071

44 2 0
                                    


(Phone Call)

7:38 PM

Unknown Number (Emma):
(Panics) My gosh, Noah! Buti naman sumagot ka na! Nalimutan ko purse ko dyan sa ubox ng motor mo. I just remembered it now dahil nga hinahanap ko phone ko!

Noah:
(Laughs) Chill. Kakauwi ko lang condo kaya 'di ko nasagot mga tawag mo. Nakuha ko na purse mo sa box.

Emma:
(Panics) Ano... teka... 'di ko kasi mapupuntahan ngayon sa 'yo dahil hindi na ako papayagan umalis. Kung bukas naman... edi kailangan ko magtiis na walang phone hanggang bukas? Paano kita icocontact nyan? I mean para makuha ko sa 'yo bukas? Humiram lang ako kay kuya because I said it's an emergency pero I doubt pahiramin ako non ulit bukas. Uhm...

(Long pause)

Noah:
Do you want me to bring it to you now?

Emma:
(Uneasy) Hindi ba nakakahiya sa 'yo? Kakauwi mo lang, e. (Pause) Sorry talaga. Ikaw na nga naghatid pauwi sa 'kin tapos maabala ka pa ngayon. (Murmurs) Shit! 

Noah:
I'll bring it to you now. Wala namang problema.

Emma:
Sure ba?

Noah:
Oo, h'wag ka masyadong magpanic. Ganyan ka ba kastress na walang magagamit na cellphone? You can use your laptop.

Emma:
(Sighs) Hindi naman. Nag-aalala lang ako at kinakabahan pag may naiiwan ako. (Pause) Well, I can use my laptop pero may hinihintay din akong call tonight, e.

Noah:
Hmm... from a boyfriend?

Emma:
Huh? Saan galing 'yun?

Noah:
(Low voice) Tinanong ka ni Hendrix kanina kung may boyfriend ka tapos ang sagot mo secret.

Emma:
(Soft chuckles) Eme ko lang 'yun sa kanya. Wala naman akong boyfriend. Parang tanga naman 'to. Mukha bang lalandiin ko si Prim kung may boyfriend ako.

(Silence)

Noah:
Tss... (Cold voice) Sino ba hinihintay mong tumawag?

Emma:
Basta.

Noah:
Tss... what if I tell you I can't bring it to you right now?

Emma:
(Confuse) Ha? Talaga ba? Sabi mo kanina dadalhin mo. Pero kung nagbago isip mo... (stutters)  I- uh... understand.

(Silence)

Emma:
(Heavy sigh) (Low energy) Tatawag ata tatay ko, e. Pero okay lang naman kung 'di ko masagot. 'Di rin naman siya madalas magparamdam.

(Silence)

Emma:
Hello?

Noah:
(Clears throat) (Low voice) Pwede ko naman palang... gawan ng paraan para madala dyan sa inyo.

Emma:
Ha?

Noah:
Dalhin ko dyan ngayon.

Emma:
Ha? 'Kala ko hindi madadala?

Noah:
Gawan ko nga ng paraan.

Emma:
Hindi ba hassle? Hala, nakakahiya! Huy, okay lang pala talaga kung hindi madadala. Ako na lang kukuha bukas ng umaga. I'll just message you through my laptop.

Noah:
Dadalhin ko. Huwag mo munang ibalik sa kuya mo ang phone. Mabilis lang ako.

Emma:
Wait— sure ba?

Noah:
Oo nga, kulit. Punta na ako ngayon.

Emma:
Hala, shit. Sige, sige. Thank you talaga. Ingat ka!

When He CameWhere stories live. Discover now