KABANATA 2: MAGKAPIT-BAHAY

30 3 4
                                    

ALEEZA'S POV

Habang papunta kami ni Cally sa classroom ay may iilang estudyante na tumitingin sa amin saka magbubulongan. Sa palagay ko ay dahil yun sa naging away namin ni Farrah sa bulletin board kanina saka sa pagsabi kong tatalunin ko si Asher. Mukhang malaking gulo talaga ang pinasok ko.

"Tigilan mo na yang kakabuntong-hininga mo diyan. Panindigan mo kung ano ang sinabi mo..." Napatingin naman ako kay Cally dahil sa sinabi niya. "Saka nagawa mo noon, magagawa mo din yan ngayon. Sigurado ako dun," dagdag niya pa kaya naman lalong lumakas ang loob ko.

"Thanks, Cally. Kaya natin 'to..." wika ko sa kaniya. "Ga-graduate tayo ng highschool with flying colors," dagdag ko pa. Tumawa naman siya saka kami nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom namin.

Pagdating namin sa classroom ay agad na tumahimik ang lahat. Hindi na lamang namin sila pinansin ni Cally at dumiretso na sa likurang bahagi ng classroom at doon na-upo. Maya-maya pa ay dumating na si Mrs. Castro.

"Good morning, special class!" seryosong bati niya sa amin. Agad naman kaming tumayo upang bumati.

"Good morning, Mrs. Castro," sabay-sabay naming bati sa kaniya.

Sinenyasan naman kami nito na umupo na kaya mabilis na din akong umupo. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay masyadong competitive ang atmosphere sa loob ng classroom.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, this is your last sem in your highschool life. Kaya naman enjoy it, but not waste it. If you did, possible na mawala ka sa section na ito."

Napasinghap ang lahat dahil sa sinabi ni Mrs. Castro. Ibig sabihin ba may laglagan portion sa klaseng ito?

"Malalaglag lang naman kayo sa special class if may makapasok na isa sa rank 30 na wala sa klase niyo," dagdag niya pa. Mukhang hindi pala talaga kami maaaring magpakampante lalo na sa higpit ng kompetisyon ngayon.

"Reminder lang, only the top 2 spot will receive scholarship from our President. So far since first year until now, si Asher pa rin ang rank 1," wika ni Ma'am kasunod ang masigabong palakpakan mula sa mga kaklase namin kaya nakipalakpak na lang din ako.

"But I've heard na may humahamon daw sa kaniya," dagdag ni Ma'am kaya naman napaikot ako ng mata.

"In her dreams," sigaw ni Farrah kaya naman nagsitawanan ang mga kaklase ko.

"Shut up, Ms. Top 3," sigaw ko pabalik.

"Ohhh!!!" sigaw ng mga kaklase namin. Kung akala niya magpapatalo ako sa kaniya nagkakamali siya. Maaaring noon pumayag akong apihin niya pero hindi na ngayon.

"Shut up!" sigaw niya sa mga kaklase ko saka padabog na itinuon ang atensyon niya sa harap. Oops, andito pala si Mrs. Castro.

"If there is one thing that I can advise you guys. Ayun ay competition is good, but winning together should be your goal," nakangiting wika niya sa amin. Napatango naman ako, may punto naman ang sinasabi ni Ma'am sa amin.

"All right, how about introducing yourself before anything else?" pag-iiba niya ng usapan. Heto na naman tayo sa walang kamatayang introduce yourself.

Nagsimula na mag-introduce yourself ang mga kaklase ko. Buti na lang pala na nasa likod kami ni Cally kaya huli kaming mag-iintroduce yourself. Kumuha na lamang ako ng notebook upang maggdrawing. Wala naman kasi akong interes na makinig pa sa kanila. Lalo pa, kilala ko naman na silang lahat.

"Good morning classmates..."

Napatingin ako sa harapan dahil sa boses na narinig ko. Agad namang nagtama ang mata namin.

"I am Asher Evangelista. You can call me Ash for sure. I hope to get along with all of you," pagpapakilala niya kasunod ang tilian ng mga girls.

Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa naging reaksiyon ng mga girls saka pinagpatuloy ang pagdu-drawing ko. Maya-maya pa ay siniko ako ni Cally kaya naman napatingin ako sa harapan.

CDS#7: So It's LoveWhere stories live. Discover now