CHAPTER 22

1.1K 47 16
                                    

Hindi ko na sana iindahin yun at aakmang uupo na sana ako nang bigla siyang lumingon sakin at nakita ko ang mukha niyang may mga maliliit na sunog sa pesnge. Natatawa siyang tinitigan ako habang may mga dugo ang nag silabasan sa bibig niya.

Dahil dun ay agad akong napaatras at dali dali kong hinimas ang mga mata ko tsaka ako tumingin ulit sa kanya pero nang tumingin ako ay bigla nalang siyang nawala.

Di ko alam kung namalik mata lang ba ako o pagod lang, babalik sana ako sa upuan ko pero napansin kong nakarating na kami sa bahay namin kaya nang huminto na ang bus ay agad na kaming bumaba.

Sinalubong kami ni mama at dito ko nakita ang dalawa pang tao.

Sa nakita ko kanina sa bus ay hindi na ako nagtataka kung bakit bumalik ang dalawang paranormal expert na yan sa bahay namin.

Agad kaming pumasok sa loob, sila marisa at kael ay dumiretso na sa kwarto nila para magbihis ng pambahay.

Pero syempre ako rin, magkasabay lang kaming tatlong umakyat sa taas.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad kong nilock ang pinto tsaka ako humiga, iniisip ko yung nangyare kanina.

Yung mukha ng bata ay para siyang walang kaalam alam na pat4y na siya.

Habang nag iisip ako ay biglang bumukas yung aparador ko at lumabas si kael na natatawa.

Agad akong napaupo at nagtaka.

"Kael?... Diba nasa kwarto ka ni ate?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at tumawa, hindi niya ako sinagot.

"Ang wierd mo!" Sabi ko at dito nga ay binuksan niya ang pintuan ng kwarto ko tsaka siya umabas.

Sinundan ko siya hanggang sa pintuan at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa kwarto nila.

At dahil dun ay hindi ko nalang siya ininda at aakmang babalik na sana ako sa kama nang biglang sumigaw si ate marisa.

"Andrea!!.. Bumaba kana jan!! Kakain na tayo!!." Sigaw niya.

Dahil dun ay agad nanaman akong nagtaka, kakarating lang namin sa 2nd floor tapos nasa ibaba na siya agad?

Tiningnan ko ang oras at alas 5:14pm palang, hindi pa nga nakauwi si papa sa ganyang oras.

At dahil kakain na kami ay umalis nalang ako sa kwarto at nagpunta sa hagdan para sana bababa pero pag dating ko sa hagdan ay nakita ko si kael na papaakyat palang.

"K-kael!?" Bigla kong sabi.

Agad naman siyang tumingin sakin na nagugulat.

"Bakit?" Kunti niyang sabi.

"Diba kakapasok mo lang sa kwarto ninyo ni ate marisa?" Tanong ko.

Agad naman siyang natawa at sumagot.

"Gutom kana, kumain kanalang dun ate. Parang nasisiraan ka yata ng utak." Sabi niya at umakyat sa hagdan tsaka pumunta sa kwarto nila.

Nawe-weirduhan na talaga ako sa mga nangyayare, kaya hindi ko nalang pinansin yun at agad na akong bumaba.

Pagkababa ko ay pumunta ako sa kusina para sumali sa hapagkainan nila pero nagulat nalang ako nang wala manlang niisang nakahanda sa lamesa.

Dahil dun ay agad akong nagpunta sa sala at tiningnan ko sana sila marisa pero pag dating ko dun ay ang nakikita ko lang ay sila mama at dalawang paranormal expert.

Nakapagtataka talaga, kaya nilapitan ko sila mama at nag tanong.

"Ma? Akala ko ba kakain na tayo?" Tanong ko.

Agad namang nagtaka si mama at sumagot.

"Ha? 5:17pm palang Andrea, nagugutom kaba?" Tanong niya.

"Hindi ma, sa pag kakaalala ko ay tinawag ako ni ate marisa para kumain kaya bumaba ako." Sabi ko.

Nang marinig ng dalawang paranormal expert ang sinabi ko ay agad sila nagulat.

"Nasaan ba ang ate mo?" Tanong ng lalaki sakin.

"Nandito sa baba malamang, dito ko narinig ang boses niya eh.." sagot ko.

Nagtinginan naman ang dalawang paranormal expert, parang may alam sila sa mga nangyayare.

"Diba andrea magkasabay naman kayong tatlo nagpunta sa itaas?" Tanong ni mama.

Tumango ako at sumagot.

"Kaya nga ma ehh, nag tataka nga ako kung bakit nasa ibaba galing yung boses ni ate e'kakarating lang namin sa taas." Sagot ko.

Dahil dun ay parang naintindihan na nilang tatlo ang nangyari.

Aakmang magsasalita sana si mama nang biglang sumigaw si kael.

"MAMAAA!!!.. SI ATEE!!... NANGANGAGAAATT!!.." sigaw niya.

Nang marinig namin yun ay dali dali kaming tumakbo papuntang itaas at aakmang papasok sana sa kwarto nang biglang nag sara yung pintuan.

"AAAHHHH!!... TULOONNGGG!!!..." sigaw pa ni kael.

"AAAHHH!!!.. HUHUHU!!!.. MAMAA!!..." Dagdag pa niya.

Agad na sinira ng lalaking paranormal expert ang doorknob at nagtagal pa ito ng 40 to 55 seconds bago niya nasira at umabot pa ng 1minute bago tuluyang nabuksan at dali dali kaming pumasok.

Pag pasok namin ay nadatnan namin si ate marisa na kinagat ang leeg ni kael.

"AAAHHHH!!.. HUHUHU!!.." Pag iiyak pa ni kael.

Agad namang lumapit yung lalaki at dito nga ay pilit niyang kinuha si ate marisa na nawawala na sa pag iisip.

Habang kinuha ng lalake si ate palayo kay kael ay medyo nahihirapan siya dahil sobrang lakas ni ate.

Umabot pa ng 20seconds bago nailayo ng lalaki si ate kay kael at nang mailayo na ay agad na kumilos si ate at bigla niyang kinagat sa teynga ang lalaki.

"AAHHH!!.." sigaw niya at pilit na pinigilan si ate at kinuha.

Nang makuha na niya ay dali dali niyang kinuha ang sleeveless ni ate sa kama at pinakain, nang makain na ay dito na niya napigilan.

Napaka aggressive ni ate marisa, agad pang kumuha ng sleeveless yung lalaki at tinalian niya ang dalawang kamay tsaka pinahiga niya sa kama at kinumutan ng kumot para hindi makagalaw.

Pagkatapos nun ay agad naming tiningnan ang kagat ni ate sa leeg ni kael at napakalaki ng iniwan niyang marka.

Agad na nag punta si mama sa kwarto niya para kumuha ng alcohol at bumalik, binuhusan niya agad agad ang sugat ni kael sa leeg.

Sigaw ng sigaw si kael sa sakit pero hindi nagpapigil si mama at nang malinisan na niya ang sugat ay agad siyang kumuha ng damit sa kabinet at dinikit sa leeg ni kael.

Pagkatapos nun ay kinuha nung babae ang alcohol at nilinisan niya ang sugat ng kasama niya sa teynga.

Napaupo kaming lahat sa nakita, kahit ako ay hindi makakapaniwala sa ginawa ni ate.

Natapos ang pangyayareng yun na may dalawang tao na nakagat si ate.

Di ko alam kung sinapian ba sya o nasiraan lang ng bait.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILWhere stories live. Discover now