CHAPTER SIX

1K 51 0
                                    

Alam kong naiilang ka sa sitwasyon mo ngayon, pero hayaan mo gagawin kong madali ang lahat sayo...

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

"Ate Chi, pwede ba akong magpatulong" bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa at tiningnan si Wataru na nakaluhod sa harapan ko.

"Anung meron?" Tanong ko habang inaayos ang buhok ko.

"Si Kuya Ukyo kasi hawak na naman ang makapangyarihan nyang frying pan. Paparusahan na naman nya si Kuya Yusuke at Kuya Fuuto" natatakot na sabi nito.

"Ano bang maitutulong ko?" Tumayo na ako at naglakad papunta sa kusina, nakita ko pang nakaluhod yung dalawa sa asin, ouch.

"Pigilan mo si Kuya Ukyo sa pagpaparusa sa dalawa" naiiyak na sabi nito. Lumapit naman ako kay Kuya.

"Ano pong nangyayari dito?" Tanong ko sabay turo dun sa dalawa.

"Muntik ng masunog ang kusina dahil sa dalawang yan!" Galit na sabi ni Kuya, napakamot na lang ako sa kilay ko.

"Sinubukan ko lang namang magluto, eto kasing si Fuuto nangi alam." Panga-ngatwiran ni Yusuke

"Kung tutuusin tinulungan pa nga kita, ang bobo mo kasi. Sinabi ng 360°C ang dapat na temperature na pa be-bake at hindi 450°C. Ikaw lang ang may dahilan kung bakit muntik ng masunog ang bahay!" Depensa naman ni Fuuto sa sarili.

"Walang may tama o mali sa inyong dalawa!!! Ang sabi ko walang papasok sa teritoryo ko maliban na lang sa mga marurunong magluto!!! At kayong dalawa ay di kasama don!!!" Asik ni Kuya at hinampas pa nito sa pwetan yung dalawa nung pan kaya napangiwi na lang ako. "Magtanda na sana kayong dalawa" at bumalik na sj pagluluto ito.

Tinulungan ko namang tumayo yung dalawa.

"Next time magpatulong kayo sa akin ha" pinaupo ko na rin sila sa sofa. Kumuha naman ako ng dalawang basang towel na ipupunas ko sa tuhod nila.

"Next time hindi na ako lalapit sa bobong kagaya niya" sabi Fuuto sabay tingin ng masama kay Yusuke. Muntik ng magsuntukan ang mga ito ng pumagitna ako sa kanila at parehong sinapok.

"Magtigil na nga kayong dalawa, parang di pa kayo nadala sa ginawa ni Kuya eh" sabi ko at nilagay ang mga towel sa tuhod ng mga ito. Nanahimik na lang ang mga ito, si Wataru naman ay tinulungan na lang si Kuya Ukyo na mag luto.

Napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Tsubaki.

"Chi, pwede ba kitang mahiram saglit" sabi nito at lumapit sa akin. Niyakap naman ako ni Yusuke at Fuuto.

"At anong kailangan mo sa kanya ha?" Tanong agad ni Fuuto.

"Oo nga, san mo sya dadalhin? Wala kaming tiwala sayo!" Segunda naman ni Yusuke.

"Ano bang pinagsasabi nyo? Kelangan ko lang ng date sa party ng kaibigan/kamag anak namin ni Azusa" paliwanag nito, mas lalo namang humigpit ang yakap nung dalawa.

"Mas lalong hindi ako papayag" sabay na sabi nung dalawa. Nakatanggap na naman ang mga ito ng suntok sa ulo mula kay Kuya Tsubaki.

"Hindi kayo si Chi para magdesisyon" at hinila na ako nito patayo. "Kuya Ukyo, isasama ko muna sandali ang prinsesa natin, bye" sigaw nito at hinila na ako palabas ng bahay at sumakay sa kotse.

"Teka saan ba tayo pupunta Kuya?" Papunta kasi kami sa town.

"Party nga ng kaibigan namin, hindi kasi makakadalo si Azusa dahil sa busy sya sa kompanya eh hindi naman ako sanay na ako lang ang pupunta kaya isinama kita"

"Teka Kuya naka pang bahay lang ako eh" tumawa lang ito.

"Dun kana magpalit may damit naman dun" at pinaharurot pa nito ang sasakyan ng sobrang bilis.

Nang makarating kami sa 'party' ng kaibigan nito ay agad akong hinila nito at binigay sa akin ang pink na dress.

"Ayan ang isuot mo" at itinulak na ako nito papasok ng banyo. Nagbihis na ako ng ibinigay nito at lumabas na ako.

May nakabangga naman ako ng papunta na ako kay Kuya. Pagtingin ko ay nakita ko si Kuya Shuu, na pinsan mga Asahina at kapatid ni Ayato.

"Kuya, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Party to ng kamag anak namin, pinilit lang ako ni mama na pumunta." Tapos humikab pa ito, matagal na din mula ng makita ko sila, nung mass para kaya Papa at Mama ang huli naming pagkikita.

"Mukhang inaantok ka na naman ah, gusto mong magkape?" Tanong ko dito, kasi si Kuya Shuu mahilig matulog. Ang dahilan nito ay nag co-conserve ito ng energy.

"No need, baka hindi ako makatulog mamaya pag nagkape ako. Atsaka mabilis lang ako dito" at humikab uli ito. "Sino nga pa lang nag dala sayo dito?" Tanong pa nito.




"Si---"

"Hey Chi, andyan ka lang pala." Sabay dating ni Kuya Tsubaki at umakbay pa sa akin. "Hi Shuu, it's nice to see you here. I know this is not your cup of tea, but you actually came here" mapang asar na sabi nito at nagtitigan pa ang mga ito.

"Wala akong panahon para patulan ang pagiging isip bata mo Tsubaki. At isa pa ayokong sayangin ang lakas ko sa katulad mo." At tumingin naman ito sa akin, nagulat naman ako ng lumapit ito sa akin at hinalkan ako sa pisngi. "Bye Chi, i hope we see each other again" at iniwan na kami nito. Napatingin naman ako kay Kuya Tsubaki na halatang nainis sa ginawa ni Kuya Shuu.

Bigla na lang itong naglakad paalis at iniwan ako. "Kuya! Teka lang!" At hinabol ko pa ito, pero hindi ako nito pinansin at naglakad pa din ng mabilis. Aba sobra na sya, isasama nya ako dito tapos ganan lang siya?

"Kuya ano ba---araaaay" at natapilok naman ako, patay at dun pa sa napilayan kong paa dati. Nakita ko na tumigil ito at lumapit sa akin.

"I'm sorry Chi" akmang bubuhatin ako nito ng tampalin ko ang kamay nito. Pinilit kong tumayo at sumandal muna ako sa pinto.

"Ano bang problema mo?! Kanina ang saya saya mo, tapos bigla kang mag wo-walk out na parang babae na dinatnan ng period!!! Tell me, ganan ba talaga kayong magkakapatid?!" Nagwala na talaga ako, buti na lang at nasa dulong parte kami ng bahay na walang tao. Napahawak ito sa ulo na halatang frustrate na.

"Nagselos lang naman ako kay Shuu! At talagang sa harap ko pa nya hinalkan, nakakagago lang!" Natigilan naman ako, wala na talagang pagbabago.

"Magkaibigan lang kami ni Kuya Shuu at ngayon lang uli kami nagkita after ng mass kina Papa. Tama nga sya eh, masyado kang isip bata, mas mature pa nga sayo si Wataru eh"

"Ganun na ba ang tingin mo sa akin? Hindi mo man lang kinonsider ang feelings ko?"

"Sige naappreciate ko ang feeling mo, oh anung gusto mong gawin ko para bumalik yang katinuan mo?"

"Eto" at hinalkan ako nito sa labi at isandal sa pinto. Pumikit na lang ako at hinayaan itong gawin ang gusto nito.

Pero sana naman matauhan na ito na hindi lahat ng bagay ay iiko sa kanya.


_______

September 18, 20--

Nakakatuwa na nakakainis. Nakita ko si Kuya Shuu at nagselos ng bongga si Kuya Tsubaki, sana naman magmature na sya jusmio.


To be continued...

My Brother's ConflictWhere stories live. Discover now