Kabanata 16

594 20 1
                                    

Kabanata 16

Macy

"What is happening here?" Mayor Silas unbelievably looked at us as he pointed at the truck with his tarpaulin.

I bit my lower lip to stop myself from laughing but I couldn't so I turned my back on him. Nakita ko rin si Uno na nagpipigil ng tawa habang nakayuko.

Siniko ako ni Archie. "Mayor Silas is looking at you. Masama na ang tingin. Hala ka. Huwag kang tatawa."

"Ignore me. I am trying not to laugh. It looks like a real century tuna advertisement plus look at his fake muscles while—" I coughed.

Honestly, I didn't know why I was laughing. Sobrang babaw na yata ng kaligayahan ko simula nang makilala ko si Mayor Silas. But I find it funny. May emosyon pa rin naman ako kahit na gusto ko na siyang sakalin.

"Who edited the tarpaulin?" I heard Mayor Silas.

I composed myself and faced him again. Kausap niya ang EA at ilang staff. I watched him. He wasn't mad and he wasn't happy, either. Hindi ko sigurado dahil wala naman siyang ibang emosyon maliban sa nakakunot ang noo niya.

"Mayor, si Ma'am Naia po," sagot ng EA na nagpipigil din ng tawa.

Hindi ko alam kung anong naisip ni Ma'am Naia pero kumuha siya ng katawan ng isang tao na may six pack abs, iyong parang bodybuilder, tapos nilagay niya ang ulo ni Mayor Silas doon na kunwari ay model siya ng century tuna tapos ang background ay mga food packs na ibibigay namin sa nasalanta.

"Seriously?" Mayor Silas sighed. "Who approved that? Hindi ko 'yan nakita." Nakapamewang na siya habang iniisa-isa ang truck na lahat ay may ganoong tarpaulin.

Until our eyes met. I widened my smile and he raised his brow as if he was asking me, what?

I just shrugged and turned the other way. Hindi naman siya galit at ramdam ko na hindi siya magagalit kasi chill lang ang buong staff niya.

"Mayor, natatawa ako. Gago." Hindi na napigilan ni Uno. "Meron din palang sticker."

"Okay lang 'yan, Mayor. For sure ay matatawa rin ang mga makakakuha ng ayuda," si Archie.

"They're right, Mayor. Saka ang gwapo n'yo kaya dyan. Look at the muscle," asar ko.

"Fine. Pagtawanan niyo na dahil ipapatanggal ko rin yan. Also, can you call Naia? Nasaan na ba ang pinsan ko—"

"I heard my name. Hi, guys. Hi, Philippines! I'm back. Kuya Silas, nakita mo ba ang katas ng paghihirap ko?" Proud na sabi niya habang naglalakad palapit kay Mayor Silas.

"Naia, pinagtitripan mo na naman ako." Kinurot niya ang magkabilang pisngi ng pinsan niya bago ito bigyan ng yakap. "It's good to see you, though. Where's your brother? Did you even tell Nic about this tarpaulin?"

"Of course not. Si Kuya Prix ang nag-approve." Humagikgik siya. "Ayos ba?"

"Tsk. Ikaw talaga. Thank you for the effort but I will have it remove. You know how I do not like putting my face in this city and in anything that we're gonna give the citizens." Nag-senyas siya na tanggalin na ang mga tarpaulin para makaalis na ang truck papunta sa mga barangay.

Halos isang linggo na walang tigil ang ulan. Isang linggo na rin siyang walang tulog at pahinga dahil nga sa pag-aalala sa mga mamamayan ng siyudad namin.

Humupa na ang ulan ngayon pero narinig ko na maraming nasirang kabahayan tapos may mga lubog na barangay kaya magi-ikot ulit siya mamaya para na rin tingnan ang evacuation center.

"What? No." Naia pouted. "Come on. Sayang ang effort ko."

Uno and the rest of the bodyguards followed Mayor Silas and Ma'am Naia. Nagbibigay ng order si Mayor Silas tapos si Naia ay namimilit na huwag tanggalin ang poster. Dumating din ang ibang pinsan ni Mayor Silas. Hindi siya nakaligtas sa pang-aasar nila. Although, he was cool about it. Binatukan lang niya si Sir Yulo dahil sa sobrang ingay.

CASA VALLE #1: Trapped by the WindWhere stories live. Discover now