XIV: STRAWBERRY SHORT CAKE

80 9 9
                                    

Ramen

Mag-iisang linggo na akong pumapasok sa company for internship. Hindi ko alam na marami palang kailangang gawin sa HR. Katabi ko ngayon si Ferie at tinuturo niya sa akin yung changes to pay, salary, bonuses, employee working hours, at yung benefit deductions. Buti nalang at medyo napamahal na ako sa statistics kaya medyo gamay ng mga mata ko ang numero.

Mababait naman yung mga kasama ko. Walang araw na hindi kami nagkakaroon ng pagkain sa opisina. Yung iba galing sa canteen, at minsan may dalang lutong ulam. Masasabi ko ring marami akong natutunan lalo na noong sinama nila ako sa assessments of the employees sa training and seminar.

Simula nang magkatagpo kami ni Cyrex, laging dikit na ako kay Ferie at hindi ako lumalabas ng opisina nang hindi siya kasama. Kinakabahan nga ako na baka magkita ulit kami, buti nalang at sabi ni Ferie na once a month lang daw siya pumunta dahil busy rin siya sa construction company niya. Masaya naman ako dahil nalaman kong limang taon na siyang licensed engineer. Balita ko rin na may tatlong high-rise building projects siyang hinahawakan kaya busy daw talaga siya ngayon. 

Ang bumabagabag lang sa akin nang sobra eh kung ano bang tingin niya sa akin. Kung pwede ko lang siyang puntahan at kausapin para linawin ang lahat, gagawin ko pero hindi naman pwede. Tanggap ko naman nang noon pa man, malayo na ang agwat ng estado namin. Basta, masaya na ako sa kung anong nakikita ko na naaabot niya ngayon. Kontento na akong okay na siya.

Sapat na sa akin ang tatlong buwan para gamitin itong kumpanya bilang isang katiting na porsiyento ng koneksiyon naming dalawa.





Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kasama ko si Ferie at kasulukuyan kaming kumakain ng cookies with coffee. Libre niya, siyempre.

"Hoy, Ramen. Ikaw darling of the crowd ka kahapon ah! Hindi mo sinabing ikaw na ang papalit sa akin sa seminar kahapon. Tutok na tutok sa'yo lahat lalo na si Ma'am Klarita sa pagsasalita mo sa harapan! Kinakabahan na ako't baka i-absorb ka ng company at patalsikin ako! Punyeta ka!" Ang malakas na sumbat sa akin ni Ferie.

Natawa na lamang ako nang ilang ulit niya akong pabirong paluin.

"Ang OA mo naman! Wala akong balak na magtuloy dito. Baka babalik ako sa Baguio at doon na magtabaho, kaya huwag kang magworry at ikaw parin ang kilabot ng kumpanyang 'to."

"Siguraduhin mo lang."

Napailing na lamang ako at napangiti dahil sa reaksiyon ni Ferie. Buti nalang at meron siya kaya meron akong laging kasama. 

Aalis na sana kami sa table nang may biglang isang matangkad na lalaking lumapit sa amin.

"Pwedeng maki-table?" Kaagad na bungad sa amin ng lalaki.

"Ah paalis na rin kami, kaya okay lang." Ang segunda ko naman.

Napatingin naman ako kay Ferie nang sikuin niya ako at pinanlakihan ng mata bago muling humarap sa lalaking nasa harap namin.

"G-Good morning po Sir Harold." Ang kaagad na sabi ni Ferie sabay yukod.

Nanlaki naman ang mata ko at kaagad ring napayukod at  bumati. Pushamays! Isa sa mga major investors! 

"Good morning sir Harold."

Napaayos na lamang kami nang tayo nang marinig namin siyang tumugon.

"Thank you. Good morning din sa inyo. By the way, saang department kayo?" Ang malumanay na sabi niya.

"Sa HR po kami sir, I'm Ferie po pala and itong kasama ko po ay intern na si Ramen." Ang kaagad na pagpapakilala ni Ferie.

"Ramen? Nickname mo ba yan o pangalan mo?" Ang natatawang tanong ni sir HArold.

Ang Holdaper at Ang Depressed na Graduating StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon