CHAPTER 13

10 3 0
                                    

Chapter 13

I feel like I am worn out for the whole intrams week. Ni hindi na nga ako makapunta minsan sa school sa tambak na pinapagawa sakin ni Dad. After that conference meeting, he assigned me to be in charge of the whole company, for the whole month na nasa ibang bansa siya para asikasuhin ang branch ng company namin doon.

I'm thankful na walang klase that whole week but I'm fucking too young to handle the company. I don't have much sleep, I don't eat on time, all I do is to attend meetings, review proposals, check the paperworks and so many business things I'm so tired of.

I remember the time na unang beses kong umattend ng marketing meeting ng wala si Dad. Buti napigilan ko ang sarili ko, kung hindi, sesante silang lahat.

Ito yung mga panahon na sana ipinanganak nalang ako sa normal na pamilya. Hindi mayaman, hindi mahirap, pero yung walang masyadong iniintindi sa buhay kundi yung makakain ng tatlong beses sa isang araw, ang makapagtapos ng pag-aaral. Not handling a freaking large company at the age of seventeen.

Hindi ako tanga para hindi mapredict ang pinaplano ni Dad. As soon as I turn eighteen, everything I see in this building, will be mine.

"Miss Allyna, ready na po ang meeting room for the financial report for this month." palihim akong napabuga ng marahas na hininga dahil sa torture na nararanasan ko.

Can't this life get any worse?!

Pabagsak kong ibinaba ang sariling katawan sa malambot kong kama matapos ang panibagong torture day.

Pagod na pagod ako to the point na parang ayoko nang bumangon. I didn't even changed my clothes. Hinubad ko lang ang coat na suot ko at itinapon sa kung saan, bago sipain ang paa ko para mahubad ang suot kong heels.

Ininda ko ang gutom na nararamdaman ko dahil sa pagod. Yung antok ko, parang hinihila na ako dahil nararamdaman kong kahit na nakahiga na ako ay parang bumabagsak pa rin ang katawan ko.

Yung pangarap ko, maging pulis, hindi maging business woman.

Talagang dito ako mapapasabi na hindi ako papalarin sa criminology. 17 pa nga lang ako pinagb-business na eh.

Malapit na sana akong lamunin ng tulog kaso narinig kong bumukas ang pinto at may pumasok, it's probably Manang.

"Allyna, anak. May mga bisita ka."

"Who?" antok na sagot ko habang nakadapa at nakapikit pa rin.

"Mga kaibigan mo. Pinapasok ko na. Papuntahin ko nalang dito sa kwarto mo." tumango nalang ako ng slight sa sinabi niya at hindi na sumagot. "Dadalhan ko nalang kayo ng hapunan dito sa kwarto mo. Kumain ka kasama nila palagi ka nalang nagpapalipas." Ikinumpas ko nalang ng mahina ang kamay ko para sabihing okay lang bago ako nakarinig ng pagsara ng pinto.

Kahit na inaantok na ay pinilit kong hilahin ang kumot para matakpan ang hita ko na probably nakita ni Manang kanina pero dinisregard nalang dahil sanay naman na siya. Nung hindi ko na kinaya ang antok ay hinayaan ko nalang na hita lang ang matakpan ng kumot, atleast hindi na kita kung ano man ang pwedeng nakita doon.

Magpapalamon na ulit sana ako sa antok nang marinig kong magbukas na ulit ang pinto ng kwarto ko. For sure that's just my friends trying to check me out. I'm sure maiintindihan din naman nila kahit na hindi ko na sila i-entertain dahil pagod na talaga ako.

Shattered Heart's Rigor (DGS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon