KABANATA 3: Mr. and Ms. Class Monitor

33 2 0
                                    

ALEEZA'S POV

"Good morning kahit na mukhang hindi good ang morning mo," bungad na bati sa akin ni Caly pagpasok ko sa classroom namin.

Inis kong nilapag ang bag ko sa upuan ko saka umupo. "Paano ba naman kasi may nakita akong SUROT kagabi na gusto kong tirisin," asik ko saka diniin ang salitang surot ng dumaan siya.

Mukhang na-gets naman ni Caly kung sino ang tinutukoy ko, "bakit? Ano na naman bang nangyari?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Ganito kasi yun," panimula ko...

>>>FLASHBACK

"Oh Gail, masyado mo naman akong na-miss," nakangising wika niya sa akin. Talaga naman, siya talaga dapat ang bubungad sa akin?! Nakakabadtrip.

Napairap na lamang ako, "ang assumero mo din, no? Tas ang hangin pa," pang-aasar niya sa akin.

Mas lalo tuloy lumapad ang ngiti niya dahil sa reaksyon ko, "hanggang ngayon ang pikunin mo pa din," pang-aasar niya sa akin.

"Whatever!" inis kong asik sa kaniya. "Oh, pinabibigay ni mama, ibalik mo na lang yung mangkok," pahayag ko saka inabot sa kaniya ito. Pagkatapos niyang tanggapin yun ay tumalikod na ako sa kaniya ngunit napahinto ako ng magsalita siya.

"May gawa ka na ba sa Math?" tanong niya.

Hinarap ko naman siya ulit sabay sabing, "kararating ko lang. Tingin mo makakagawa agad ako?" pambabara niya sa akin.

"Hindi mo ako mahihigitan kung ganiyan ka. Paano ka magiging Top 1 kung wala ka pa ding assignment hanggang ngayon?" pang-aasar niya sa akin. Napakayabang talaga!

"Wag ka mag-alala baka magulat ka hindi lang assignment sa Math ang magawa ko. Baka magawa ko ding patalsikin ka sa pwesto mo Mr. Top 1," confident na usal ko sa kaniya.

Ngumiti naman ito ng nakakaloko sabay sabing, "Ayos lang maging number 2 sa klase, basta ako pa rin ang number 1 sa puso mo," hirit niya.

Dali-dali kong hinubad ang isa kong tsinelas at kinuha ito upang ibato sa kaniya ngunit mabilis itong pumasok sa bahay nila kaya inis na inis akong umuwi ng bahay.

>>> END OF FLASHBACK

"Pfft..."

Napairap ako sa kawalan ng magsimulang tumawa si Caly na akala mo ay walang bukas. Hindi ko na lamang siya pinansin at kinuha na lamang ang libro ko upang mag-advance reading.

Maya-maya pa ay dumating na ang aming class adviser kaya naman sabay-sabay kaming tumayo upang batiin siya. "Good morning, Mrs. Castro,"

"Take your seat," pahayag niya kasabay ang pagsenyas niya sa amin na maupo na. Agad namin iyong sinunod.

"Okay, before our class starts, magkakaroon ng meeting ang class monitors ng mga section ng senior mamayang hapon kaya naman wala na tayong oras para mag-eleksyon pa," anunyo ni Mrs. Castro. "Kaya naisip ko na ang top 1 and top 2 na lang natin ang maging class monitors natin," dagdag niya pa.

Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni Ma'am. Jusko, di ko na nga kinakaya ang katotohanan na magkaklase kami ni Asher tas ngayon lalo pa kaming pinaglalapit!

"Do you have a problem with that Mr. Evanglista?" tanong ni Ma'am kay Asher.

Saglit itong tumingin sa akin kahit na magkaiba pa kami ng row bago sinagot si Ma'am, "okay lang po. Additional EXTRACURRICULAR points naman yan pag nagkataon," sagot niya na diniin ang salitang extracurricular. Pero dahil dun ay napaisip din ako. Kung gusto ko talaga siyang matalo, dapat pantay kami sa extracurricular para sa academics na lang kami maglaban.

"Great, how about you Ms, Samonte?" tanong sa akin ni Ma'am.

"If ayaw niya, I volunteer myself po, Ma'am," bida-bidang pahayag ni Farrah.

"Thanks, but I am asking Ms. Samonte first," wika ni Ma'am kaya lihim na inirapan ni Farrah si Ma'am ngunit nahuli ko iyon.

Ngumiti naman ako sabay sabing, "yes po." Napairap muli si Farrah dahil sa sagot ko.

"Yown, mabuhay ang ating Mr. and Ms. Class monitor," sigaw ni Rex. Isa sa mga barkada ni Asher.

"Mabuhay!" sigaw ng iba ko pang mga kaklase kaya napairap na lang ako sa kawalan.

"Okay, that's settled then," wika niya saka kumuha ng white board marker at nagsimulang magsulat, "let's answer your assignment..." anunsyo niya. Agad ko namang kinuha ang notebook ko saka nakinig sa discussion ng answers.

***

Katatapos lang ng lunchbreak namin ngayon kaya naman naglalakad kami ni Cally sa hallway para bumalik sa classroom namin. Papasok na sana kami ni Cally sa loob ng harangin kami nila Farrah sa front door.

"Ano na namang problema mo?" malamig na tanong ko sa kaniya.

"You!" asik niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya, "kung ganun. Ang ganda pala ng problema mo," sagot ko saka ngumisi sa kaniya.

Napairap naman ito dahil sa sinabi ko, "bida-bida ka na nga, assumera ka pa. Alam mo hindi ko alam kung saan mo hinuhugot ang confidence mo, ambisyosa!" panlalait niya sa akin.

"Aba, sumusobra ka na, ha!" singhal ni Cally at akma na niyang susugurin si Farrah ng hawakan ko ito sa kaniyang braso. Napatingin tuloy siya sa akin.

"Hayaan mo na siya sa gusto niyang sabihin sa akin," pagpigil ko kay Cally saka tumingin sa grupo ni Farrah, "move. Papasok na kami," utos ko sa kanila.

"And who are you para makinig kami sa iyo?" tanong ng isa sa kaibigan ni Farrah.

"Baka nakakalimutan mong class monitor si Aleeza kaya lumugar ka," pagtataray naman ni Cally sa kaniya.

"So what? You are still that nobody na nagpakatrying hard para mapunta sa top," pangmamaliit sa akin ng isa pang alipores ni Farrah. Magsasalita na sana ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Rule #1 sa student handbook classroom version, respect your class monitors." Napaharap ako sa kaniya. "Should I count what you are doing as a disrespectful act to your class monitor?" tanong niya.

"A-a-Asher," nauutal na wika nung babaing nagmaliit sa akin at namumutla rin siya.

" When she said move, move!" seryosong turan ni Asher. Tila naman nahawi sila dahil sa sinabi ni Asher. Tiningnan lang ako ni Asher saka ako nilagpasan at nauna ng pumasok sa classroom namin. Mabilis naman akong hinatak ni Cally papasok sa classroom. Narinig ko pa ang pagdadabog ng grupo ni Farrah dahil sa pagpapahiya sa kanila ni Asher. Pero ang isip ko ay nakatuon sa ginawa niya. Bakit niya yun ginawa? Bakit niya ako pinagtatanggol?

ITUTULOY!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CDS#7: So It's LoveWhere stories live. Discover now