30

19 11 0
                                    

Ellyn's POV

Hindi ko namalayan na gabi na pala dahil nakatulog ako ng matagal. Malapit na kasi yung exam kaya tinapos ko na yung pag susulat ng mga notes. Mas effective kasi sa'kin na sinusulat muna bago ireview kasi nababasa ko na rin kapag sinusulat ko kaya nagiging pamilyar na sa'kin.

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta muna sa kusina para magluto. Naabutan ko pa yung mga maid na nag chi-chismisan sa malaking kusina ng mansion pero natigilan kaagad sila noong napansin nila ako.

"Good Evening po madam." sabay sabay silang nag bow.

"Ano po bang gusto mo kainin madam? " Nakangiting tanong ng maid na nakasalamin.

Nginitian ko naman sya. "Ako na po ang mag luluto. "

Nag hanap agad ako ng mga ingredients saka inumpisahan ang pagluluto. Naisip ko kasi parang masarap  mag carbonara ngayon. Bigla na lang ako nag crave.

Habang nag luluto ay napansin ko naman yung limang maid na sumusulyap sulyap  sa ginagawa ko habang nag lilinis sila. Sa tingin ko naman matanda lang sila ng dalawa hanggang tatlong taon sa'kin. Lulutuan ko rin sila kaya dinamihan ko na.

After na mahalo ng maayos ay tinikman ko kaagad yung carbonara. Dinamihan ko rin  talaga yung ham at creamy sauce kaya mas lalong sumarap.

"Tara kain na tayo, " nakangiti kong wika saka nilapag yung mangkok ng carbonara sa round table. 

Nagkatinginan na muna silang lima.

"Hala kami po talaga?" Nagtataka na tanong ng naka-ponytail tail  habang nakaturo sa sarili nya.

Tumango naman ako. " Oo kaya tara na. "

"Kaso di po kami pwedeng sumabay sayo. " Sagot naman ng maid na maikli ang itim na buhok.

"Ha? Bakit? "

"Dahil mga maid lang po kami. " Nakayukong wika ng maid na nakabraid ang buhok.

"Wala akong pakialam kung maid kayo. Sayang naman tong niloto ko kung di natin kakainin. Kaya kumuha na kayo ng plato. "

Kumuha naman sila ng plato at malibis na naupo.

"Wow! Ang sarap po ng luto mo! " nakangitinf komento naman ng maid na mahaba ang nakalugay nyang buhok.

Ngumiti na lang ako saka pinag masdan silang kumain. Ang saya saya nila tingnan. Kaya lang hindi ko kilala ang mga maid na nandito sa mansion dahil minsan ay napapalitan sila. Si mommy kasi konting mali lang papaalisin nya na kaagad. Gusto nya kasi na perfect ang mga nasa paligid nya kaya nga naiinis ako. Kawawa naman yung mga maid na napapaalis kaagad.

Ang pinaka matagal na maid namin dito ay yung mama ni Arian na syang mayordoma nitong mansion. Naging bestfriend ko rin si Arian dahil nga matagal na sila dito. Sya lang sa mga maid na nandito ang pinaka pinag kakatiwalaan ko pero minsan hindi lahat ikinukwento ko kay Arian. Lalo na yung hideout namin ni Changbin, never ko yun sinabi kay Arian dahil baka isumbong nya ako sa parents ko. May mga times na pinag tatakpan nya ang pag takas ko kaya pinag kakatiwalaan ko pa rin sya.


___________

Masaya akong nag lalakad sa hallway pabalik sa aking kwarto nang makarinig na parang may sumisigaw. Sinundan ko yung boses at napagtanto na galing iyon sa office ni dad.  Pamilyar sa'kin yung boses kaya naman mas lalo akong lumapit.

Nilapit ko ang tenga sa malaking pinto  para mas marinig.

"Sisiguraduhin ko po na hindi na makakalapit ulit si Changbin sa anak nyo. " Seryosong saad ni Minho.

Memory lane Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon