Chapter 11

260 6 0
                                    

CHAPTER 11: WHERE?

Daevin's POV


"Kapag ininom mo na ang likido na yan ay wala nang mangyayaring kakaiba sa'yo tuwing alas-tres ng umaga."


Nanginginig kong kinuha ang glass container na binibigay sa akin ni lola.


Pinagmasdan ko mabuti ang likido sa loob ng glass container. Mukha lang itong champagne.


Sa wakas, ito na ang gamot na matagal ko nang hinihintay.


"Ito pa isa, hijo." May inabot ulit sa akin si lola na kaparehas nung una. "Ibigay mo ito sa kaibigan mo. Dapat ay inumin niya rin 'yan para mas tumalab ang gamot."


I see. Dalawa kami ni Glance na dapat uminom ng likido na 'to.


"Ingatan mo yan, hijo. Hindi ko na ulit magagawa ang lunas na yan kahit kailan kaya dapat inumin niyo na agad." Paalala sa amin ni lola.


Tumango ako sa sinabi niya kaya ingat na ingat kong nilagay ang glass container sa bag ko.


Lumabas na kami ng silid nang pawis na pawis. Gabi na pala. Napatagal din pala ang pag-stay namin doon sa loob.


Pinakain pa kami ni lola ng hapunan bago tuluyang makaalis ng kayang bahay. Sinabi ko kay Gerdy na doon na'ko ihatid sa bahay ni Glance dahil doon din naman ako pupunta.


May dala naman akong bag na may lamang damit at mga libro na gagamitin namin mamaya sa pagrereview.


"Oh ayan. Solve na problema mo pre." Sambit ni Gerdy habang nagda-drive.


"Di ka sure." Pang-aasar ni Vince.


"Legit naman siguro 'to?" Pag-aalala ko. Baka kase hindi naman talaga gamot 'tong ginawa ni lola.


Hindi naman sa nagdududa ako pero nakakatakot din kase. Malay natin gayuma pala 'to. Tapos kapag inimom namin ni Glance, ma-inlove siya sakin.


"Di ko sure. Hehe." Naiilang na sagot ni Topher kaya napataas ang isa kong kilay.


"I mean, ngayon lang din ako nakapasok sa silid ni lola. Ang alam ko lang ay naggagawa siya ng lunas sa mga hindi pang karaniwang sakit. Pero buong buhay ko ay hindi ko naranasang magpagamot sa kanya." Pagpapaliwanag niya.


"I see." I slowly nodded at him.


Nagdadalawang isip tuloy ako kung iinumin ko ba talaga 'to o hindi. Parang kailan lang ay gustung-gusto ko nang makahanap ng lunas sa sumpa na 'to, pero ngayon na nasa kamay ko na ang gamot, hindi ko maiwasang matakot at kabahan.


Masama ang pakiramdam ko dito sa likido na ito.


"See you on Monday guys. Thank you for today." Nag-fist bump muna ako sa kanila bago tuluyang makababa ng kotse.


"Pre, salamat nang sobra." Pahabol ko kay Gerdy nang makababa na'ko. "Babawi talaga ako sa'yo."


"Okay, sabi mo yan ha!" Nakangiting sambit nito.


"Oyy, baka kailangan niyo ng extra condoms at lube. Meron ako dit-"


Tinakpan ni Topher yung bibig na Vince dahil baka kung ano pa ang masabi niya dito sa tapat ng bahay ni Glance.


"Gago! Sana magkamuta ka sa ilong." Pang-aasar ko.


"Sige na alis na kami. Ingat bro." Pagpapa-alam naman ni Topher.


Pinaandar na ni Gerdy yung kotse niya at sakto naman na lumabas ni Glance sa gate kung saan ako nag-aabang.


Buti hindi niya narinig 'yung sinabi ni Vince. Napakapasmado talaga ng bibig ng batang 'yon.


"Kumain ka na?" Seryosong tanong ni Glance. Wow yun agad ang bungad niya sakin.


"Oo." Daretso kong sagot. Ipagluluto ba niya ako kapag sinabi kong hindi?


"Buti naman." Napairap ako sa sinabi niya. Akala ko naman pinaghanda niya ako ng dinner or what.


Pumasok na kami sa loob ng bahay niya para simulan na ang pag-rereview. Pero bago 'yon ay nag-shower muna ako para maalis lahat ng usok at dumi na nasa katawan ko.


Paglabas ko ng shower room ay nakita ko si Glance na nagsisimula nang magbasa ng mga libro sa study table niya.


Seryoso itong nagbabasa habang nakasandal sa bangko niya at kapit ang libro gamit lang ang  isang kamay.


Hindi ako makahanap ng tamang tsempo kung kailan ko sasabihin kay Glance 'yung about sa lunas na ginawa para sa amin ni lola.


At the back of my mind, parang ayaw ko din munang ipaalam sa kanya na meron na kaming lunas. Kase nga diba, I still need to know his biggest secret, as per Leo. And I still need to beat him. Pwede ko naman gawin 'yon kahit wala na yung sumpa pero mas mapapalapit ako sa kanya nang tuluyan kapag hindi ko ininom ang likido na 'yon.



Ugh. Hindi ko na alam ang gagawin ko.


Kinuha ko muna 'yung bag ko para ilagay doon ang marurumi kong damit. Kukunin ko na sana ang mga libro na dinala ko dito pero napansin ko na nasa study table na ni Glance ang mga 'yon.


Kinuha ko na din lahat ng kailangan ko sa pagrereview like notebook, ballpen, at bond paper.


Chineck ko din kung nandito ba ang phone ko, charger ko at powerbank ko at buti na lang ay nandito pa sila.


Last kong chineck ay yung glass container. Napakunot ang noo ko habang chinecheck ang bawat sulok ng bag ko.


"Teka..." Mahina kong sambit habang iniisa-isa ang lahat ng bulsa ng bag ko.


"Dito ko lang nilagay 'yon eh." Medyo kinakabahan na'ko.


Banali-baliktad ko na ang bag ko pero wala pa rin akong nakikitang glass container. Halos ikalat ko na dito sa sahig lahat ng gamit ko pero hindi ko pa rin ito makita.


"Shit."


NASAAN NA YUNG GLASS CONTAINER?

Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon