Chapter 10

277 7 0
                                    

CHAPTER 10: RUN

Daevin's POV


"Hesus. Maria. Jose. Maawa ka po saming apat."

Narinig kong sambit ni Vince habang tumatakbo kami palabas nitong warehouse. Juskopo hindi ko akalain na aabot kami sa ganito.


"Hindi kayo makakalabas nang buhay!!!!"



Hinahabol pa rin kame ng matanda habang may hawak-hawak na patalim. Shit!!! Gusto ko pang mabuhay Lord!!!

I can't believe that we're running for our lives!!!


"Fuck!" Biglang natalisod si Vince at napaupo sa sahig habang naka-kapit sa isa nitong paa.


"Arrgghh." Napapikit ito sa sobrang sakit.


"Shit!" Agad na lumapit si Topher para alalayan ang kaibigan.


Tumulong na din ako para mas mapabalis kaming makaalis dito sa warehouse.


"Hak hak hak hak. Katapusan niyo na mga bata." Malapit na kaming maabutan ng matanda. Ramdam na ramdam ko ang ang bawat pintig ng puso ko sa sobrang kaba ko ngayon.


"Damn it! Bilisan niyo!" Pangunguna ni Gerdy dahil siya itong walang inaalalayan.


Mas nilakihan pa namin ang hakbang palabas para mas mapabilis kaming makaalis.


"Go go go go, bilis!" Sambit ni Gerdy habang pumapasok kami ng kotse niya.


Nang makapasok kaming lahat ay agad niya itong pinaandar at tuluyan na nga kaming nakalayo sa warehouse na 'yon.


Hingal na hingal kaming lahat dahil sa takot at sa pagod. Walang nagsalita sa aming apat dahil halos lahat kami ay nawindang sa mga kaganapan kanina.


Ano ba naman 'to? Halos ikamatay na naming lahat 'tong paghahanap ng lunas sa sumpa na meron ako.


Kung namatay lang kami ay walang ibang dapat sisihin kundi ako. Ako naman kasi ang dahilan kung bakit namin 'to ginagawa.


"Damn! That was fun! Hahahaha."


Biglang nagsalita si Vince na tila tuwang-tuwa pa sa nangyari. Napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay.


"Imagine, running for your life with your bestfriends. That's goals!" He added.


Napairap ako sa sinabi niya. Anong goals don? Mamatay together, squad goals?


"Tuwang-tuwa ka pa. Sana iniwan ka na lang namin. Nakapa-lampa mo kase." Pang-aasar ni Topher.


"Well???" Vince shrugged. "Sad to say but sorry, I'm your bestfriend. No choice kayo kundi tulungan ako."


Napabuntong-hininga kami dahil sa sinabi niya.


"Hindi kumpleto ang Wonder Boys kapag wala ako."


Hindi namin pinansin ang sinabi niya. Bahala siya diyan. Haha!


Tiningnan ko na lang ang phone ko para icheck kung saan ang next destination namin.


"Pasig, right?" Gerdy asked.


"Yup." I answered while looking outside the car. "Hindi na creepy 'yung next na pupuntahan naten. Mukhang normal na clinic siya."


Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon