054

52 1 0
                                    


(Phone Call)

5:39 PM

Emma:
San ka na?

Noah:
(Low voice) Condo pa. Bakit ka tumawag? (Chuckles) Ang aga pa, ah?

Emma:
Nagre-ready ka na ba? Baka abutin tayo traffic n'yan?

Noah:
(Chuckles) 'Di naman halata na excited ka, 'no? 'Wag kang mag-alala. Darating tayo don on time.(Clears throat) By the way, ayaw mo talagang sunduin na lang kita?

Emma:
(Groans) No, thanks. Ayoko nga mamatay ng maaga sa motor mo.

Noah:
Kaya ko naman bagalan.

Emma:
As if. Feeling mo hari ka ng kalsada, e.

Noah:
Wala ka talagang tiwala sa 'kin, ah.

Emma:
Ayaw mo pa ba na ihahatid-sundo kita? Ayaw mong maging passenger princess ko? (Laughs)

Noah:
Tanginang 'yan. Passenger princess amputa. (Chuckles) 'Wag ka na magdala ng kotse. Manghiram na lang ako sa tropa. Ako na bahala sa 'yo. Ihatid-sundo kita.

Emma:
Hoy, tanga, ayos lang sa 'kin magdala tsikot.

Noah:
'Wag na nga. 'Wag na makulit, Emma. Para 'di ka na hassle na dala mo pa 'yang sasakyan mo tapos 'di natin alam kung anong oras tayo makakauwi.

Emma:
Sabagay... Eh, ano... iuuwi mo na lang ako?

Noah:
Oo, hatid kita. Tapos sunduin na lang kita d'yan sa inyo. Send location ka.

Emma:
Punta na lang ako sa shop? Para 'di ka na hassle. Dun mo na ako daanan.

Noah:
(Groans) Hihirit ka pa para makita si Primo?

Emma:
Hoy, hindi a- (High pitch voice) Oo nga 'no!

Noah:
(Whispers) Puta.

Emma:
Pero ayoko kasi talaga na makita ako nina mama at kuya na aalis tapos susunduin ng lalaki. Baka mamura na naman ako. Ako na lang punta sa shop!

Noah:
'Wag na. Dun kita sunduin sa katabing kanto niyo.

Emma:
Wala kaming katabing kanto.

Noah:
Wala?

Emma:
(Laughs) De, joke, meron. Sige na nga. Epal ka sa moment ko kay Prim. Kainis 'to.

Noah:
Saka ka na makipagmoment sa kanya. Basta send loc ka na.

Emma sent a location.

Noah:
Got it. Wait mo ako ng 7 PM.

Emma:
Okay. Mas maganda na maaga tayo para makapagpicture.

Noah:
Gege.

Emma:
Gege, lods. Bye!

When He CameМесто, где живут истории. Откройте их для себя