CHAPTER FIVE

1.1K 51 0
                                    

Ayoko ng maulit ang nangyari noon, kaya kahit masakit para sa akin kakalimutan ko ang lahat para lang sayo.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

"Ayoko na, bakit ayaw nya akong pansinin? Pangit ba ako?" Ibinaba ko ang hawak kong libro dahil nag eemote ang kaklase kong si Hakuryu.

"Dre problema mo?" Tanong ko.

"Si Morgiana, ayaw pumayag na ligawan ko siya. Sa tingin ko gusto niya si Alibaba" napatingin pa naman ako sa dalawa pa naming kaklase na magkatabing nagkukwentuhan.

"Bakit hindi na lang si Kougyuku ang ligawan mo? Maganda din naman siya ah"

Humikbi hikbi naman ito, "Pero gusto nya si Judar. Buti pa ang Ate Hakuei ko may boyfriend na si Kuya Kouen"

"Ahm teka paano ba to? Try mo si Scheherazade" aniya ang mahinhin nilang kaklase.

"Next time na lang" at umubob na lang ito sa desk nya.Napatingin naman ako ng may bata na nagtatakbo papasok sa room namin.

"Kuya" sigaw nito at lumapit kay
Alibaba

"Oh Aladin, anung ginagawa mo dito?"

"Hinahanap ko si Titus at Kouha"

"Kapatid pala yun ni Alibaba, ang alam ko Senior na sya sa High school at matalino kahit maliit" napatingin naman ako kay Hakuryu na bumangon na pala

"Akala ko elementary lang sya" sabi ko.

Maya maya pa ay awasan na, umupo muna ako sa garden para intayin sina Yunan. Nakita ko doon si Solomon at Sheba.

Tulog yung binata habang tinititigan ito ng dalaga, pumikit si Sheba at akmang hahalkan sa pisngi si Solomon pero nagmulat ng isang mata ang binata at nakita ang gagawin ng dalaga. Pero pilyo din ito dahil hinalkan nito si Sheba sa labi na ikinagulat nito

"Ang sweet naman nila, kailan kaya ako magkakaron ng ganung relasyon?" Mahinang sabi ko sa sarili ko.

"Try mong piliin agad ako" nagulat naman ako ng may bumulong sa tenga ko na nagpakilabot sa buong katawan ko, napalingon naman ako sa kanya.

"Kuya Tsubaki! Anung ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko

"May inayos lang kami ni Azusa na transfer files ni Fuuto. Galing din kami sa Tokyo University gawa ni Iori" napatango naman ako.

Nakatanggap naman ako ng text kay Ayato.

From: Ayato Monster

Oy, umuwi ka na. May pupuntahan kaming tatlo. Bukas na lang tayo magkita. Ingat sa pag uwi.

"Ngayon lang nagtext" tumingin naman ako kay Kuya. "Pauwi na ba kayo?" Tanong ko.

"Pupunta pa kasi kami ni Azusa kay Natsume, bakit?"

"Sasabaxt na sana ako pauwi, mamaya pa kasi ang awas ni Yusuke"

"Magtaxi ka na lang, may pera ka pa ba?" Tanong nito.

"Meron pa" tumayo na ako "Mauna na ako Kuya"

"Mag ingat ka Chi" at hinalkan ako nito sa ulo. Naglakad na ako papunta sa gate, maglalakad na lang siya para makatipid.

Nag umpisa na akong maglakad ng may tumawag sa akin at nakita ko si Yamraiha. Fourth year na siya sa kaparehong kurso ko.

"Ate Yam, may kailangan ka?"

"Nakita mo ba si Sharkan?"

"Hindi eh, bakitg"

"Kinuha nya kasi yung kamera ko. Andun pa naman lahat ng assignments ko"

"Hayaan mo Ate pag nakita ko siya sasabihan kita"

"Salamat ha, sige hahanapin ko na sya" at tumakbo na sya, ang ganda talaga niya.

Napadaan naman ako sa tapat ng dorm ni Subaru na saktong nasa gate. Nakita ako nito at lumapit sa akin.

"Psyche, pauwi ka na ba?" Tumango naman ako. "Hatid na kita"

"Wag na, makakaabala pa ako sayo" sabi ko sa kanya at todo iling pa ako.

"Bakit ba pakiramdam ko, ayaw mo sa akin? May nagawa ba akong masama?" Naguilty naman agad ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba naman, nahihiya lang talaga ako. Pero ok lang na ihatid mo ako" ngumiti naman agad ito

"Akin na ang gamit mo" ibinigay ko naman agad yun dahil alam kong kukulitin lang ako nito.

"Ahm ano, Subaru kelan ka ba uuwi sa atin?" Tanong ko sa kanya.

"Pagkagraduate ko na lang siguro" Hay anu ba yan ang tahimik. "Psyche, may pag asa ba ako sayo?"

Natigilan naman ako sa tanong nito. "Hindi ko pa kasi masabi, nalilito at naguguluhan pa kasi ako. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng normal na pamilya"

"Pasensya ka na sa amin ha." Tumingin lang ito sa daanan, ayokong makita na malungkot ang isa sa pamilya ko. Hinawakan ko ang kamay nito na ikinagulat naman nito.

"Tara" anyaya ko dito at hinila.

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba uuwi kana?" Namumulang sabi nito, ngumiti lang ako dito.

"Pupunta tayo sa Five Season's Cafe" at nagpunta nga kami doon.

"Teka lang Psyche, baka isipin ng iba na nag da-date tayo"

"Wag mo na lang silang pansinin, magkapatid pa din naman tayo eh" at pumasok na kami sa cafe.

Umorder ako ng dalawang creme brulee at hot choco para sa aming dalawa.

"Teka lang, ako na ang magbabayad nun Psy---"

"Hep hep, pwede bang Chi na lang din ang itawag mo sa akin? At isa pa ako ang nagyaya sayo dito kaya dapat lang na ako ang magbayad."

"Pero kahit na, tipirin mo na lang muna yang pera mo, mas kailangan mo yan" nainitindihan ko naman ang sinabi nito.


"Oh sige ikaw ng magbayad pero dadagdagan ko ang order ko ha, gusto ko din ng black forest at rocky road"

"Hindi ka naman gutom ng lagay na yan?"

"Haha hindi naman, nilulubos ko lang ang libre" at nagtawanan na lang kaming dalawa.

Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga nakaraang pangyayari sa buhay buhay namin. Nalaman ko na madalas pa lang mag away si Subaru at Kuya Natsume na halata naman hanggang ngayon.

Diko akalain na part ng pagkatao ni Subaru na baliw din, akala ko seryosong tao lang ang isang ito. Matapos naming kumain ay inihatid na uli ako nito pauwi.

"Pumasok ka muna sa loob at dito kana mag hapunan" yakag ko sa kanya.

"Wag na, may gagawin pa din kasi ako. Alam mo naman, busy sa basketball at exams"

"Sige mag ingat ka sa pag uwi at salamat uli sa libre" ngumiti naman ako, pero nagulat ako ng halikan ako nito, mabilis lang iyon, mga limang segundo lang siguro.

"Bye Chi, salamat sa brotherly date natin" at umalis na ito. Napahawak na lang ako sa labi ko, naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko.

Agad akong nagtatakbo papunta sa kwarto ko at hinanap ang notebook ko.

September 4, 20--

Masaya ako sa brotherly date namin ni Subaru, nalaman ko ang other side nya na nagustuhan ko. Pero bakit ako namula ng halkan nya ako? Argh...

Tumingala na lang ako sa kisame at pumikit.

"PAPA maawa kana sa akin, anong dapat kong gawin?!"

To be continued...

My Brother's ConflictWhere stories live. Discover now