III: We Bare Bears

52 10 0
                                    

Ramen

Nang matapos kumain, kaagad akong dumeretso sa kwarto. Tumambad saken si Cyrex na nakaupo sa kama at naglalaptop. Katabi niya ay scientific calculator at mga papel. Napakatalino niyang tignan. Pero itong kwarto niya, napakakalat.

"Saan ako matutulog?"

"Maligo ka muna."

"Okay."

"Teka, kuhanan kita ng damit at tuwalya."

Napabuntong hininga na lamang ako at ilang sandaling naghintay para maibigay ang gagamitin kong pamalit.  Gabundok na mga damit ang hinahalungkat niya ngayon.

Nangunot ang noo ko dahil sa binigay niyang kusot na damit at tuwalya sa akin.

"Talagang terno itong damit sa tuwalya ah. We Bare Bears."

"Pake mo ba. Bilisan mo nang kumilos para di na ako mabulabog sa presensiya mo."

"Sungit mo naman."

Kaagad na akong pumasok sa CR at hindi na hinintay kung anong sasabihin niya.

........................................................

Pagkatapos maligo, muli kong pinagmasdan ang pinakabusy na taong nakilala ko.

"Oh. Saan ako matutulog niyan eh napakakalat ng kwarto mo?"

"Dito sa tabi ko. lalagyan ko nalang ng unan sa gitna."

For real? Hindi ako tatabi sayo!

"Ayoko. Sa sala nalang ako matutulog. Kung gusto mo ilock mo nalang main door para panatag loob mong di kita tatakasan. Tapos tignan mo yang kama mo, punong puno ng papel. Mas makakaabala pa ata ako pag---"

Nagulat na lamang ako nang kaagad siyang tumayo sa kama at mabilisang kinuha lahat ng mga nagkalat na papel sa kama niya. 

"Ayan, dito ka na matulog."

"Hindi na nga."

"Bahala ka. Ang arte mo."

Kumuha na lamang ako ng nakatambak na unan at bagong labang kumot sa closet na pinagkuhanan niya ng damit.

Pagkalabas ko, medyo napatigil ako. Oo nga. Pano ako makakatulog sa sobrang kalat dito sa sala. Sa kama nalang.

"Oh? Bakit ka bumalik?"

"Tabi nalang tayo."











Cyrex

Midnight. Hindi ako makatulog. Di ko pa tapos itong ginagawa ko. Rinig ko rin ang mahinang paghilik ni Ramen. 

Sa mga oras na ito dapat inatake na ako, pero dahil siguro may katabi ako, hindi mangyayari ngayong gabi.

Ayokong patulugin si Ramen sa labas dahil  ayoko namang natutulog siya na pinapalibutan ng maraming bubog at basura. Atleast dito sa kwarto, mga damit ko lang ang magkalat.

Napatitig ako kay Ramen dahil sa paggalaw niya sa pagkakatulog. Humarap siya sa pwesto ko at niyakap ang unan na nakalagay sa pagitan namin.

Halatang may lahi si Ramen. Napakaputi ng balat. Singkit ang mga mata. Hindi ko alam kung anong naisip niya kaya siya humantong sa sitwasyon kanina. Mukhang matalinong bata naman si Ramen, siguro dahil gipit lang siya sa panahon ngayon.

Napangiti naman ako dahil sa suot niyang pantulog na binigay ko kanina. Regalo sa akin ng pinsan ko yun noong grade 7 ako. Nakakatawa dahil kasya parin sa kanya. Shet, bagay sa kaniya yung damit na suot niya--- I mean yeah, sakto lang. Ano bang pakialam ko?!

Ang Holdaper at Ang Depressed na Graduating StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon