tuwing ikaw ay sinasalanta
ng mga mababagsik na bagyo—
gawin mo akong bubong,
gawin mo akong tahanan mo,
ako ang po-protekta sayo.tuwing ikaw ay naiinitan
sa labas at sa loob ng katahimikan--
ako'y iyong magiging tahanan
kahit na ito'y panandalian.batuhin mo man ng batong nag-aapoy
ng mga sako-sakong galit at pagpupunyagi
alam kong hindi ka magwawagi:
ako'y matibay, makulay,
at hindi mamamatay-mataysumabay ka lang sa takbo ng aking mga paa
at tayo'y sasayaw sa musika
at bubuhayin ang iba't-ibang kulay ng bahaghari
at sa mga sulok ng dingding ko ito itatali.gawin mo lang akong ilaw sa iyong bahay;
liliwanag ang madilim mong buhay.
gusto lang naman kitang makatabi
bago pa ako magsisi sa huli.hindi parin ito magigiba ng mga bagyo—
burahin mo man lahat ng aking mga kulay,
dalhin man natin ang ating mga katawan sa hukay,
ako parin ay tatayo
at sasalagin ang mga bagyo
para lang sa iyo.von frederick
Marso 11, 2023
YOU ARE READING
Sa Dugo ng Araw
PoetryAng librong ito ay koleksyon ng mga prosa at tulang siniksik at inimbak ko sa likod ng aking puso. Wala akong pakahulugan sa deskripsiyon ng librong ito. Halo-halo ang mga piyesang naririto. Labo-labo rin ang petsa. Ang masasabi ko lang, lahat ng le...