#1

16 4 0
                                    

CHAPTER 1: THE GIRL FROM NOWHERE

Z.E's POV:

                      “ZHILL, what do you think? If I confess to Rica, sasagutin niya rin kaya ako? I am confused right now—Hey, are you listening? Bigyan mo naman ako ng advice d'yan, oh.” pamimilit pa ni Eirhol; isa sa tropa at ang pinaka-torpe sa grupo. Tinignan ko ito ng matalim dahil nagawa pa nitong yugyugin ang balikat ko gayong abala ako sa aking ginagawa.

Tinawanan naman ito ng kambal na sina Blue at Indigo; ang parehong joker ng grupo. Inakbayan ni Blue si Eirhol at nginisihan niya ang kaibigan.

“If I were you, bro. Hindi ko na kailangan pang manligaw, dahil alam mo, ang mga babae, mahuli mo lang ang kiliti nila, ura-urada, kayo na agad. Believe me,” walang kuwentang sabi pa niya sa nakatangang si Eirhol. Akala mo naman makakatulong talaga ang sinabi niya, pero isa rin namang lokoloko. I snorted coldly, pero hindi ako nagbigay ng kumento. Dahil alam kong lalo lamang masasaktan ang kaibigan ko kung malalaman nitong wala na siyang pag-asa pa sa babaeng natitipuhan niya, dahil una pa lang... Sa akin na may gusto ang Rica niya. Tss! Hindi ko nga akalaing easy to get din pala ang babaeng 'yon. 'Pag kaharap ang kaibigan ko, parang mahinhing Maria Clara, pero kapag ako na ang kaharap, nangangamatis agad ang mukha, at animo pusang hindi mapakali sa tuwing dadaan pa lang ako. Tsk, tsk. Iba na talaga siguro kapag guwapo. I smirked.

Nagawa pang bumulong ni Blue kay Eirhol ng dapat kuno nitong gawin para mabilis niyang mapasagot ang babaeng kanyang natitipuhan. Pero para sa akin, mas mabuti pang itigil na nito ang kahibangan nito, dahil nag-aaksaya lang naman ito ng panahon at feelings sa hindi naman talaga deserving.

Napailing naman si Dustin na nakikinig lamang sa isang sulok habang abala naman ito sa binabasang libro. Ito naman ang genius nerd at Class President ng grupo. Lima kaming magtropa, at tatlo sa amin ay magkababata at magkakapitbahay pa. Ang dalawang nadagdag sa grupo ay ang dalawang kambal (fraternal twins). Kung hindi dahil sa dalawang 'to, wala sanang kabuhay-buhay ang grupo dahil pare-pareho kaming mga bato, at magmumukhang estatwa kapag pinagsama mo.

“W-What do you think, Zhill? M-May pag-asa kaya ako?” pangungulit pa nito. Pero para huminto na ito, tinitigan ko itong maigi. Napabuga ako ng hangin kapagkuwan.

“You have no chance. May iba na siyang gusto. And she doesn't deserve you. You deserve someone better, dude.” straight to the point na tugon ko sa kanya sa seryosong tuno. Tinapik ko ito sa balikat nang sandali itong matulala. Bigla ring tumahimik ang dalawang kambal na kanina pa maingay.

“Woah! Incest!”

“We're sorry, bro. That's fine, gaya nga ng sabi ni Boss Zhillian, you deserve someone better, 'di ba bro—” gatong pa ni Blue na hindi naituloy matapos ko itong samaan ng tingin nang humarap sa akin.

“Aheheheh, sabi ko nga,” tinikom din nito ang bibig nang mapansing dumilim ang anyo ni Eirhol. Tila tuluyan nang nawalan ng pag-asa. Yumuko ito at napakuyom ng kamao.

“S-Siguro nga. I'm just too ordinary, anyway...” walang ganang sabi pa nito. Lahat kami ay napatingin dito matapos iyong marinig. I felt guilty because of what I just said. Pero para tumigil na ito, kailangan niyang masaktan at tuluyang mauntog sa katotohanan. Aminado akong isa akong g*g* o player, pero concern din naman ako sa mga kaibigan ko, dahil kami-kami lang din naman ang nagdadamayan sa huli. Napabuntong hininga ako at akmang aakbayan ko ito, pero maagap itong umiwas at tumayo sa kinauupuang sofa.

“I-I'm sorry mga Bros, C-CR lang muna ako,” mabilis na itong nagtungo sa pintuan palabas ng tinaguriang hideout namin na nasa loob lang din ng Campus. Parang gusto ko pa itong itama na nasa kabilang banda ang CR, pero nang mapansin ko ang tingin ng tropa, lumunok ako at nag-iwas ng tingin, at nagkibit balikat na lamang.

When Ms. Innocent and Mr. Player CollideWhere stories live. Discover now