon ay ang libreng edukasyon at pag pagtatrabaho sa malaking hacienda."
Napamaang siya na tila nagulat sa sinabi kong iyon. "Talaga ba? Kung ganon, makapag-aaral ka na?"
Tumango ako, nakangiti. "Hindi ko nga lubos maisip na magkaka-totoo iyon eh. Siguro nga tinupad na ni lord ang isang pangarap ko sa buhay."
Ngumiti sa akin si glenda, siya kasi ay may nagpapag-aral sa kanya. Ngunit nagtatrabaho pa rin ito para matustusan ang ilang gastusin niya sa pag-aaral. Samantalang ako ay wala namang ibang malalapitan dahil wala din namang ibang kamag-anak si ina at ama dito. May mga kapatid si amang ngunit nasa manila ang mga iyon, ngunit hindi kasi niya nais humihingi ng tulong sa mga kapatid niya. Hindi na kasi naging maganda ang pagsasama nila dahil nga muli itong nag-asawa ng ibat at hinayaan niyang maghiwalay sila ni ina.
Gayun man, alam ko namang mabuting tao si amang. Hindi ko lang malaman kung bakit kailangan niyang pakisamahan si inang helda gayong halata namang sunod salayaw siya sa nais nito.
"Alam mo, leslie. Ganyan lang naman talaga ang buhay, darating din ang araw na makaka-alis ka sa puder ng madrasta mo. Matutupad mo rin ang pangarap mo, huwag kang mawalan ng pag-asa."
Ngumiti ako kay glenda. "Ayos lang naman manatili sa kanila, glenda. Hanggat kaya kong magtiiis, mananatili ako.."
"Sus, paano kung mapagod ka? Paano kung tuluyan ka ng maubos dahil sa kanila?"
BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
General FictionSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...