Una

31 5 0
                                    

"Oh 'kay sarap, sa ilalim ng puting ilaw! Sa dilaw na buwan"


Napairap nalang ako sa isa sa mga napaka corny na mash up ni Ester.


"Hahaha! Ina ka, Ster! Pauso mo na naman" tawa ni Hope sakanya

"Bakit? Pwede naman ah! Magandang composition yon, Hopya!"


"Puro kayo kalokohan, wala tayong matatapos nito" suway sakanila ni Philip


Omyghhhaaadd! Kaya love na love ko yan, nakapamabuting magaaral hihi!



"Mag lalaro pa ko! Diba, Hush may laro tayo ng 6pm? Laki pa naman ng pusta nila"


Joke lang pala yung mabuting magaaral hehe


"Shit, pare! Buti naalala mo. We need to finish this agad."


"Okay, if that's the case. Mag start na kayo mag compose ng mga linya na gusto nyo mapasama sa kanta natin." sumeryoso si Hope at nagsimula na maging propesyonal


Lahat ay kumilos ayon sa sinabe nya.


Ako? Nakatitig sakanya.



Iba talaga kapag usapang trabaho. Nakikita mo yung passion nya.



"Hoy sis! Gumawa kana. Baka magalit na naman sayo yan si Hopya" puna sakin ng bestfriend ko, si Irish


Tumango ako sakanya at nagsimula ng magisip ng lyrics.


Last year na namin sa course na Bachelor of Music in Music Performance sa University of San Agustin.


Opo, mga future artist kami ng Pilipinas.


And andito kami ngayon sa bahay nila Irish para gumawa ng performance task.


"Christian! Tapos kana ba? Puro ka nalang cellphone ah" saway ni Hope


"Yup, kanina pa. Ito oh." abot ni Chris sakanya ng papel


Tinignan ko kung paano basahin ni Hope ang inabot na papel ni Chris sakanya. Nagulat ako ng lumingon saakin si Hope.



Patay na naman ako nito huhu



"Hoy, Masha! Bakit ka nakatingin? Crush mo ba ko ha!?" sigaw nya



Napalaki ang mata ko sa sinabe nya.



Napaka kapal ng mukha!!



"As if! Tinitignan ko lang nunal mo, baka kasi nawala na" irap ko sakanya

Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon