#2

7 1 0
                                    

CHAPTER 2: THE NEW STUDENT IS A NOUVEAU RICHE?

ZE's POV:

SA BADTRIP KO, hindi na ako dumiretso sa klase at nagtungo na lamang ng tambayan namin. Pero ang dalawang kambal ay pumasok pa rin sa pangalawang subject nila nang makitang wala ako sa mood. Ayaw lang din siguro nilang mapagbalingan ko sila ng inis ko dahil sa nangyari sa kalsada kaya hindi nila ako sinamahan. Buong buhay ko kasi, ngayon pa lamang ako nakaranas ipahiya ng isang tao, at sa babae pang mukhang Lola, na akala mo'y nag-aamok lamang ng away sa isang kanto-the h*ck! Who does she think she is? Kasalanan ko ba kung mapagkamalan ko siyang matanda dahil sa ayos niya? Kung hindi ako nito tinama sa akala ko at kung hindi nito nagawang hawiin ang makapal nitong bangs, hahayaan ko na lang sana siya dahil sa pagkapahiyang natanggap ko. Pero nagawa pa ako nitong duruin sa pagmumukha at pagsabihan na parang bata sa harap ng maraming tao, for goodness sake!

Naalala ko na naman ang mga papel na napulot ko. Muling umangat ang sulok ng aking mga labi. Kumuyom din ang isa kong kamao. Humanda talaga sa akin ang babaeng 'yon. Nalaman ko kasing transferred record ang nilalaman ng isa sa mga papel, at mukhang isang estudyante sa University namin ang babae. Pinasadahan ko lamang iyon ng tingin at basa, pero malinaw pa rin sa aking alaala ang information about that stupid and clumsy girl. Para makasiguro na authentic ang nakita ko, I hacked the School of its transcript record using my laptop. Hinanap ko ang record tungkol sa nag-ngangalang Chelsea Charry Macaraeg, at mukhang wala namang info tungkol sa babaeng 'yon, at ang tanging nakita ko lang ay ang bagong record ng isang transferred student na nagmula pa sa San Jose University ng isang malayong probinsiya.

"Oh, a public school, and now she's being transferred to a private University in an instant. How interesting!" nagawa ko pang mapaismid nang makita ang picture nito. Mukhang neat naman ang kuha nito roon at maayos ang pagkakahawi ng mahaba nitong bangs pero kulang na lang at magsuot ito ng eyeglasses, mapagkakamalan mo na talagang matanda kapag naka-side view o nakatalikod lalo na kung nakasuot pa ito ng sweater na bulaklakin, at sa liit ba naman nito sino ang hindi magkakamali? Pero hindi ko rin naiwasang mapatitig sa bilugan nitong mga mata. Animo hinihigop ka ng mga mata nitong tila nangungusap. Naipilig ko ang aking ulo at agad na nag-iwas dito ng tingin. Hindi lamang naman kasi iyon ang napansin ko. Pakiramdam ko kasi ay pamilyar ang mga matang 'yon. An onyx and sharp type of eyes. Nang maalala ko ang taong may ganoong mga mata, halos manayo ang mga balahibo ko sa batok kaya isinantabi ko na ang tungkol doon.

Impossible...

Hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako sa tambayan namin nang hindi rin namamalayan ang oras, at mukhang hindi rin napadpad ang tropa roon o naisipang mapadaan man lang. Nangunot ang noo ko at nagsalubong ang mga kilay. Nang mapatingin ako sa suot na wristwatch, pasado alas tres na pala ng hapon. Sh*t! Inabot lang naman ng mahigit limang oras ang naitulog ko. Wala sa loob na ginulo ko ang aking magulo nang buhok. Naghanap na lamang ako ng makakain sa loob ng rest house nang makaramdam ako ng gutom. Dahil sa haba ng naging tulog ko hindi tuloy ako nakapag-tanghalian. Nakahanap naman ako ng lasagna na natira kahapon sa loob ng ref at ininit ko na lang sa microwave para kainin. Kumuha na rin ako ng isang beer in can nang maalalang hindi na ako nakapasok pa maging sa panghapong subject. Gaya ng kambal, pare-pareho kaming kumukuha ng kursong Computer Engineering. Samantalang si Dustin naman ay mas pinili ang Business Management na kurso dahil sa ito rin ang magmamana ng naiwang business ng Dad nito. Mabuti na lang at ang Kuya Zelo ko ang magmamana ng Kompanya na itinayo ng namayapa na naming Ama, kaya hawak ko pa rin ang oras ko at hindi ganoon kahigpit si Mom sa 'kin na lalo ko namang ipinagpapasalamat. Samantala, ang naisipan namang kunin ni Eirhol ay Business in Agriculture dahil plano naman daw nitong umuwi sa probinsiya nila pagka-graduate para pamahalaan ang naiwang lupain ng Lolo nito. Sa desisyon nitong iyon ay wala naman na kaming nagawa pa. Once we graduated, alam kong magkakaroon na rin kami ng kanya-kanyang buhay at pinagkakaabalahan. Pero mananatili pa rin ang pagkakaibigan namin for sure. Isang taong mahigit na lang naman ang bubunuin namin sa pag-aaral at ga-graduate na rin kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Ms. Innocent and Mr. Player CollideWhere stories live. Discover now