Chapter 31

286 14 2
                                    

Leslie Pov.

Nais ni akhiro na gumawa ako ng isang vector technical na drawing. Iyong bahay lamang ang makikita at walang sukat, hindi ko malaman kung paano ako nakaisip agad ng ideya. Sa totoo lang ay wala pa pala siyang nauumpisahan.

Buong akala ko pa naman ay may sample na siya na pagkukuhanan ko ng idea. Pero ako pa pala ang mag-iisip kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung umabot ba ako ng isang oras matapos kong matapos 'yon. Mahirap din kasing mag-sketch lalo na kung naiimagine mo lamang iyon.

Ngunit nagawa ko naman siyang tapusin habang nakaupo lang si akhiro sa harapan ko. Kanina pa siya gumagamit ng cellphone at ni hindi man lang kami nagkaroon ng pag-uusap.

Tahimik lang siya hangga sa tumayo ako para ilahad ang natapos ko'ng sketch.

"Iyan lang ang nakayanan ko, sana ayos na siya para sayo." tumango siya, hawak na ngayon ang papel at hindi ko alam kung nagustuhan ba niya dahil wala naman siyang iniwan na komento.

" tumango siya, hawak na ngayon ang papel at hindi ko alam kung nagustuhan ba niya dahil wala naman siyang iniwan na komento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ihahatid na kita," tumayo siya ng hindi talaga sinasabi kung ayos lang ba iyon o hindi pasado. Nagtungo siya sa lamesa at doon inipit sa isang libro ang natapos kong sketch. Kalaunan ay may kinuha siyang jacket na nakasabit sa gilid bago ako tingnan.

"Hindi ka pa ba kikilos?"

"Bakit mo ako ihahatid?"

Nangunot ang noo niya. "Im going to the hospital. Dadaan na rin naman ako 'don, bakit hindi pa kita isasabay?"

Hindi ako sumagot dahil lumakad na siya palagpas sa akin. Para bang hindi na niya kailangan kunin ang permiso ko dahil kung ano ang sinabi niya ay iyon na ang masusunod.

Nagpa-alam ako kay manang rosa bago tuluyang sumunod kay akhiro sa labas. Alam niya kasi na ginawa ko ang assignment ng lalakeng 'yon, alam ko naman na bihasa sa pag-s-sketch si akhiro, pero ngayon. Parang wala siyang gana.

Tahimik lamang ako habang nakaupo sa tabi niya. Maraming gumugulo sa isip ko tulad na lamang ng kasong isinampa nila kay amang. Para bang nais kong sabihin iyon para saglit na gumaan ang bigat sa aking dibdib.

"K-kumusta na si don javier?" iyon ang siyang inumpisahan ko. Alam ko na darating din ang araw na malalaman ni akhiro ang totoo, kaya may plano na akong sabihin sa kanya ang tungkol kay amang.

"Daddy is still unconcious today, dahil sa pagkakabunggo. Naapektuhan ang ulo niya at maraming nawalang dugo sa kanya, idagdag mo pa na sinaksak siya ng suspek para lamang makuha ang hawak niyang pera." natigilan ako sa sinabing iyon ni akhiro.

Sinasaksak ang daddy niya?

Kung ganon, hindi nga si amang ang may gawa 'non. Kilala ko si amang, takot iyon sa mga ganoong krimen kaya't malayong magagawa niya iyon sa don.

CDS 3 : Admiring Dreams With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon