36

21 9 0
                                    

-Narration-

Kakatapos lang ng shift ni Chloe at nag lalakad na sya pauwi. Nakasimangot sya habang nag lalakad dahil hindi na naman nya nakita si Changbin.

"Tsk! Bakit ba kasi inahanap ko yung mokong na yun? " Tanong ni Chloe sa sarili.

Patawid na sya ng mapansin nya ang pamilyar na lalaki. Nagliwanag ang kanyang ekspresyon at inangat ang kamay para sana kumaway.

"Oy Changb–" Hindi na natuloy pa ang pag sigaw ni Chloe ng makitang may huminto na kotse sa tabi ni Changbin.

Mula naman sa kotse ay bumaba si Ellyn. Naikuyom nya ang kamao dahil sa mga sunod na nangyari. Mahigpit kasing niyakap ni Ellyn si Changbin saka hinalikan ang pisngi ng binata.

Napansin ni Chloe ang dalang malaking bag ni Ellyn kaya naman lubos syang nag taka.

"Mag tatanan ba sila? " Nag tatakang tanong ni Chloe saka tumawid ng makalayo na ang dalawa nyang nakita.

Nakakapit pa si Ellyn sa braso ni Changbin habang nag lalakad ang mga ito hanggang sa makapasok sa loob  ng bookstore. Nag suot naman ng facemask si Chloe at nag suot na rin ng cap saka mabilis na sinundan ang dalawa.

Sumilip na muna sya sa pinto at siniguradong hindi sya mapapansin saka dahan dahan binuksan ang pinto. Mahinang tunog lang ang ginawa ng wind chime kaya nakahinga sya ng maluwag.

Nahagip naman ng paningin nya sina Changbin at Ellyn na may binuksang   pinto sa likod na bahagi ng bookstore at nang silipin ito Chloe ay paakyat pala ito ng hagdan. Aakyat din sana sya sa hagdan pero pinigilan na sya ng isa sa mga staff ng bookstore.

"Ahmm.... Miss... Hindi pwedeng umakyat sa taas dahil bahay na iyan ng boss namin. Yung may ari nitong bookstore. "

Kaagad na nag bow si Chloe. "Ay sorry po. I thought may mga books pa sa taas. "

"Dito lang po sa ibaba yung mga books na binebenta. " Magalang na wika ng staff.

Tumango tango na lang ang dalaga saka naningin ng mga books. Habang naniningin ay pasulyap sulyap sya sa pinto papunta sa itaas na bahagi ng bookstore.

"So kaya pala di mo na ako pinupuntahan kasi may iba ka nang pinag kakaabalahan. " Naiinis na sambit ni Chloe habang naniningin ng mga libro.

Bago tuluyang umalis sa bookstore ay bumili si Chloe ng isang book. Nahiya na rin kasi sya dahil napansin sya ng isa sa mga staff.

"Wala namang kami kaya bakit ganito?" Bulong ni Chloe sa sarili habang patuloy na nag lalakad.


Naalala nyang muli ang nasaksihan nya bago sya tumawid at nakaramdam sya na parang may nga kutsilyong patuloy na sumasaksak sa kanyang dibdib.

Napahawak sya sa kanyang dibdib at mariing pumikit. "Nakakainis! Bakit ba ganito? "





_____________________________________

A/N:
Hi everyone! Sorry sa late update. Super busy  kasi kami sa mga projects and thesis kaya walang update hehehehe. I hope na supportahan nyo pa rin ang epistolary na ito.

Luv Lots💕✨

Memory lane Where stories live. Discover now