CHAPTER 16

14 3 0
                                    

Chapter 16

"Pakisabi nga ulit kung bakit kayo nandito ngayon sa bahay namin?" tanong ko sa mga epal na nagkakalat ngayon sa kwarto ko.

Nag-eempake na ako ng gamit ko na dadalhin para sa camping namin bukas at yung mga kaibigan ko, heto mag-sleepover daw sila para sabay sabay na daw kami na magpunta sa school bukas. Dala na rin nila ang mga gamit nila, tig-iisang maleta at may backpack pa.

"Don't be so grumpy. Sampid na kami sa family mo. Basically, anak na rin naman na kami ni papa." sagot sakin ni Shaun habang prenteng nakahiga sa kama ko. Ang kapal ng apog na makisampid sa pamilya ko, tinawag pang papa ang tatay ko.

"Kapal niyo. Huwag kayong magkalat, kayo papalinisin ko dyan."

"Guys!! May chika pala ako!" nagsilingunan lahat kay Estella nang bigla itong sumigaw. Lahat kami— pati na rin ako — ay napatigil sa ginagawa dahil sa sigaw na iyon. Syempre sino ba naman ang aayaw sa tsismis, di ba?

"Ano? Ano? Dali, spill!" excited na sambit ni Shaundice at napabangon pa sa pagkakahiga. Lahat na sila ngayon ay nakaupo sa kama ko habang magkakaharap. Napabuga nalang ako ng marahas na hininga at ipinagpatuloy nalang ang pag-aayos ng gamit ko.

"Kagabi, nagkaroon kami ng family dinner. Syempre, nandoon si babyloves nitong minamahal nating si Allyna Cortez." napataas ang kilay ko sa kanila nang banggitin nila ang pangalan ko. Ako na naman ang headline ng tsismis for today.

"Anong nangyari?" intrigang tanong ni Laureen.

"Syempre, bestfriend ko iyan kaya nung una nanahimik muna ako. Then there, tinanong ni Auntie Dawn kung kamusta na daw si Lorenzo tapos ang pinakamahaba ang hair na disney princess natin na si Ally."

Napapataas nalang ako ng kilay kapag nababanggit ang pangalan ko sa bawat tsismis na lumalabas sa bibig ni Estella.

"Hala! Talaga?!" parang sinilaban na uod na impit na tili ni Laureen.

"Ang corny nung pinsan ko, imagine sinabi niyang 'As of now, waiting pa po ako sa progress samin. Though, I know I won't let her slip off my hold.' " medyo natawa pa ako nang ginaya niya ng konti ang malagong na boses ng pinsan niya at ang usual na facial expression nito.

"Huyy!"

"Yuckk!"

"Omg!"

Iba ibang reaksyon ang narinig ko mula sa kanila kaya mahina akong natatawa sa kanila habang nakatalikod. Enjoy na enjoy silang pag-usapan iyong kasama lang nila sa iisang kwarto. Iba nga naman mang-backstab ang mga kaibigan ko.

"Tapos, tapos, sabi pa ni Uncle Renz, 'Kailan mo naman siya balak ipakilala samin?' then sabi naman ni Lorenzo, 'Saka na po siguro, Pa. Kapag sinagot na niya ako.' "

"Sweet naman pala ang pareng Russo niyo."

"Hoy! Allyna!" sigaw sakin ni Celestine kaya salubong na kilay akong humarap sa kanila matapos isara ang maleta ko.

"Maka Allyna ka ah? Sino mas matanda satin, ah?" masama ang tingin kong sabat sa kanya bago lumapit sa kanila sa kama at nahiga.

"Ikaw, gurang ka na, eh."

"Tumahimik ka." niyakap ko muna ang teddy bear na nasa tabi ko bago sila tiningnan isa isa. "Tapos na kayo pagtsismisan ako?"

"Asa ka. Anyways, may tanong kami sayo."

"Spill."

"Nafall ka na 'no?" nagsalubong ang kilay ko sa tanong sakin ni Celestine.

"Bakit naman ako maf-fall? Lorenzo was just a crush. Was! Kaya bakit naman ako maf-fall?" I answered emphasizing the word was.

Shattered Heart's Rigor (DGS1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang