"Dre, hindi kayo magkatugma ni Chris. Pag aralan nyo nga yang verse"
Napasiring ako ng marinig ko ang utos nya.
Bossy na naman po sya.
Nagpunas ako ng pawis at umupo na sa sahig para mag pahinga. Pinatay ko ang music sa cellphone ko at tinanggal ang pods ko sa tenga at nilagay ito sa bag. Uminom ako ng tubig at nag check muna ng socmed.
So, nandito ulit kami kila Irish. 2 days after nung kahihiyan ko, natuloy din ang practice nila. At ang bwisit na bwisit ngayong namumuna ay walang iba kundi si Hope. Pag katapos nya kumain sa bahay, hindi din sya nagtagal. Umuwi din sya.
Napaka kapal ng mukha. Eat and run si bakla.
Ayon nga, nandito nga kami kase nagrarandom practice lang sila. Ako naman may balak araling sayaw. E may salamin na naman din itong studio nila. Kaya pumunta narin ako.
Syempre, para makita narin si Philip.
Pasimple akong sumulyap kay Philip na ngayon ay nakasimangot na dahil kanina pa sila paulit ulit ng isang verse. Bumuntong hininga muna ako, kumukuha ng lakas ng loob, bago kumuha ng isang bottled water sa mini ref nila dito. Pumunta ako sa pwesto nya ng hindi nagpapahalata sa karamihan.
Mahirap maging center of attention. Mainit pa naman ulo ni Hope.
Nang tahimik ako makalapit kay Philip ay kinulbit ko sya para mapansin nya ko. Nakabusangot kasi syang pinag lalaruan yung volume ng piano nya.
"Hey"
Shet! Hey palang yon, nanlambot na ko!
"Water?" abot ko sakanya
"Thanks" ngiti nya
Hindi ako umalis sa tabi nya at pinanood ko pa syang buksan at inumin ang tubig na binigay ko sakanya.
"Uhm, Philip--"
"Anong ginagawa mo dyan, Masha?"
Pukingina! Lakas naman ng timing mo Hope!
"Ha? Wala naman, nagpapaturo lang ako kay Philip paano mag piano hehe" utal utal ko pang sagot
Nakakahiya! Lagi nalang! Kapag sinusubukan kong mapalapit kay Philip. Is this a sign? Buti nalang tanga ako.
"Anong nagpapaturo? Kita mong nagppractice kami diba? You're distracting him!" dagdag pa ni Hope
"Hey, dude! Chill. Kayo ang distracted. Hindi ako. Wag nyo ko idamay. Ayusin nyo yang pagkakamali nyo. Naiinip na ko" malamig na sagot ni Philip
Pinag tanggol ako!
Nakanganga kong nakita si Irish palabas ng studio na may dalang plates.
Hindi mo kaya yon! Hahaha!
BINABASA MO ANG
Melodies of Unconditional Love
FanfictionPag-ibig sa Musika? Musikang may pag-ibig? Pag-ibig at Musika? Musika ng pag-ibig.